Chapter 4

23 1 0
                                    

7 years later...

Marami nang nagbago sa buhay ni Cheska. Marami na ring natupad sa mga pangarap niya. Mas kilala na siya bilang Isabelle Martinez ngayon. Mga sobrang close nalang sa kaniya ang tumatawag pa sa kanyang Cheska. Sabay silang nag-aral ng college ni Matt sa London dahil nag-aral din ito ng Music Production at Sound Engineering sa school kung saan rin nag-aral si Cheska ng Fashion Marketing. After 4 years of studying ay umuwi sila ng Pilipinas para dito gumawa ng sariling pangalan.

Ngayon ay 3 years na mula noong bumalik sila galing London. Sikat na ang Amnesia na bandang binuo ni Matt at kilala na rin siya dahil sa kanyang husay sa paggawa ng music, kasama pa rin niya ang matagal na niyang girlfriend na si Kate. Photographer si Kate at naging kaibigan siya ni Cheska noong minsan siyang nagmodel sa London kaya nagkakilala rin sila ni Matthew. Habang si Cheska naman... ay piniling panatilihin ang pribado niyang buhay kahit sikat na ang best friend niya. Mayroon na siyang sariling mga boutique na kilala na rin ngayon dahil sa kanyang mga designs, madalas din ay tinutulungan niya si Matt sa mga projects nito lalong lalo na pagdating sa mga kantang sinusulat at tinutugtog niya. Minsan nga ay siya pa ang pumapalit kapag may absent sa mga ka-banda ni Matt sa rehearsals dahil kaya namang tumugtog ni Cheska ng gitara, drums at keyboards. Kung minsan din ay kinukuha na siyang model maging sa ibang bansa dahil sa natural niyang ganda. At kung dati ay medyo chubby siya, ngayon ay masasabi mong talagang inalagaan nya na ang sarili niya. Madalas na kasi siyang magwork out simula noong nagpunta siya sa London.

Meron nang 17 branches ang Belle & Co. na sariling clothing line ni Cheska. Dito makikita ang iba’t iba niyang designs ng damit. Si Kate at Matthew ang madalas na models ng mga designs ni Cheska samantalang si Cheska naman ang madalas na subject at model ni Kate sa mga photoshoots niya. Bukod sa business ni Cheska, stylist din siya sa isang magazine kung saan photographer si Kate. Marami na rin siyang na-organize at sinalihang mga fashion shows dito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa.  Kilala na nga sa fashion industry ang pangalang Isabelle Martinez. Pero bukod pa dito, may sarili ring cafe si Cheska, ang The Sweet Tooth, dahil mahilig din siyang magbake at magluto.

Ilan lamang yan sa mga na-achieve ni Cheska sa loob ng ilang taon lang. Marami nga talagang magagandang bagay ang mga naging kapalit ng pag-alis niya papuntang London noon...

Marahil nagtataka na rin kayo kung kamusta na si James. Yung interview niya tungkol sa breakup nila ni Janine na yata ang huling interview niya na napanood ni Cheska. Dahil na din sa sama ng loob niya dahil sa mga nangyari noong huling beses niyang nakita si James ay tumigil na siya sa pagsubaybay sa kanya hanggang sa tuluyan na nga siyang umalis. Ang huling nabalitaan na lang niya eh nagkabalikan daw si James at Janine ngunit hindi na niya pinansin ang balitang yon. Binalikan ni Janine si James dahil sa utos ng manager nito para daw hindi masira ang career nilang dalawa. Kaya kahit labag sa kalooban ni Janine ay nakipagbalikan siya kay James.

Pero sa pangalawang pagkakataon, iniwan ulit ni Janine si James pagkatapos ng ilang taon. Pinili kasi ni Janine na tanggapin ang offer sa kaniya ng ex-boyfriend niya na subukang magka-career sa ibang bansa kaya tinalikuran niya ang lahat dito sa Pilipinas nang sumama siya sa ex niya na pumunta ng America. Tinalikuran niya ang career niya dito, at kasama na rin si James doon.

Where They Belong...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon