NANK?! [25]

2.1K 143 15
                                    

Astrid's POV
"July 30, 2012 nung una kitang makilala. Pinakilala ka sakin ni Alice, bestfriend mo pa siya nang mga araw na yan" nagulat ako nang may biglang nagsalita, parang boses ni Jungkook.

"August 26, 2012 sinagot ako ni Alice, binalaan mo pa ako nun. Sinabi mo na kung hindi ko siya aalagaan papatayin mo ko" tapos tumawa siya, si Jungkook nga

"August 3, 2013 di ko alam kung anong nangyari sa inyo pero hindi na kayo nagpapansinan"

"October 15, 2013 nagbreak kami ni Alice, hindi ko kasi siya maintindihan kung bakit pinipiglan niya akong pumunta ng America"

"November 19, 2013 date ng pagalis ko papunta sa America, nalaman ko na sinubukang mag suicide ni Alice kaya natigil ang pag alis ko"

Bakit ba niya sinasabi 'to.

"December 25, 2013 nagkabalikan kami ni Alice"

"March 4, 2014 nagkalabuan kami ni Alice"

"April 8, 2014 nagbreak ulit kami ni Alice at nakilala niya si Matthew"

"Pagkatapos nun July 30, 2014 nakita ulit kita, bago nun July 25, 2014 nakausap ko si Alice sabi ko sa kanya na di ko kayang wala siya sa buhay ko"

"So we made a deal, na liligawan kita at pagnapasagot kita i will break your heart at pag nagawa ko yun. Magiging kami ulit"

"August 1, 2014 ewan ko kung pano mo nalaman na nililigawan kita ng patago. So kinomfront mo ko tungkol dun. Sinabi ko pa nga sa ayaw at sa gusto mo liligawan parin kita"

"August 28, 2014 dumating si Asher ewan ko ba simula nung dumating yan parang nagseselos ako na ewan"

"September 1, 2014 birthday ko nadissapoint ako kasi wala kang kahit na anong ginawa para sakin at oo aaminin ko nagtampo ako"

"September 20, 2014 ewan ko ba tuwing nakikita kita nagiging masaya ako, sinabi ko sa sarili ko na baka may feelings na ako para sayo"

"November 5, 2014 nagtapat ako ng totoong feelings ko para sayo, pumayag ka na ligawan kita kahit nalaman mo na niloko kita"

"December 30, 2014 nang iannounce ko na babalik na ako papuntang Korea, nagalit ka sakin nun at yan din yung araw na napaamin ka na may feelings ka para sakin"

Napaluha ako dahil sa mga sinabi niya.

"January 26, 2015 pupunta ako ng supermarket kasi bibili ako ng pagkain namin, nagulat ako ng bigla kang magdrama na iiwan na kita"

"The same day, January 26, 2015. sinagot mo ko pero bago nun nagpa thrill ka pa, humindi ka kaya nalungkot ako pero sinagot mo din ako"

Natawa ako sa sinabi niya.

Bigla naman may bumukas na isa pang spotlight at nakita ko si Jungkook na may hawak na mic at isang rosas.

"March 26, 2015 (a/n: makisakay na lang kayo kunyari 26 na ngayon haha) our 2nd monthsary, hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya Astrid Huang"

"Akala ko nung una hindi ako mahuhulog sayo kasi akala ko ginawa ko lahat ng pangloloko sayo para mapasakin ulit si Alice pero mali ako"

"Nahulog ako sayo, hindi naman ako lasing pero ang lakas ng tama ko sayo" napatawa naman ako sa kabaduyan ni Jungkook

Lumapit siya sakin at pinunasan yung luha ko.

"Thank you for everything Astrid Huang, Happy 2nd Monthsary and I love you very much"

a/n: OK SO DID YOU ENJOY THE UPDATES? EHUEHUEHUE KUNG OO THANK YOU VERY MUCH. yung NANK FB GROUP NATIN INAAMAG NA PO HAHAHA. mag join naman kayo mga pips nasa bio ko po ang link dont forget to vote and comment labyu mwah mwah tsup tsup.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now