Chapter 10

42 1 1
                                    

JAMES’ POV

 

Halos dalawang buwan na rin mula nung naging friends na talaga kami ni Cheska. At sa buong dalawang buwan na yun, parang ang saya saya lang ng buhay ko. Haha! Marami naman na akong kaibigan dati, pero iba yung saya ko kapag sila Cheska, Matt at Kate ang kasama ko. Sobrang magkakasundo kasi kami sa mga trip namin. Lalo rin kaming naging close ni Cheska dahil kapag may lakad yung mag syota eh kami lang lagi ang naiiwan. Nakakatuwang maging kaibigan si Cheska. Siya yung tipo ng babae na kahit mukhang maarte eh sobrang chill kasama at walang kaartehan sa katawan. Mukha siyang high maintenance pero sa totoo lang parang mas maarte pa yata ako kesa sa kanya.

These past couple of months, tinutukan namin yung pagbuo ng album ko. Madali nalang naming natapos yon dahil naging magaan nalang yung trabaho sa amin kasi parang ang saya lang namin lagi sa studio nila Matt. Haha. Pare-pareho kasi kaming makukulit. Madalas din kasama ko si Matt sa paglalaro ng basketball, o kaya naman madalas tumatambay lang kami sa condo niya para magjamming kasama rin yung mga kabanda niya. Si Cheska naman, parang kasundo ko siya sa lahat ng bagay pwera lang sa movies. Haha! Ayaw na ayaw niya ng horror movies samantalang yun naman ang hilig kong panoorin.

Naalala ko tuloy nung minsang nanood kami nila Matt ng horror movie sa condo niya. Katabi ko si Cheska noon kaya bugbog sarado ako sa kanya habang nanonood kami. Hahaha grabe takot na takot talaga siya kaya napapayakap din siya sa akin. Yan ang isa sa mga nadiscover ko kay Cheska. Yakap talaga nag isang weakness niya. Haha! Bigla nalang nangyayakap yun kapag meron siyang extreme na nararamdamang emotions pero kumakalma din agad kapag niyakap mo pabalik.

Nagtataka na siguro kayo kung bakit ganito na kami ka-comfortable ni Cheska sa isa’t isa. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya at hindi ako nahihiyang maging ako kapag siya yung kasama ko. Si Cheska kasi yung tipong hindi mo kailangang mapa-impress dahil alam mong mas maaappreciate niya kung makikita niya yung totoong ikaw. Nagulat nga ako sa kanya dahil instead na maturn-off eh ang cute ko pa daw nung inamin ko sa kanyang takot akong sumakay sa roller coaster.

Siya rin ang madalas kong kasamang mag work out o mag jogging, bike at skateboard. Hahaha! Ganyan kasarap kasama si Cheska. Kahit mga trip ng lalake nasasakyan niya. Minsan umaattend din kami ng dance workshop at nag-eenjoy din ako kapag pinapanood at tinutulungan ko siyang magbake, magluto, magpaint o gumawa ng mga bagong designs ng damit. Grabe siya diba? Parang lahat yata ng bagay kaya niyang gawin. Almost perfect na kumbaga. Hindi ko alam pero parang sa kahit na anong gawin niya eh naaamaze talaga ako.

=======

CHESKA’s POV

 

It’s been two weeks since nirelease ang album ni James. Sa ngayon sobrang busy na niya sa pagpromote kaya ang dami niyang guestings and mall shows. Sobrang happy ako para sa kanya kasi deserve naman talaga niya lahat ng meron siya ngayon. Nakakatuwa ring isipin na sobrang close na kami ngayon at talagang comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi ako madaling maging comfortable sa ibang tao kaya hindi masyadong marami yung mga kaibigan ko, pero kay James sobrang kumportable talaga ako. Malapit na nga niyang maging ka-level si Matt eh. Hahaha!

Nakikita ko namang comfortable na rin si James sa akin. Nasobrahan nga yata eh. Kasi aba talagang hindi na siya nahihiya sa akin. Minsan nagugulat nalang ako dahil bigla siyang darating sa condo ko na may dalang pagkain or DVD dahil bored daw siya sa bahay nila. O kaya naman sasamahan niya lang ako sa mga lakad ko, minsan naman tatambay lang siya sa cafe habang nagtatrabaho ako. Although hindi naman ako nagrereklamo dahil masaya namang kasama si James. Nakakatuwa nga siya eh kasi parang balak niya yatang ikwento sa akin yung buong buhay niya. Akalain mong sa pagka-adik ko sa kanya noon, eh ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siyang babae na 16 years old? Tapos ngayon ko lang din nalamang Lola’s boy pala siya dahil siya ang favorite na apo. Haha cute! Feeling ko tuloy kilalang kilala ko na siya talaga dahil halos araw araw kaming magkasama sa loob at labas ng trabaho. At gustong gusto ko siya kausap dahil parang lahat ng hirit ko bentang benta sa kanya. Hahaha!

Where They Belong...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon