Chapter 17

23 0 0
                                    

JAMES' POV

Tinupad ni Cheska lahat ng sinabi niya. Mula nung dumalaw sila sa burol ni Dad ay hindi niya na ako nilayuan ulit. Araw-araw siyang nagpupunta hanggang sa ngayon na libing na ni Daddy kaya kahit papaano ay gumagaan yung pakiramdam ko kahit sobrang sakit pa rin talagang makita na inililibing ang daddy mo. Sobrang hirap tanggapin na wala na si Dad pero wala akong magawa, I need to be strong for my mom and sister. Alam ko namang hindi lang ako ang nahihirapan.

Ilang beses ring dumalaw sa burol sila Matt at Katie, pati na rin ang parents ni Cheska. Nakakatuwang makita na nagkukwentuhan sila kasama ang mommy ko pero nakakalungkot lang na sa ganitong paraan pa sila magkakakilala. Sayang wala na si Daddy dahil for sure magkakasundo rin sila ng daddy ni Cheska dahil marami silang pagkakapareho.

"James.." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at tumapik ng mahina sa balikat ko - si Tito Steve, ang daddy ni Cheska.

"Ay, Tito, kayo po pala. May kailangan po ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Medyo nahihiya pa ako sa parents ni Cheska dahil ilang beses ko palang silang nakasama pero sobrang bait rin nila sa akin. Siguro medyo nadagdagan lang ang pagka-awkward ng feeling ko ngayon dahil nga alam ko sa sarili kong hindi nalang basta kaibigan ang tingin ko sa anak nila.

"Ah wala naman." Agad na sagot niya sa akin. "I just wanted to talk to you since kanina ko pa napapansin na nag-iisa ka dyan.."

"Ah.. Nag-iisip lang po siguro ako, Tito. Parang masyado po kasing maraming nangyari. Di pa rin ako makapaniwalang wala na si Daddy." Malungkot na sabi ko sa kanya. Tumango lang naman si Tito Steve sa akin at saka ako inayang maupo sa isang bench na medyo malayo sa mga bisita.

"I can see na mukhang okay na kayo ulit ng anak ko.." Hindi ko ineexpect na kakausapin ako ngayon ni Tito Steve about kay Cheska.

"Uhm.. Tito sorry po talaga doon sa nangyari. Nahihiya po ako sa inyo. Sorry po hindi ko naisip na madadamay si Cheska sa magulong mundo ko.." Nahihiyang sabi ko kay Tito Steve. Hindi ko siya masisisi kung mababadtrip sya sa akin. Kasi naman, ka-isa isang anak niya si Cheska na sobrang pinoprotektahan niya tapos nang dahil sa akin eh mahuhusgahan lang ng ibang tao yung anak niya? Inexpect ko nang magagalit si Tito Steve sa akin. Baka nga sabihan nya pa akong layuan ko na ang anak niya. Pero imbes na magalit ay ngumiti lang siya sa akin.

"Alam mo, iho.. Cheska is a princess to us. Lahat kami sobrang protective sa kanya. Lahat kami kung pwede ay hindi siya hayaang masaktan." Kinakabahan ako sa mga susunod nya pang sasabihin. Eto na yata yung moment na sasabihan niya akong lumayo na sa anak niya. "But every time we try to protect her, lagi niyang pinapatunayan sa amin that she can handle herself. She's always been that strong and independent. She's our princess, but she's not that kind of princess na laging kailangang nililigtas. Kaya nga kahit nag-iisang anak ko yan, hinayaan ko pa rin siyang mag-aral sa London nung college siya, and now that she's here in the Philippines, hinayaan ko pa rin siya to live on her own."

Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Tito Steve. Hindi ko mapigilang di ma-amaze kay Cheska. "Oo nga po, Tito. She's definitely one of a kind.." Yan na lang ang nasabi ko at pinagpatuloy ni Tito Steve ang mga sinasabi niya.

"Yes, she really is. That's why I let her live her life and explore the world on her own. Kasi alam kong kaya niya. But of course she will always be my princess kaya lagi lang kaming nandito ng Tita Emily mo to guide her and to be with her pag kailangan niya kami. Lalo na noong nasa London pa siya. Hindi biro ang pinagdaanan niya doon when that guy left her." Nagulat ako sa sinabi ni Tito Steve at talagang naramdaman ko ang sama ng loob niya habang sinasabi nya yon.

"Uh.. Si Mico... Nakwento nga po sa akin ni Matt. Yun din daw ang reason kung bakit pinili ni Cheska na dito nalang magbusiness sa Pilipinas.." Sabi ko nalang.

Okay naman ang pag uusap namin ni Tito Steve pero di ko kinaya ang susunod nyang sinabi.. "Hindi naman ako bulag para hindi makita, James. Alam kong gusto mo ang anak ko. I know you have deep feelings for my daughter." Gusto ko sanang mag-explain pero hindi na ako pinagsalita ni Tito Steve. "I know it, iho. And I know it's real. I can see the way you look at her."

Napanganga ako sa sinabi ni Tito Steve. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero pinilit kong magsalita. "Totoo po yan, Tito. Kaya sana po hayaan nyong patunayan ko yung sarili ko. I hope you won't ask me to stay away from Cheska kasi hindi ko po kaya. Lalo na po ngayon."

Natawa si Tito Steve sa mga sinabi ko. Huh? "Bakit ko naman gagawin yon, iho? I know how you feel. Alam mo ba, when I lost my father 17 years ago, it was your Tita Emily who became my source of strength. And of course kasama na rin si Cheska doon who became my primary source of happiness while I was grieving.."

Hindi na ako nakapagsalita at pinakinggan ko nalang si Tito Steve. "I trust my daughter, James. I trust her dahil alam kong napalaki namin siya ng maayos. Hindi kita pipigilan sa kung ano mang nararamdaman mo sa anak ko ngayon, pero sana lang hindi yan panandalian lang because my daughter deserves more than that. Pero kung sakali mang masaktan siya, alam kong kayang kaya niya pa ring lampasan yon and we will all be here for her. Kaya wag kang magmalaki dahil di ako natatakot sayo."

Nagulat ako sa sinabi ni Tito Steve kaya napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. Nakahinga naman ako agad ng maluwag pagkatapos kong makita ang ngiti niyang yon.

"But I will really appreciate it if you'll take care of my daughter, James. Lalo na dahil hindi ko naman siya kasama araw-araw. Alam kong takot pa rin yun na buksan ulit yung puso niya, lalo na dahil alam niyang hindi magiging madali kung papasok siya sa mundo mo. Pero ikaw lang din ang makakatanggal ng takot na yun. Wag mo sana akong bigyan ng reason para madisappoint sayo dahil sinasabi ko sayo, James, mahirap kunin ang tiwala ko."

Sooobrang lapad ng ngiti ko pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi ni Tito Steve. Atleast alam kong okay kami at okay sa kanyang ligawan ko si Cheska at kung sakali mang maging kami. Halos maiyak naman ako dahil sa halo-halong emosyon ko ngayon kaya napayakap ako kay Tito Steve. "Thank you, Tito. Sobrang laking bagay po nito para sa akin. Thank you po talaga.."

Ngumiti naman ulit si Tito Steve sa akin pagkatapos ko siyang yakapin.. "We're all here for you, James. Nandito lang rin ako kung kailangan mo ng ama. You need to be stronger now for your family kaya nandito lang rin kami ng Tita Emily mo if you need us. Wag kang mahihiya. I'd appreciate it more if you'll treat me like a father. Just like how Matthew treats me, tutal wala rin naman akong anak na lalaki."

Wala na akong pakialam kung anong isipin ni Tito Steve dahil naiyak na talaga ako sa harap niya. Sobrang saya ko at sobrang natouch ako sa mga sinabi ni tito sa akin. Pinunasan ko agad yung luha ko. Napansin yata nyang nahihiya akong umiyak sa harapan niya kaya natawa nalang siya at inakbayan ako saka ako inayang maglakad na papunta kung saan nakaupo sina Mommy, Tita Emily, Cassie at Cheska.

Habang naglalakad kami ay nakita kong nakatingin si Cheska sa amin at naluluhang ngumiti sa akin kaya apangiti nalang rin ako pabalik sa kanya...

Thank you, Cheska. Salamat at dumating ka sa buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where They Belong...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon