Chapter 7

15 1 1
                                    

CHESKA’s POV

It’s 5 am and it’s our second recording day for James’ album. Maaga talaga ako nagigising lagi because I love working out in the morning. Naging daily routine ko na yun to wake up early, workout, prepare ng breakfast for Matt and I (dahil nasa kabilang unit lang naman siya), then maghahanda na ako para pumunta ng office. My boutiques are under my Dad’s company kasi and ako ang nagmamanage talaga. Minsan pinupuntahan ko rin ang iba’t ibang branches ng Belle & Co. para i-check. Pero ang everyday ko talagang pinupuntahan ay yung cafe ko. I really love coffee and desserts kaya ginawa ko na ring business yun. Feeling ko comfort zone ko yung cafe na yun. Narerelax ako pag pumupunta ako doon lalo na pag marami akong time kasi nakakapag bake pa ako ng cupcakes, cookies and cakes.

Mamayang 2pm pa naman ang schedule ko for James’ recording kaya medyo free ako in the morning. Infairness kay James, nakikita ko namang dedicated talaga siya sa trabaho niya. Pero feeling ko tinetake for granted niya pa rin ang fans niya ngayon katulad ng ginawa niya sa akin dati. Pssshh. Oh well, kaya since free pa naman ang schedule ko in the morning, nagdecide akong dumeretso na muna sa The Sweet Tooth after kong magbreakfast. Nag-iwan nalang ako ng food sa condo ni Matt dahil I’m sure gutom yun paggising niya.

Pagdating ko sa cafe, agad naman akong sinalubong ng mga empleyado ko doon. Kinausap ko lang si Sheela para kamustahin ang sales and operations ng cafe. Siya kasi ang supervisor dito. Binigay niya na rin sa akin yung mga financial statements and reports para makita ko kung kamusta ang cafe. Actually parang libangan ko lang talaga itong cafe na ito kaya di ako masyadong stressed sa pagpapatakbo kasi yung Belle & Co. naman talaga yung main business ko. Gusto ko lang talagang magkaroon ng sarili kong cafe. Hehe. Bago ko basahin yung mga reports, pumasok muna ako ng kitchen para icheck sila doon. Haaay sobrang heaven talaga ng pakiramdam kapag nakaka-amoy ako ng mga cakes na binebake. Nagtimpla ako ng sarili kong coffee at kumuha ako ng dalawang bagong lutong red velvet cupcakes at saka umupo sa isang couch para magsimula nang magcheck ng mga financial report at pumirma ng mga iba pang papers.

(*ring ring* JAMES LEDESMA calling...)

 

CHESKA: Hello?

 

JAMES: Hi Che—Isabelle.. Good morning.

 

CHESKA: Yes?

 

Mataray ko pa rin siyang sinagot sa phone at kahit di niya ako nakikita ay nakataas pa rin yung kilay ko. Hindi ko talaga alam pero ang laki talaga ng inis ko kay James.

JAMES: Hmm may sasabihin sana ako sayo eh..

 

CHESKA: Obviously, James. Kaya ka nga tumawag diba? *irap*

 

JAMES: Ah.. Haha oo nga naman.. *nahihiya na kinakabahan* Ah ano kase...

 

CHESKA: Ano nga?! Please, James. Busy ako right now and I don’t have the whole day to wait for you to say what you want to say! *sungit*

 

JAMES: Sorry. Ano kasi, can we re-schedule our recording?

Where They Belong...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon