NANK?! [17]

2.4K 154 47
                                    

A/N: ATTENTION!!! IMPORTANT ANNOUNCEMENT. Yung mga nakabasa na po ng "NANK?! 16" paki reread po kasi may unting pagbabago. Okay lang kahit dun na lang sa binago ko yung basahin niyo. Yun lang. Enjoy!

Astrid's POV

Pagkatapos ko ihatid si Jungkook agad na kong naglakad papunta sa next class ko.

Papasok na ko ng classroom nang may biglang lumabas sa clasroom at naka bangga ko.

"Ugh, look what you did" kasi naman sinong di maiinis, ilang araw ko pinaghirapan ayusin yang mga papeles na yan.

Agad naman akong lumuhod para kunin yung mga papel na nahulog.

"Sorry" rinig ko tapos, nakita ko yung kamay niya na pumupot din ng mga papel.

Napatingin ako sa kanya.

Teka diba ito yung bagong boyfriend ni Ali--

"MATTHEW MARASIGAN!!! DI PA TAYO TAPOS MAG--" naputol yung dapat sasabihin niya nang makita niya akong tinutulungan ni Matthew magpulot ng mga papel.

Tumayo ako pagkatapos kong kunin yung mga papel. Inabot naman sakin ni Matthew yung mga papel na kinuha niya.

"Good Morning Astrid" sabi ni Alice sakin.

"Walang good sa morning lalo na kung ikaw yung makakasalubong ko" sabi ko at naglakad na papasok sa classroom.

Pagkapasok ko sa classroom agad akong umupo sa table ko tapos sinaksak ko yung earphones ko sa tenga ko.

Ang ingay kasi ng bunganga ni Alice.

Pumasok naman si Matthew at Alice.

Hininaan ko yung volume ng pinapakinggan ko  para makinig sa pinag aawayan nila.

Oo na chismosa na ko, maganda naman.

"Matthew! Makinig ka sakin!" sabi ni Alice, kumuha ako ng libro sa bag para di masyadong halata na nakikinig ako sa kanila.

"Alice ilang beses ko ba sasabihin na ayaw ko na?" sabi ni Matthew

Ayaw na ano?

"Matthew"

"Alice, akala ko nung una wala eh. Pero patindi ng patindi. Ayaw ko nang magpanggap. Tigilan na natin 'to" sabi ni Matthew

Ano daw? Magpanggap?

Napaka palmolive talaga ni Alice.

To the left to the right, lalaki niya sabay sabay. Hays

Kawawa naman si Matthew.

Pagkatapos nila mag away, dumating na yung ibang kaklase namin pati yung professor.

Tumabi sakin si Matthew. Nakakatawa yung itsura niya. Para siyang namatayan ng aso.

Nasa kalagitnaan na kami ng lesson nang biglaan may iannounce sa speaker.

"Hello? Haha naka on ba 'to?" teka kilala ko 'tong boses na 'to ah?

"Elo ako Jungkook haha, Hi Astrid Huang mahal kita" jusq, si Jungkook nga.

Nag hiyawan naman yung mga kaklase ko.

"SHET AJ FEELS!"

"KINIKILIG KEPS KO"

"HOW TO BE ASTRID HUANG"

"GALAWANG JUNGKOOK 2k14"

"Astrid, date tayo mamaya ha" sabi ni Jungkook sa speaker

Naghiyawan ulit yung mga studyante.

Jusq, Jeon Jungkook ano ba.

"Umalis ka nga diyan, puro ka kalandian ako na mag aanounce" si Namjoon ba yun?

Teka nga ako presidente ng student council tapos wala akong ka alam alam sa iaanounce nila.

Sabagay, si Namjoon naman anak ng may ari ng school.

"Mag kakaroon ng party sa bahay nila Jungkook, attend kayo ha? 9:00 pm. See you there"

Party? Ano nanaman 'tong gagawin nila.

A/N: UY HAPPY 8K READS RANGERS! HAHAHA AND MALIGAYANG PASKO RANGERS! MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO NILA ASTI AT JUNGKOOKIE!!!!

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now