NANK?! [12]

2.5K 174 34
                                    

Jungkook

Wait nagpapanic ako.

Di ko alam gagawin ko.

Umalis si Astrid dun pagkatapos pumasok siya sa restaurant.

Palapit na siya anong gagawin ko!!!!!

"Manguuuk~ Sorry kung nalate ako pinaghintay kita  ng 2 hours" sabi niya

"A-ah yun ba? Wala yun! Kakarating ko lang naman mga 30 minutes ago" ayan nagsinungaling nanaman ako.

Pero bakit ganun dapat galit ako sa kanya diba?

Kasi pinaghintay niya ko.

"A-ah, saan ka ba nanggaling at nalate ka?" sabi ko

"Si Asher kasi eh" tss, Asher nanaman. Lagi na lang.

"Oh anong meron dun" sabi ko ng walang gana at sumandal sa couch habang nakatingin sa kanya

"May sakit kasi siya eh, tinawagan niya ko. Sorry talaga Manguk" sabi niya, wow ako nga nagtae di mo ko inalagaan. Tapos si Asher isang tawag lang andun ka na?

Bakit ba pinagseselos mo ko?

Astrid

"Wow naman, ang caring" sabi ni Jungkook ng walang gana

"Manguk sorry na talaga. Babawi ako next time" sabi ko sa kanya

"Okay lang, kain muna tayo. Order ka na kung anong gusto mo" sabi niya, bakit biglang nagiba mood niya? Di kaya.... nagseselos siya?

Hahaha imposible. Asa ka naman Astrid eh niloloko ka lang niyan.

"Okay" tanging sinagot ko at kinuha yung menu na nakalagay sa harapan ko.

4 cheese pizza.
Ham & cheese pizza.
Bacon pizza.
Pizza Margarita.
Pizza Bianca.

Bakit puro pizza. hehe

Tumingin ako sa paligid.

'Papa John's Pizza'

Ay hehe tanga mo Astrid. Pizzeria nga pala 'to. Kaya pala familiar yung lugar sakin. Okeh naman ang lola ko na.

Sinabi ko kay Jungkook kung ano yung gusto ko tapos inorder niya naman yun.

"Ah Jungkook, saan pala tayo pagkatapos dito?" tanong ko sa kanya

"Hahatid na kita" sabi niya, medyo nadissapoint ako. Kasi naman, nag effort pa kong pumunta dito. Tapos kakain lang pala kami dito sa pizzeria na 'to. Eh may pizzeria naman samin sa kanto.

Gago ka ba Jeon Jungkook.

"Ah okay" sagot ko, nakakabwisit kasi eh.Nginitian niya na lang ako. Aba hindi nga nagbibiro ang gago.

Mga ilang minuto din dumating na yung order. Napatingin ako dun sa waiter parang kilala-

"Astrid? Astrid Huang?" sabi nung waiter, sabi ko na nga ba kilala ko 'to eh. Kaso di ko na maalala yung pangalan eh.

"Hehe ako nga, sorry di ko na maalala yung pangalan mo eh" sabi ko

"Ace! Ace Mangasim" Mangasim! Mangasim! AH! "Ako yung natrain sayo nung nag OJT ka dito!" sabi niya.

"Ah! Mangang maasim!" sabi ko tapos napatawa kaming dalawa.

"Buti dito mo naisipang kumain! Miss na miss na kita huang huang de carabao!" sabi niya, ay sht muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako.

"A-ah hindi, siya kasi yung pumili na dito kami kakain" sabi ko tapos tinuro ko si Jungkook.

Tumango si Ace, "Boyfriend mo?" tanong niya

Jungkook
"H-ha? Hind-" sumabat na ko agad bago pa matapos yung sasabihin ni Astreng.

Tumayo ako, "Oo boyfriend niya ko, Jungkook nga pala" sabi ko dun sa Ace ba yun?

"Nice to meet you! Ako si Ace Mangasim! Ang swerte swerte naman ni Astrid! Nakabingwit ng fafable! Hays bakit ako wala parin!" tangina ano daw.

Bakit ako wala parin?
Bakit ako wala parin?

"Bakla ka?" tanong ko

"Nakakaoffend naman! Di ba halata?!" sabi niya tapos hinampas yung braso ko.

Wtf. Nagselos ako dahil sa isang bakla?

Wow.
--x
A/N: Unang una sa lahat salamat po sa 4,000+ reads. Nakakaiyak. Maraming salamat sa support guys hehe. Mahal kayo ni Jungkook.

Tweet niyo ko @beyengke, with hashtag #MALIGAYANG4kNANK?!
Oha :( maligayang 4k. Para maiba. Magpapaparty ako pag ito umabot sa 10k hehehe.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now