Chapter 15

28 1 0
                                    

CHESKA'S POV

Nagdadrive na ako ngayon palayo sa mall kung saan ginanap yung event ni James. Mas mabilis pa yung takbo ng puso ko kaysa sa takbo ng kotse ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa mga nangyari ngayong araw na ito. Una, yung mga sinabi sa akin ni Cassie. Tapos idagdag mo pa yung ginawa ni James kanina sa mall show. Bakit niya ginawa yon?! Nababaliw na ba siya???

Gusto kong matuwa at kiligin sa ginawa ni James kanina pero mas nangibabaw yung takot ko sa mga susunod na mangyayari. Alam kong posibleng hindi maganda yung maging response ng mga fans ni James sa mga nangyari kanina. Posibleng marami nang galit at naiinis sa akin ngayon.

Aside from all of that, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Ano to, may nafifeel na talaga ako for James? Nakita kong nagriring yung phone ko at pangalan ni James ang lumabas pero di ko sinagot. Mas mabuti nalang sigurong di ko nalang muna siya makausap. Kailangan ko munang mapag-isa para masigurado ko kung ano itong nararamdaman ko. Ayokong magpadalos dalos dahil natatakot na akong masaktan ulit. I don't think I can take another heartbreak now.

Pagdating ko sa condo, pinatay ko muna yung cellphone ko at nahiga na sa kama. Itutulog ko nalang muna ito.

=====================

MATT'S POV

Shit! Ano bang nangyari sa mall show ni James kanina? Bakit biglang andun daw si Cheska eh ang alam ko nasa cafe lang yun kasama si Cassie?!

Nag-iinit ang ulo ko ngayon dahil trending lang naman bigla sa Twitter at kalat sa lahat ng social networking sites ang mga ganap kanina sa mall show ni James. At ngayon, ang dami nang bashers ni Cheska. Sobrang badtrip ako. Hindi ko alam kung kanino ako mas mababadtrip, kay Cheska ba dahil pumunta pa siya doon o kay James dahil gumawa pa siya ng eksena!

At lumala pa ng todo yung init ng ulo ko dahil cannot be reached ang phone ni Cheska at di ko alam kung nasaan siya! Si James nalang muna tatawagan ko. G*go 'to!

JAMES: Bro?

MATT: Wag mo akong matawag tawag na bro, James. Wag ngayon.. Anong nangyari kanina??

JAMES: Pare sorry talaga. Di ko naman alam na-

MATT: Alam mo bang binabash na ng buong mundo si Cheska ngayon ha, James?! Ano 'to?! Akala ko ba dalawa na tayong poprotekta kay Cheska ngayon?! Ano tong ginawa mo??

JAMES: Sorry talaga bro. Hindi talaga ito yung intention ko. S..si Cheska kasama mo ba? Is she okay? *worried*

MATT: Hindi ko siya macontact kanina pa. Wag mo muna siyang kakausapin o lalapitan. Ayusin mo 'tong ginawa mo.

*END CALL*

Alam kong medyo naging harsh ako kay James pero nababadtrip kasi talaga ako. Hindi nga marunong makipag-away si Cheska tapos ngayon parang buong mundo inaaway na siya dahil kay James? Hindi naman na ata tama yon. At isa pa, hindi sanay si Cheska sa ganung klaseng attention. Kaya nga hindi pumasok sa showbiz yon kahit maraming kumukuha sa kanya noon pa eh. Sigurado ako madedepress yon pag nabasa niya lahat ng mga pinagsasabi ng tao sa kanya nang dahil lang kinantahan siya ni James sa harap ng maraming tao.

==============
CHESKA'S POV

Nagising ako dahil sa pagtunog ng alarm clock ko. Grabe umaga na?! Sobrang haba ng tulog ko at hindi na tuloy ako nakapag dinner kagabi. Pero okay lang dahil wala din naman akong ganang kumain. Hanggang ngayon nga parang wala akong maramdamang gutom eh. Grabe parang bumilis na naman bigla yung tibok ng puso ko nung naalala ko yung mga nangyari kahapon. Walang kagana gana akong bumangon at nagpunta sa CR para magfreshen up. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para magluto ng breakfast at gumawa ng coffee..

Where They Belong...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon