NANK?! [28]

1.9K 124 13
                                    

Jin's POV
Pumunta kami nila Namjoon, Hoseok, Taehyung at Chelsea sa ospital kung saan naka confine si Jungkook.

Hindi muna namin pinaalam kay Astrid, kung ipapaalam kasi namin baka mas lalo siyang mastress at lalong lumala ang kalagayan niya.

"Anong room ni Jungkook?" tanong ni Chelsea pagkapasok namin sa ospital.

"308 A" simpleng sabi ko, tumango naman siya.

Lumapit kami sa information desk at tinanong kung saan yung 308 A.

"Ah sir sa 3rd floor po yun pagkalabas niyo po ng elevator nasa right side niyo po siya pinakadulo" sabi nung babae

"Sige thank you" sabi ko at pumunta na sa elevator

Nung pagkapasok namin sa elevator agad kong pinindot yung button na may nakalagay na 3.

Pasarado na yung pinto ng elevator ng may sumigaw na babae.

"Saglit! Sasakay ako!" agad ko namang pinindot yung open button para bumukas yung elevator

Bumukas naman yung elevator at nakita ko yung babae. Maganda siya maputi, pero mas maganda si Pinky hehe.

"Salamat" sabi niya sakin at ngumiti habang sumasakay sa elevator, tumango naman ako.

Kinakabahan ako, sana walang nangyaring masama kay Jungkook.

Nakarating na kami sa 3rd floor. Naunang bumaba yung babaeng tinulungan ko kanina.

Bumaba nadin kami sa elevator, nakita ko yung babaeng tinulungan ko ay pumasok sa room ni Jungkook.

Sino kaya siya?

Yoeun's POV
Pumasok ako sa Room 308 A, sa pagpasok ko nakita ko si Jungkook na may malay na at nakaupo sa hospital bed.

Lumapit ako sa kanya pero nagulat siya.

"Sino ka? Nasan ako? Nasan yung mga hyung ko? Si Alice nasaan?" sunod sunod na tanong niya sakin

"Ako si Yoeun, nasa ospital ka" sabi ko sa kanya

"Ospital? Anong ginagawa ko dito- ouch" sinubukan niyang tumayo pero sumakit yung likod niya

"Wag ka munang tumayo, hindi ka pa nakakarecover sa aksidente mo" sabi ko sa kanya

"Aksidente? Anong sinasabi mo?!" tanong niya sakin

"Hindi mo ba natatand-" naputol yung sinabi ko nang may magbukas ng pinto

"Jungkook?" ito yung lalaking nakasalubong ko kanina

"Hyung?"

Astrid's POV
Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig at ng makakain. Naisip ko yung sarili ko, kung hindi ako kakain lalala lalo yung kalagayan ko at baka kung bumalik si Jungkook hindi niya na ako makita.

Pagkababa ko nakita ko si Yoongi at Jimin na nasa lamesa naguusap.

"Sana okay lang si Jungkook" sabi ni Yoongi tumango naman si Jimin

"Nakarating na kaya sila Jin Hyung sa ospital kung saan nakaconfine si Jungkook?" tanong ni Jimin, nagulat naman ako sa sinabi niya

"A-anong sabi mo? Nasa ospital si Jungkook?!" sabi ko

"A-astrid?"

"Jimin nasan si Jungkook?!?!" sigaw ko

"Astrid naaksidente si Jungkook" bigla naman akong napaluhod dahil sa sinabi niya

Jungkook balak mo ba akong unahan?

a/n: happy 19k NANK?! ugh salamat pooooooooo ng maraming maraming marami!!!!! hehe tweet niyo si astreng at jungkook sa twitter! @je0nk00kie at @bhousxastrid hehehe labyuuuuu.

dedicated po kay @kimjongdae ahehehe kapag nakapc na ako idededicate ko ehehe.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now