Cheska’s POV
Matt’s birthday party
Ngayon na yung birthday party ni Matt. Nandito na kami sa venue at unti-unti na ring dumarating yung mga bisita niya. Parang mini concert ang concept ng party ni Matt na pinagtulungan naman naming i-organize. Maraming inimbita si Matt na mga family members at mga kaibigan namin sa showbiz at pati na rin non-showbiz. Sa totoo lang ako yata ang pinaka kinakabahan dito. Ngayon ko na kasi kakantahin yung kantang ginawa ko at nakakahiya dahil parang masyadong malungkot yung kanta para sa ganitong celebration. Kaya lang wala naman akong nagawa dahil pinilit ako ni Matt na kantahin yon. Gusto daw niya yung kanta kaya dapat kong kantahin sa party niya.
Maya-maya ay nakita ko nang dumating si James. Agad naman siyang lumapit kay Matt para batiin ito at bumeso rin kay Kate. Nakita kong lumingon lingon si James na parang may hinahanap. Nung nakita niya ako at nagkatinginan kami, agad siyang ngumiti at lumapit sa akin para bumeso. Alam kong ramdam ni James na hindi ako mapakali sa kaba kaya agad nya akong inakbayan.
JAMES: Heyy. Relax, okay?
CHESKA: Kinakabahan ako eh.
JAMES: I’m sure you’ll be great tonight. And besides, you look really gorgeous. *smile*
CHESKA: Sige na, tama na. Nambobola ka na naman eh. *giggle*
Habang tumatawa kami ni James ay nakita ko naman ang parents kong bagong dating na papalapit sa kinatatayuan namin. Agad ko naman silang sinalubong ng yakap.
CHESKA: Hi Dad! Hi Mom! *beso*
DADDY STEVE: How’s my Princess Belle? You look so beautiful huh..
CHESKA: Si Daddy nang-uto pa. Haha!
MOMMY EMILY: So... aren’t you going to introduce us to this *tingin kay James* gorgeous man beside you? *smile*
CHESKA: Oh yeah sorry. *giggle* Mom, Dad, this is James Ledesma. James, this is my mom and my dad.
JAMES: Good evening po. It’s a pleasure to meet you. *beso kay Mommy Emily* *handshake kay Daddy Steve*
DADDY STEVE: Pleased to meet you as well, James.
MOMMY EMILY: *smile* Sige we’ll sit with your Tita Beth and your Tito Rolly muna. Kanina pa nila kami hinihintay. See you around and nice meeting you, James.
Kahit kailan talaga napaka mapang-asar ng parents ko. Alam kong may halong pang aasar yung mga ngiti nila sa akin kanina. Nakakaloka nakakahiya kay James! Habang naii-stress ako sa lahat ng nangyayari, nagulat nalang ako nung biglang hawakan ni James yung kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kaya nagtataka ako kung bakit.
BINABASA MO ANG
Where They Belong...
FanficYou think it's over, but it's not. Because it's never too late for your wish upon a star...