NANK?! [30]

2K 132 23
                                    

a/n: HAPPY 20K NANK?! ehuehue maraming maraming salamat po <3 tweet niyo ko sa @K1MSE0KJ1N
#NililigawanAkoNiKookie ang official hashtag (wao migodz official feeler ko huh)

Astrid's POV
"Kookie" sabi ko pagkapasok ko sa room niya

"Uy Astrid! Hello!!" masaya niyang bati sakin

"Ah sige, Astrid at Jungkook labas muna kami" sabi ni Chelsea at lumabas sila kaya kami na lang ni Jungkook ang natira dito

"Oh? Bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sa Prinsesa Astrid namin?!" sabi niya

Prinsesa Astrid, ayan yung tawag ng Tropang Budots sakin dati. Si Jungkook ang nagpauso niyan.

Dun lang yung naaalala niya?

"Ang pangit mo kasi" biro ko sa kanya, lumungkot naman yung muhka niya.

"Wow Astrid ha! Masakit!" sabi niya sakin, tumawa na lang ako.

"Jungkook, wala ka ba talagang naaalala?" tanong ko sa kanya, pinipigilang mas lalong umiyak.

"Kanina pa tinatanong sakin yan! Ano ba dapat kong maalala?" sabi niya, masakit. Wala na talaga siyang maalala.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na "tayo", yung relasyon natin. Yung pagmamahalan natin. Kaso hindi ko magawa. Sabi kasi ng doctor, wag daw pilitin na makaalala si Jungkook kasi daw makakasama daw sa kanya yun. Pag pinilit daw siya maaaring may pumutok na nerve sa utak niya at baka maparalyze siya or worse, mamatay siya. Ayaw ko naman mangyari yun.

"Hindi mo ba maalala na maganda ako?" sabi ko sa kanya

"Na maganda ka atsaka gwapo ako kaya bagay tayo?" tumawa siya, nilagay niya yung isang kamay niya sa muhka ko.

"Wag ka na umiyak Astreng. Papangit ka niyan, di na tayo magiging bagay sige" sabi niya habang pinupunasan yung luha ko, hinawakan ko yung kamay niya.

"Jungkook ito laging mong tandaan. Kahit anong mangyari mahal kita. Kahit hindi mo na ko maalala mahal kita. Kahit na may iba ka na mamahalin padin kita" sabi ko sa kanya

"Astrid tayo ba? Anong sinasabi mo? O talagang may hidden desire ka lang sakin?!" sabi sakin ni Jungkook

"Ayaw kong ipilit ang sarili ko sayo kung hindi mo ko maaalala Jungkook, gusto ko lang magpasalamat sa lahat. Kung maalala mo man ako, wag mo na lang ipaalam sakin. Siguro sa oras na yun wala na ako" sabi ko sa kanya

"Tangina Astrid ano bang sinasabi mong wala ka na sa oras na yun?! Mamamatay ka ba?! May sakit ka ba?!" tanong niya sakin

"Jungkook, wag mo na akong alalahanin. Magiging okay din ako. Wag mo istressin ang sarili mo baka makasama pa yan sa kalagayan mo" sabi ko sa kanya at pinunasan na ang mga luha ko

May kumatok naman sa pinto, bumukas ito. Nakita ko si Jin.

"Astrid andiyan na siya sa labas" sabi niya

"Oo sige lalabas na ako" tumingin ako kay Jungkook, "Sige Kookie mauna na ako" sabi ko sa kanya tumayo na ako sa upuan ko patalikod na ako pero hinila ni Jungkook yung isang braso ko

"Astrid, July 30 ngayon diba?" nagulat ako nang sinabi niya yun

Yung date na kung saan nagsimula ang lahat.

Inalis ko yung paghawak niya sa kamay ko, "Tanga April 5 ngayon" sabi ko sa kanya at ngumiti

"Astrid sorry kung may nagawa ako" sabi niya

"Wala kang ginagawa Jungkook, wala"

Lumabas na ko sa kwarto ni Jungkook, not saying good bye, not saying anything. I turned around and left.

Nung makalabas ako sa kwarto ni Jungkook napaluhod ako at nagsimulang tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Naramdaman ko namang may yumakap sakin, "Run away with me?" sabi niya sakin at tumango ako.

Mahal ko si Jungkook, pero mas maigi nang lumayo ako para sa ikabubuti ng kalagayan namin.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now