NANK?! [5]

3.6K 165 24
                                    

[ASTRID'S POV]

"GOOD LUCK BHE!" sabi nila Ericka at Nicole, andito kami sa theater room ng school para sa election ng mga school officers.

"Thank you guys! Kaya mahal ko kayo eh!" sabi ko sa kanila, kinakabahan ako! I'm running for the position of President. Wala akong speech hindi ako ready! Kasi naman pagkapirma ko ng COC (certificate of candidacy) kinabukasan agad yung speech?! Duuuuh.

"Let's welcome Astrid Huang to the stage!" sabi ni Ma'am Tim ang host ng election dito sa school, nang umakyat ako sa stage naghiyawan lahat pati narin si JUNGKOOK.

"ASTRID KO YAN!" narinig kong sigaw niya, hindi parin kami bati. duh, syempre kahit may paka tarantada at pagkalandi yang si Dianne may tiwala padin ako diyan. Naging BESTFRIEND ko din niya NOON.

"Haha, hi" tanging nabanggit ko pagkaakyat ko nang stage.

"So, first of all good morning my fellow students. For those who do know me hi theere~ and for those who don't hello, I'm Astrid Huang. I'm running for the position of President. So let's discuss what's my platform all about. First, gusto ko sanang ibalik ang mga clubs na hindi na itinuloy" nang sinabi ko yun bigla silang nabulongan agad

"Then also gusto rin sana magkaroon ng mga competitions. Mga quiz bees sa iba't iba subject natin tapos mga storymaking competition, photography, spelling bee at mga iba pang competition. Also, may mga extra curiccular activities ako katulad ng Linggo ng Wika, yung Christmas Party natin, Halloween Party which is never pang hineheld satin haha, tapos yung Valentines Day may libreng ipapamigay na roses ang mga mananalong officers. Ito din isa sa mga problema ng school natin. Ang BULLYING, sino mga bully dito? Taas kamay" sinabi ko pero walang nagtaas

"Suuuus, walang bully dito?!" sabi ko, "Ang umamin ililibre ko" tapos may mga nagtaas, wow kapal ng muhkaaa! kalerky. "Haha joke lang! Guys sasabihin ko lang sa inyo masama mang bully. Ang mga parents niyo madadamay din, mamomomblema sila sa paghahanap ng magiging eskwelahan niyo na patratransferan niyo. Guys, imagine pag kayo ang mga magulang ng binubully. Anong mararamdaman niyo? Diba masakit? Kasi yung anak mo nabubully na pala, hindi parin nagsasalita. Kaya gusto ko sana pag nanalo ako iwasa-- scratch that. NO TO BULLYING tayo, lahat ng to hindi ko pinapangako, kasi may mga taong nagpapangako pero sinisira din 'to. Sabi nga nila, "Promises are meant to be BROKEN"" naghiyawan naman sila, nakita ko si Jungkook nakasimangot, tamaan ka dude 'no? haha tsk

"So guys, again. I'm Astrid Huang running for the position of president at lahat ng ito magagawa ko kung iboboto niyo ko. Maraming salamat! Ma-hal ko kayo!" ginaya ko yung 'Mahal ko kayo' ni Sandara Park tapos lahat sila naghiyawan at nagpalakpakan ulit, tapos nun bumaba na ko sa stage tapos bumalik dun sa upuan ko.

"Good Job" sabi ni Asher na nasa lik--- ASHER?! O.O

"Ash?! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya

"Pangabi ako dati, nalaman ko dito ka din pala nagaaral at pangumaga ka so nagpapalit ako ng oras ko nang pangumaga" sabi niya

"Stalker!" sabi ko sa kanya

"Di naman ako panget para sabihan mo nun! Dapat admirer pre!" sabi niya, choosy?

"Buti nga di panget at rapist tawag ko sayo eh! Choosy pa ka!" sabi ko sa kanya

"Psssh, tara sa canteen" sabi niya

"Pero di pa tapos yun--" di ko natapos yung sasabihin ko kasi dinikit niya yung labi niya sa labi ko-- ay joke lang! atha kayo. diniki niya yung dalawang daliri niya sa labi ko

"Sshhh, ako bahala. Tara" sabi niya at hinila paalis ng theater room

[JUNGKOOK'S POV]

"Pre nakita mo si Astred?" tanong ko kay Neil

"Nakita kong lumabas siya bhe bhe Kookie ko, may nakita akong kasama niya lalaki bhe bhe Kookie" sabi niya, punyeta sino nanaman yun.

"Thank you bhe bhe kho" sabi ko sa kanya at dali daling lumabas ng theater room

Naglakad ako papuntang garden pero bago makadating sa garden madadaanan ko muna yung canteen at gym ng school.

"Hayyy asan ka na Astred" sabi ko sa isip ko, nakarinig ako ng tawanan malapit sa may gym lumapit ako para makita kung sino yun.

Nang makasilip na ko nakita ko sila...

Bakit di niya kayang suklian yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya?

--x

Omogerd~ Sino kaya yung nakita ni Kookie? Ikaw ba yun? Asa ka! Ako yun! Ay dejk. Hi bh3 dedicated sayoooo.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now