NANK?! [39]

2.1K 105 30
                                    

a/n: happy 46k rangers! salamat sa mga sumuporta ng nank. sore sa super late update?! eto na talaga tatapusin ko na 'to dahil pasko magpapacheese burger ako! jk sige na enjoy sa pagbabasa don't forget to vote and comment!!!! hartzzz merry christmas rangers~

• Yura's POV

"Yura let me explain..." sabi ni Asher nang makarating kami sa apartment ko.

I laughed bitterly, "Explain what? Ieexplain mo sakin kung paano mo ako pinagmuhkang tanga? Ieexplain mo sakin kung paano mo ko pinaniwala sa kasinungalingan mo? Tangina Asher!"

"Tinanong naman kita ng maayos diba Asher? Ang linaw linaw ng tanong ko sayo damn it! Meron ba akong boyfriend? Sabi mo wala! Meron ba akong nalimutan? Sabi mo wala!" tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"Tapos eto! Dumating tong araw na to! Malalaman ko na lang na meron pala! Sabi mo paniwalaan kita, ako naman tong si tatanga tanga pinaniwalaan ka! Pinaniwalaan ko na ako si Yura Jeon! Pinaniwalaan ko lahat ng kasinungalingan mo! Bakit mo nagawa 'to Asher! Bakit!" sigaw ko sa kanya

"Dahil mahal kita! Narinig mo?! Putangina mahal na mahal pa kita!" napatigil ako dahil sa sinabi niya, napaupo naman siya dahil don.

"Asher..."

"Oo ikaw si Astrid Huang. Ako lang naman si Asher Santos, yung tarantadong ex mo na niloko ka. Pero trust me Astrid minahal kita. Mali, mahal na mahal pala kita. Hanggang ngayon" tumawa naman siya bigla, "Totoo pala yung kasabihan na 'marerealize mo lang na kailangan mo siya sa buhay mo kapag wala na siya sayo'" tinignan niya ko, "Sorry. I'm so sorry Astrid. The truth is napakasaya ko nung ako napili mong sumama sayo papuntang US para sa pag papagaling mo. Kaso nangyari nga 'tong Bogart Airlines incident at natuluyan ka na magkaron ng Amnesia. I took that chance para makapiling ka Astrid. Para mapasakin ka uli. Kanina? Nung lumapit ka sakin nung sinapak ako ni Jungkook? Napakasaya ko Astrid. Napakasaya ko" ngumiti siya at tumayo

Nilapitan niya ko at niyakap, "I'm sorry for being selfish. Sorry for all the damaged i've done to you physically and emotionally. Alam ko deep inside diyan sa puso mo mahal mo parin si Jungkook. Oo boyfriend mo yung tarantadong yun. Mahal mo padin yung gagong yun na may malaking ilong at naka 4/100 lang sa english exam. Dahil nakita ko nung nakita mo siya kanina Astrid, nagulat ka. Alam kong may naalala ka tungkol sa kanya. Ngayong nandiyan na siya, papasukin mo ulit siya sa buhay at puso mo at maaalala mo pa lahat lahat ng nakalimutan mo sa taong pinakamamahal mo. Si Jeon Jungkook"

Humiwalay siya sa yakap at tinignan ako, "Masaya na akong nakikita kang masaya. At dahil magpapasko na, magpacheese burger ka naman" inirapan ko naman siya

Hinalikan ako ni Asher sa noo, "Be with someone who makes you happy Astrid. At alam kong si Jungkook lang ang makapagpapasaya sayo" niyakap ko naman siya dahil dun

"Hay kaso pano ba 'to. Muhkang hindi na ko magugustuhan ni Jungkook pagkatapos kong gawin yun sa kanya kanina" sabi ko kay Asher nang humiwalay na ako sa yakap

"Sus ikaw pa. Ikaw si Astrid Huang. Mamahalin ka nun kahit maging kulugo ka pa" tumawa naman ako sa sinabi niya

"Labas tayo" yaya ko kay Asher

"Bakit?" tanong niya

"Wala lang pahingin tayo tapos bili tayo ng ice cream dun sa labas! Diba may ice cream parlor sa tapat natin? Tara naaaaa" sabi ko kay Asher, tumawa naman siya.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now