CHESKA’s POV
Halos dalawang oras na akong nakatulala dito sa kwarto ko at nakatingin lang sa ceiling dahil iniisip ko pa rin lahat ng nangyari ngayong gabi. Affected pa rin pala ako pagdating kay Mico, akala ko matagal na akong okay. Kunsabagay, tinakasan ko lang naman kasi talaga lahat ng sakit noon. Pinilit kong magpaka-busy para lang hindi ko maisip lahat ng nangyari dahil akala ko makakalimutan ko rin lahat pag marami akong ginagawa. Pero iba pala talaga pag bigla kang bumalik sa nakaraan.
Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako. Ganoon katindi yung sugat na iniwan ni Mico sa akin nung iwan nya ako at piniling makipag balikan sa ex niya. Ang masaklap pa dyan ay kahit kailan hindi naging malinaw sa akin kung bakit niya nagawa sa akin yon. Hindi ko alam kung anong kulang o mali sa akin at nagawa niya akong iwan ng ganon nalang. That is actually one of the reasons why I never got into a new relationship again after Mico, natatakot kasi akong iwan lang ako ulit dahil sa kung ano mang mali sa akin.
Buti nalang talaga at dumating si James. Nahihiya pa rin ako pag naaalala ko yung pagyakap at pag-iyak ko sa kanya pero masaya ako dahil magkaibigan na kami ngayon. Kaya ko lang naman talaga siya sinusungitan noon dahil akala ko masama talaga ang ugali niya lalo na sa fans niya. Siguro dahil pa rin sa mga narinig kong sinabi nya noon. Pero mali pala ako, masyado ko siyang hinusgahan. At isa pa, mukhang ok naman syang kaibigan. Speaking of James... tumatawag siya sa phone ko ngayon.
CHESKA: Hello?
JAMES: Hi Cheska.. Sorry nagising ba kita?
CHESKA: No, it’s okay... Hindi pa talaga ako tulog. Bakit ka napatawag?
JAMES: Sabi ko na nga ba di ka makatulog eh. Hmm, wala lang naman. I just wanna make sure that you’re okay..
CHESKA: Thank you, James ha.. I really appreciate this.
JAMES: It’s okay, Cheska. And masaya akong friends na tayo ngayon..
Napangiti nalang ako sa sinabi ni James. Na-guilty tuloy ako lalo dahil sa mga panghuhusga at pagtataray ko sa kanya dati.
JAMES: O wag ka nang umiyak ulit ha? Wala ka pa man ding kasama. Kung naiiyak ka na talaga, tawagin mo si Matt. O kaya tawagan mo ako agad, makikinig ako sayo. Tapos gawin mo nalang yung pillow powers natin para gumaan yung loob mo.
CHESKA: Hahaha opo, Sir. Don’t worry, hindi na ako iiyak. Matutulog nalang ako mamaya.
JAMES: Sure ka ha? Basta tawagan mo nalang ako, okay? O kaya puntahan mo si Matt sa unit niya.
CHESKA: Okay. Thank you ulit, James. Super.
JAMES: Anytime, Cheska.. Thank you din for tonight. Bye, sweet dreams.
BINABASA MO ANG
Where They Belong...
FanfictionYou think it's over, but it's not. Because it's never too late for your wish upon a star...