NANK?! [15]

2.3K 158 39
                                    

A/N: Happy 6k NANK!!! Yiii malapit na tayo  mag 10k HAHAHA. Once again maraming salamat sa support guys hehe. And belated happy birthday sa prinsesa Seokjin ko. Alam niya naman kung gano ko siya kamahal hehe. Dont forget to vote and comment your reactions! Enjoy.

Jungkook's POV

Dinala ko si Astrid sa clinic ng mall. Sabi ng mga nurse nagpass out daw siya siguro dahil sa stress at pagod.

Masyado kasing busy sa studies si Astrid these past few weeks. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama na hinihigaan ni Astrid.

Pinagmasdan ko siya.

Actually katulad na katulad ni Astrid ideal girl ko.

Maganda.

Matangkad pero mas maliit sakin.

Matalino.

Maganda yung legs? Hahaha.

Mahaba yung buhok.

Mabait pero minsan trashtalker.

Happy go lucky.

Parang nasa kanya na nga yung lahat na hinahanap ko eh.

Madaling ibigin si Astrid. Kaya imposibleng hindi mo siya magustuhan kung magiging close kayo.

Astrid's POV

Unti-unti kong minulat yung mata ko, ugh ang sakit ng ulo ko. Nakita ko si Jungkook na nakatitig sakin nang lumingon ako sa gilid kung nasan siya.

"Astrid" sabi ni Jungkook, tinulungan niya akong umupo sa kama tapos nginitian niya ko.

Ugh, ano bang ngiti yan Jeon Jungkook! Bawal! Bawal 'tong nararamdaman ko.

"Astrid" niyakap niya ako, "Wag ka na magpapagod ulit ha? Sobrang alala ko sayo kanina. Akala ko kung ano nang nangyari sayo" sabi niya, sa tono pa lang ng boses niya malalaman mo na.

Shit, ano ba 'tong mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko. Ugh

Bawal 'to. Bawal akong mahulog sa patibong niya.

Dahil alam ko kung ano talaga motibo niya.

Gusto niya lang ako saktan.

Humiwalay ako sa yakap niya pero hinila niya ako pabalik sa kanya.

"Astrid, Im sorry" sabi niya

"Huh? Bakit ka-" humiwalay ako sa yakap niya ulit at tinignan siya sa mata niya

"Gusto ko malaman mo yung totoo, yung totoong nararamdaman ko para sayo" sabi niya at huminga ng malalim.

Siguro ito na yun. Aamin na siya na wala talaga siyang gusto sakin. Na pinagpustahan nila ako ni Alice.

"Nung una peke. Peke lahat ng ginawa ko para sayo. Peke lahat ng sinabi ko sayo. Yung nararamdaman ko peke. Nagawa kong lokohin ka kasi akala ko para sakin talaga si Alice. Sorry. Sorry kung nagawa kitang lokohin" sabi niya, hindi ko alam kung bakit wala akong grudge na maramdaman laban sa kanya. Siguro kasi alam ko naman na dati pang niloloko niya ko.

"Pero nitong mga nakalipas na linggo, ikaw ng ikaw yung naiisip ko. Ikaw yung laging buka ng bibig ko. Hindi nabubuo yung araw ko nang hindi kita nakakausap o nakikita. Astrid, mahal na ata talaga kita" sabi niya at ngumiti

Bakit ako kinikilig. Pero, di talaga pwede.

Tumawa ako.

"Bakit ka tumatawa" tanong niya, "Astrid totoo 'to" sabi niya

"Pwede ba kitang ligawan ulit? Yung pangliligaw na kasama yung totoong feelings ko?" ngumiti ako

Time for revenge.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now