NANK?! [35]

2.3K 130 77
                                    

a/n: salamat sa 30k reads! mahar namin kayo nila astrid at kookie! <3 hope you enjoy this update! votes and reactions please? :--)

Yoeun's POV
"Hindi ako si Yoeun Woo" sabi ko sa kanila, napatahimik silang lahat.

"Sino ka si Maria Ozawa?" sabi sakin ni Taehyung. Gago ginawa pa kong pornstar nitong alien na 'to.

Binatukan siya ni Namjoon, "Dami mong alam makinig ka na lang" sabi niya kay Taehyung.

"Ex boyfriend ko si Asher. Si Asher Paolo Santos" nagulat naman silang lahat.

"Bago maging si Asher at Astrid naging kami muna ni Asher. Isang araw pagka gising ko patay na yung tunay kong nanay. Naiwan ako sa step dad ko. Kailangan na kailangan ko ng maiiyakan nun, at yung tanging taong maiiyakan ko si Asher dahil siya na lang ang meron ako nung araw na yun. Cinontact ko siya, pinuntahan sa condo niya, pinuntahan sa bahay nila, tinawagan ko mga barkada niya pero wala. Pumunta ako sa university natin. At dun ko siya nakita kasama yung anak ng babaeng pumatay sa nanay ko. Si Astrid Huang" sabi ko sa kanila at halata namang gulat na gulat sila.

"Ano? Yung nanay ni Astrid pinatay yung nanay mo?" tanong ni Namjoon sakin, hindi ko naman sinagot yung tanong niya at nagsimulang magkwento ulit.

"Hindi ko sinugod si Astrid at Asher nun. Hinayaan ko na lang sila. Kinabukasan kalat na kalat sa buong campus na sila na ni Asher. Astrid at Asher, Ash couple. Perfect Match" sabi ko at nag fake laugh

"At syempre para sakin napakasakit nun. Napakasakit nun kasi kailangan ko si Asher at siya na lang ang meron ako pero nawala din. Tumakbo ako sa School Grounds dun ako umiyak tapos pinagbubunot ko pa nga yung mga damo eh. Parang akong tanga nun. Dun ko nilabas lahat ng sama ng loob ko kay Asher. Dun ko nakilala si Jungkook, nilapitan niya ako. Tandang tanda ko pa sinabi niya sakin nun. Na ang dugyot ko daw tignan kaya binigyan niya ako ng panyo pero hindi ko tinanggap yun kaya lumapit siya sakin at siya yung nagpunas ng muhka ko" sabi ko sa kanila

//flashback
"Miss nasasaktan yung damo" sabi nang isang lalaki sakin kaya naman napatingin ako dun sa nagsalita

"Ang dugyot mo naman tignan. Eto oh" sabi niya at inabutan niya ko ng panyo pero hindi ko tinaggap yon at tumingin sa langit.

Nakarinig naman ako ng mga hakbang. Siguro umalis na siya.

"Halika nga dito" sabi nung lalaki at hinila ako sa may mga upuan

"A-ano ba. Ayos lang ako" sabi ko dito at nag pilit pumiglas sa hawak niya, inupo niya ako sa isang upuan at umupo sa harap ko.

Sinumulan naman niyang punasan yung muhka ko. Napatingin ako sa muhka niya.

Gwapo kaso nga lang malaki yung ilong pero ano ba ang gwapo nga! Tapos mabait pa. Hay

"Miss alam kong gwapo ako kaso baka naman matunaw ako sa titig mo" sabi niya sakin kaya napatingin ako sa baba dahilan para makita ko yung ID niya.

Jeon Jungkook

"Miss iba na yung tinitignan mo!" sabi niya at tinakpan yung sa may junior niya

"H-hindi ako tumingin diyan ah! Kapal mo!" depensa ko sa kanya, tumawa naman siya.

Ang ganda ng ngiti niya.

Ugh, bakit ganito bumibilis tibok ng puso ko.

"Jeon Jungkook! Malelate na tayo!" sigaw ng isang babae, si Astrid.

"Sige miss una na ko. See you around" sabi niya at ngumiti ulit, ngumiti din ako pagkatapos tumalikod na siya at tumakbo papalapit kay Astrid.
//end of flashback

"I know it sounds weird pero simula nun lagi ko nang sinusundan si Jungkook. Nalaman ko na naging sila ni Alice Iscala. Na may bussiness siya kasama kayo yung Icelle café. Na magkakasama kayo sa iisang dorm. Tinamaan ako ng sobra sobra kay Jungkook. Hanggang sa isang araw nalaman ko na nagbreak sila ni Alice wala nadin si Astrid at Asher. At na nililigawan ni Kookie si Astrid" sabi ko sa kanila

"Naisip ko, si Astrid? Si Astrid nanaman? Bakit lagi na lang siya? Bakit hindi nalang ako? Lahat nalang ng mahal ko si Astrid yung mahal" sabi ko sa kanila

"Just cut to the chase Yoeun" sabi ni Yoongi sakin

"I'm Alessa Lee. Anak ni Jihee Lee at ni Richard Huang. Half sister ni Astrid Huang"

Jin's POV
"May kapatid si Astrid? Bakit hindi niya pinaalam satin?" tanong ni Jimin.

"Oo nga" pag sangayon ng iba kay Jimin.

"Hindi niya ba tayo pinagkakatiwalaan?"

"Baka naman kinakahiya niya si Yoeun?- este Alessa pala"

"That's not the reason. Her father was a politician. Malaking gulo pag nalaman ng media na may kabit at anak sa labas yung tatay niya" sabi samin ni Alessa

Natahimik naman kami dahil sa sinabi niya. Sinabi niya narin samin na siya yung nakabangga kay Jungkook.

Hindi naman daw yun sadya. Walang sense kung magagalit pa kami kasi tapos na nangyari na wala nang magagawa galit namin. Hindi naman maibabalik nang galit namin yung maayos na kalagayan ni Jungkook.

Bigla naman nag ring yung cellphone ko.

Pinky Ketchup of my Life calling....

Ano? May problema kayo sa pangalan ni Pinky sa cellphone ko?

Si Jimin nga eh puro Bar Girl #1, Cute Girl in Motel, Hot Model in Agency sa contacts niya eh.

Sinagot ko naman yung tawag.

"Hello Pinky?"

"Ay indi si Greeny 'to, si Greeny" parang tanga 'to si Pinky. Greeny daw parang Granny.

"Makikipag gaguhan ka nanaman ba Pinky? Wala ako sa mood" sabi ko sa kanya

"Tangina hindi. May dalawang bad news at good news ako para sayo. Ano gusto mo unahin?"

"Bad news, Good news, Bad news" sabi ko sa kanya

"Okay, delayed ako" sabi niya kaya napamura ako

"Pero nagpregnancy test na ko hindi ako buntis" sabi niya kaya napahinga ako ng malalim

"Ano pa yung isang bad news mo?" tanong ko sa kanya

"Bumagsak sa Korea yung eroplano nila Astrid. Okay si Asher pero si Astrid nawawala"

Tangina.

Asher's POV
"Well, this is Daegu" sabi sakin ni Jieun

"Thank you very much Jieun. By the way, you said you grew up here right?" tanong ko sa kanya, baka kakilala niya si Alessa.

"Yes why?"

"Do know you any person in here named Alessa Lee?" nagulat naman siya nung tinanong ko yun.

"Who are you? Why are you looking for her?" tanong niya sakin.

"I'm Asher Santos. I need her help" sabi ko sa kanya.

"Santos? Asher Santos? Now I know why you're looking for her" tapos tinignan niya ko ng masama

"I don't get it"

Nilabas niya yung cellphone niya. At may pinakitang picture sakin. Nagulat naman ako.

"You know her? Yoeun Woo?" tanong ko sa kanya

"Her real name is Lee Alessa. I'm her sister Lee Jieun"

Kapatid din siya ni Astrid?!

Ang gulo!

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now