NANK?! [40]

1.5K 80 8
                                    

• Astrid's POV

Napatayo ako sa upuan ko nang makita ko yung babaeng kasama ni Ella.

"Ah come on" akmang paalis na siya pero hinila ni Ella yung braso niya para mapigilan siya.

"Don't 'come on me' Alessa, sit down. We have to talk, you two have to talk" sabi ni Ella, sinunod naman ni "Alessa" yung sinabi niya at umupo nadin si Ella.

"How many times do I have to tell you Ella? Wala kaming dapat pag usapan" sabi ni Alessa at tumingin sa akin.

"A-alessa.. I'm.. I'm sorry" mga salitang lumabas bigla sa bibig ko, nang tumingin ako sa kanya halatang halata yung gulat sa muhka niya.

"Sorry?" tumawa siya, "Do you even know what you're sorry for? Pero alam mo matagal ko nang gusto marinig sayo yan Astrid. Salamat pero kasi huli na eh, wala nang magagawa yang sorry mo. Lahat nang dapat akin inagaw mo. Lahat ng luhang iniyak ko, lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat ng pinagdaanan ko. Hindi yun mababago ng sorry mo" sabi niya sakin kaya natahimik ako.

"I didn't drag  you over here to tell her those things Alessa. Dinala kita dito para makipagbati kay Astrid" sabi ni Ella

"Hindi ganun kadali yun Ella" sabi ni Alessa sa kanya at ngumiti, "Ikaw ba? Kaya mo bang papasukin nalang uli ng basta basta yung babaeng halos sumira ng buhay mo?" dagdag niya pa, "I'm sorry but this is not the right time for this" tumayo na siya at naglakad papunta sa labasan ng restaurant, tinatawag ni Ella yung pangalan niya pero hindi siya lumilingon kaya umupo nalang siya ulit.

"I'm sorry Astrid. Talagang matigas lang-" hindi ko na narinig kung anong susunod na sinabi ni Ella dahil tumakbo ako papalabas ng restaurant at hinabol si Alessa.

Nang makalabas ako ng restaurant, agad kong hinanap si Alessa. Nakita ko siyang tumatawid papunta sa kabilang building.

"Alessa!" sigaw ko sa pangalan niya kaya naman lumingon siya at mas binilisan niya pa ang lakad niya.

"Alessa, saglit lang!" sigaw ko ulit sa kanya, nung malapit na ko sa kanya hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya

"Bitawan mo ko! Sinabi ko naman sayo diba? Hindi! Ayoko!" sigaw niya sakin

"Alessa humihingi na nga ako ng tawad eh! Ano pa bang gusto mo?! Gusto mo pa bang lumuhod ako sa harap mo? Oh sige ayan! Gusto mo bang halikan ko yung paa mo? Sige ayan! Ano pa?! Ano pa bang gusto mo para mapatawad mo ko!" sabi ko sa kanya habang nakaluhod, tinitigan niya lang ako ng ilang segundo tapos tumalikod siya at tumakbo uli

Tumayo naman ako agad at pinigilan siya, "Alessa! Wag mo na akong takbuhan! Sabihin mo nalang Alessa! Gagawin ko naman lahat para patawarin mo ako eh!" hingal kong sabi   sa kanya

Tumigil naman siya at nagulat ako nang may nakita akong luha sa mga mata niya, "Bakit? Kaya mo bang ibigay yung buhay na nararanasan mo ngayon sakin? Kaya mo bang ibigay si Jungkook sakin? Kaya mo bang ibigay yung tatay ko sakin? Kaya mo bang magparaya?  Hindi diba? Selfish ka kasi. Pati para sa ibang tao inaangkin mo. Wala kang kwentang kapatid. Wala kang kwenta sakin kaya hindi kita kailangan sa buhay ko. Pabayaan mo na ko Astrid! Gusto ko mag isa! Hindi ko kayo kailangan! Sanay nanaman ako kasi buong buhay ko mag - isa lang ako kaya tigilan mo na ko!" sabi ni Alessa sakin kaya naluha ako.

Wala akong masabi, wala akong magawa. Wala akong kwenta. Wala akong kwentang tao. Wala akong kwentang kapatid. Wala.

"Kung wala kang sasabihin aalis na ko. Sinasayang mo oras ko" sabi ni Alessa at naglakad na papalayo.

Bigla namang bumuhos ang ulan. Perfect timing sa taong umiiyak.

• Jungkook's POV • 

"Wala parin?" tanong ni Asher sakin, umiling naman ako at napatingin sa orasan.

Napabungtong hininga naman ako. Sabi niya lalabas lang daw siya tapos makikipag kita kay Ella pero mag mamadaling araw na wala parin siya. Tapos ang lakas lakas pa ng ulan. Hindi kaya nawala yun? Wala kasing sense of direction yun si Astreng eh. Oh baka naman nalapa na ng lion, may lion bang on the loose sa Korea?

Tangina mo Jungkook, kung ano ano pinagiisip mo.

"Pre, may tanong ako" bigla namang sabi ni Asher kaya napatingin ako sa kanya

"Ano yun?"

"Anong nangyari sa inyo ni Astrid, I mean nung araw na yun... Paano?" tanong niya

"Ah yun ba? Hindi ko din alam eh. Ang bilis ng pangyayari yun yung araw na nalaman kong may Lacunar Amnesia si Astrid. Yun din yung araw na nagkita tayo sa bar, naalala mo? Yung sinuntok kita. Kung di mo alam, baka gusto mong sapakin kita uli para maalala mo" pabiro kong sabi sa kanya at natawa naman si Asher

"Pero seryoso na, yung nalaman kong may Amnesia si Astrid biglang ang raming pumasok na tanong sa utak ko. 'Paano na kami?', 'Bakit pa kasi ako na aksidente?', 'Mahal pa kaya ako ni Astrid?'. Mga tanong na hindi ko alam kung papaano sagutin. Grabe yung nararamdaman ko nung araw na yun. Hindi ko kinaya kaya tumakbo ako palayo nang malaman ko yun. Nagsisisigaw ako, tangina alam kong bakla tignan pero iyak ako ng iyak nun. Hanggang sa naglakad lakad ako at nakabangga ko siya. Nagulat ako, sinabi niya yung pangalan ko at bigla niya akong niyakap tapos umiyak siya at sinabi niya na pasensya na daw sa lahat ng mga mali niyang nagawa. Sinabi niya na mahal niya daw ako. Ang saya saya marinig nun pre, ang sarap sa pakiramdam. Yung taong nahiwalay sayo ng ilang buwan at nagkaron pa siya ng Amnesia nun. Akalain mo? Nung unang kita man namin hindi maganda pero nung nagkita ulit kami ang sarap pakinggan na mahal niya parin ako" sabi ko kay Asher

Bigla namang bumukas yung pinto at napalapit ako agad sa taong pumasok.

• Third Person's POV •  

"Astrid saan ka nang galing! Bakit basang basa ka?!" alalang sabi ni Jungkook kay Astrid, pinunta ni Jungkook sa sofa si Astrid at inupo doon.

"Jungkook eto twalya" sabi ni Asher at inabutan si Jungkook ng twalya.

Agad namang pinunasan ni Jungkook ang buhok ni Astrid at iba pang parte ng katawan ni Astrid na basa.

Nabigla naman si Jungkook ng biglang siyang niyakap ni Astrid.

"Astrid?" nagtatakang tawag ni Jungkook sa kanya, "May nangyari ba?"

"Jungkook, oo" sabi ni Astrid

"Ha? Anong oo?" tanong naman ni Jungkook

"Yung tanong mo sakin noong isang araw? Sagot ko dun oo" sabi naman ni Astrid kaya naman napangiti si Jungkook.

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now