CHESKA'S POV
It's been two weeks since the last time I saw James. Simula noong naging close kami, ito na yung pinaka matagal na hindi kami nagkita or nagkausap man lang. Nakakapanibago pero kailangan kong masanay. Kailangan ko na kasing ingatan yung puso ko. Ayoko nang mahurt ulit dahil di ko alam kung kaya ko pa.
Sa two weeks na yon, never na rin ako nagcheck ng Twitter and all para makaiwas na muna sa issue. And I think hindi rin makakatulong kung makakabasa pa ako ulit ng mga kung anu anong negative stuff about me. Pero sabi naman ni Matt and Kate, mukhang humupa na daw yung issue. Tumigil na daw kasi yung ibang fans simula noong nagtweet si James na tigilan na nila yung pambabash sa akin. Tuwing tinatanong din siya ng mga press tungkol sa kung sino ako, lagi lang niyang sinasabi, "I don't want to drag her into this very complicated world so please let's just respect her. Tigilan na natin yung pagdamay sa kanya sa mga issue na ito kasi she really doesn't deserve this. Sa mga taong nambabash sa kanya, stop na please. Ako na po yung nakikiusap. You don't know anything about her so please tama na po."
Naappreciate ko rin naman yung ginagawa ni James na pagtatanggol sa akin. Pero I still think na kailangan muna naming lumayo sa isa't isa ngayon. Kailangan ko rin ito para makapag isip ako.
Everyday pa ring nagtetext sa akin si James kahit never ko na siyang nireplyan. Minsan magtetext nalang siya sa akin ng "I miss you, Cheska." Sabi ni Matt lagi din daw niya akong kinakamusta sa kaniya. Pero these past 2 days, never na siyang nagparamdam sa akin. Nagsawa na siguro? Haay. Mas ok na rin yun. Pero bakit parang nalulungkot ako?
Parang bigla naman akong nataranta nung marinig ko si Matt na parang natatarantang pumasok sa room ko at tinatawag ako. Ano kayang problema nito?
MATT: Cheska! *on ng tv* You need to watch the news!
Huh? Anong meron sa news? Nagtataka akong napatitig sa tv at natulala nalang ako sa mga naririnig ko.
"Isang malungkot na balita naman ang kakapasok lamang.. Ama ng sikat na singer-actor na si James Ledesma, pumanaw na kaninang umaga. Napabalitang isinugod sa ospital ang ama ni James noong isang araw dahil sa cardiac arrest at kanina nga ay pumanaw na ito matapos ang dalawang araw na pagkaka-comatose. Sinubukan naming kunin ang statement ni James ngunit ayon sa kanyang kapatid na si Cassie ay maging sila ay hindi pa rin nila makausap ng maayos ang kaniyang kuya dahil sa sobrang pagluluksa nito sa pagpanaw ng kanilang ama. Humihiling ang pamilya Ledesma ng kaunting privacy ngayon habang sila'y nasa gitna ng pagdadalamhati at nagpapasalamat naman sila sa lahat ng nagbigay ng kanilang simpatya at pakikiramay."
Dahil sa pagkakatulala ko sa lahat ng narinig ko ay hindi ko namalayang tapos na pala yung pinapanood namin. Shit. Si James. Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko at binasa ko yung huling text sa akin ni James 2days ago.
From: James Ledesma
Cheska... Natatakot ako.. Natatakot ako pero wala akong magawa :(Kaya pala ganon yung text nya sa akin. Yun na siguro yung time na itinakbo nila sa ospital si Tito Rey. Hindi ko na napigilan pang umiyak dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan ni James ngayon. Alam ko rin na ngayon niya pinaka kailangan ng kaibigan.
Nakita ni Matt yung pag-iyak ko kaya niyakap nga ako agad. Napatingin naman ako sa kanya nung bigla siyang magsalita.
"I think we should go to him, Ches. He needs us. He needs you." Halos pabulong niyang sabi sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at niyakap nya ako ulit.
----
Nandito na kami ngayon sa tapat ng Chapel kung saan nakaburol yung Daddy ni James. Kasama ko si Matt at Kate. Sobrang daming tao.
BINABASA MO ANG
Where They Belong...
FanficYou think it's over, but it's not. Because it's never too late for your wish upon a star...