JAMES’ POV
Three months na rin ang nakalipas mula noong birthday party ni Matt. Feeling ko three years na yung three months na yon dahil sa sobrang dami nang nangyari. Lagi ko pa ring kasama sila Cheska, Matt at Kate dahil talaga nga namang kasundo ko sila sa halos lahat ng bagay – lalong lalo na si Cheska. Hindi ko alam pero simula noong birthday party ni Matt ay parang lalo pang lumalim yung pagkakakilala ko kay Cheska. Siguro dahil that was moment where I saw how strong and how fragile she is at the same time. Doon ko nakita kung gaano kalalim yung sugat na iniwan ni Mico sa puso niya. Pero doon ko rin nakita kung paano niya pinakawalan lahat ng sakit na naranasan niya. Sa totoo lang bilib talaga ako kay Cheska. She was able to make herself a better person even after what happened to her and Mico. Kahit sobrang nasaktan siya, ginamit niya yon para makapagfocus siya sa pag-aaral at trabaho niya kaya naman sobrang successful na niya ngayon, hindi katulad ko na kailangan pang muntikang masira yung career ko bago ako magising sa katotohanan.
Kaya nga mas lalo kong naappreciate si Cheska. At kahit araw-araw ko siyang kasama ay nag-eenjoy talaga ako. Bukod kasi sa masaya siyang kasama, siya kasi yung taong may sense kausap at alam mong hindi mo siya kailangan mapa-impress dahil mas maaappreciate niya kung ipapakita mo sa kanya yung totoong ikaw. Honestly, ngayon lang ako nakakilala ng babaeng katulad ni Cheska. Sobrang cool, sobrang galing, talino, ganda, sexy, talented, mabait, funny, at lahat lahat na.
Haay, oo na. Aaminin ko na. Siguro nga may nararamdaman na ako kay Cheska. Pinilit kong pigilan ito kasi hindi pa ako sigurado noon. Pero habang tumatagal parang lumalalim lang lalo. Kapag kasama ko kasi siya, parang kaming dalawa lang yung tao sa mundo. Walang dull moments. Hindi ko alam kung mahal ko na siya, pero sigurado akong sobrang masaya ako tuwing kasama ko siya. Tuwing kausap ko si Cheska parang hindi ko naaalala yung mga pinagdaanan ko noon. At tuwing nakikita ko siya, lagi kong naiisip kung gaano ko siya kagustong pasayahin, alagaan, protektahan at ingatan hanggang sa maging ready na siyang magmahal ulit.
Three times na rin pala niyang nakasama yung family ko. Nakakatuwa nga kasi kasundong kasundo niya si mommy at si Cassie. Si Dad naman botong boto rin sa kanya. Hindi sila naging ganito noon kay Janine. Hindi ko alam kung bakit pero ibang iba sila ngayon kay Cheska. Sayang nga eh, kulang nalang maging kami na talaga. Pero as much as possible ayoko munang biglain si Cheska sa ganoon. Natatakot rin akong magkaroon siya ng awkward feelings pag kasama niya ako at baka biglang umiwas pa siya sa akin. Hindi ko yata yun kakayanin. Kaya mas ok nalang na itago ko muna itong kung ano mang feelings ko para sa kanya, atleast ngayon sobrang comfortable na namin sa isa’t isa,
Ang korny ko na. Tama na nga ito. Papunta na ako ngayon sa condo ni Cheska para sunduin siya dahil nagpromise ako sa kanya na sasamahan ko siya sa cafe ngayon. Habang naglalakad ako sa lobby, nakasalubong ko si Matt.
MATT: O bro anong meron?
JAMES: Ah wala naman bro. Sunduin ko lang si Cheska.
MATT: May lakad kayo ulit?
JAMES: Actually mamaya pa yung usapan namin. Napa-aga lang yung dating ko. Sasamahan ko kasi siya ngayon sa cafe.
MATT: Ahhh.. Napapadalas yung paglabas nyo ah.
JAMES: *giggle* Di naman masyado. Sinusulit ko lang yung oras habang di pa ulit busy yung schedule ko.
BINABASA MO ANG
Where They Belong...
FanfictionYou think it's over, but it's not. Because it's never too late for your wish upon a star...