Chapter 1

70 2 0
                                    

CHESKA'S POV

Nagmamadali akong naglalakad nung biglang nagring yung phone ko. Shems, si Mama! Hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya na aalis ako. Patay ako nito. Sobrang nagmamadali na kasi ako kanina dahil kanina pa tumatawag yung mga kasama ko.

CHESKA: Hello, Ma?

 

Mama Emily: Anak, where are you? Kanina pa kita tinatawagan! Bakit wala ka dito sa kwarto mo?

 

CHESKA: Ah, Ma. Sorry po nakalimutan kong magpaalam. Nandito ako sa Glorietta, Ma.

 

MAMA EMILY: Mall show na naman ba ni James yan, anak? Come home na muna. We still need to go to your Tita Beth's birthday dinner. Napag-usapan na natin ito, diba?

 

CHESKA: Oh shoot. I forgot about that! Sorry, Ma. Ako kasi may hawak nung mga tarp eh kaya kailangan kong idala dito. Walang gagamitin yung mga Jamesters pag hindi ko ito naibigay. Kailangan ako dito, Ma.

 

MAMA EMILY: Kailangan ka rin dito. Ang tigas ng ulo mo. I need you back here in an hour or else hindi ka na makakapunta sa James na yan. Kailangan nating pumunta sa Tita Beth mo dahil kailangan ka daw niyang makausap. Ayusin mo nga yang priorities mo, Cheska.

 

CHESKA: *sigh* Okay, Ma.... Sorry.

 

Binaba na ni Mama yung phone bago ko pa man masabi yung "Sorry." Grabe first time akong napagalitan ni Mama ng ganon dahil sa pagfafangirl ko. Usually kasi hinahayaan niya lang ako kasi alam niyang doon ako nag-eenjoy.

Actually hindi naman ako yung tipo ng fangirl na sobrang tili lagi pag nakikita si James. Hindi rin ako nakikigulo para magpapicture sa kanya na akala mo laging first time siyang makita. Chill lang ako.  Gustong gusto ko lang talaga siyang nakikita at masarap yung pakiramdam kapag alam mong naaappreciate ka sa ginagawa mo. Kung tutuusin wala naman akong nakukuhang benefit dito sa ginagawa ko. Sadyang love ko lang si James at masaya na akong mahalin siya from a distance. I guess that's one of the things that i have learned from fangirling - to love unconditionally. To love without expecting to be loved back. You hope, but you don't expect. Wow ang lalim. Hehe

In my case, I guess I just really admire James so much. I don't see him as "James Ledesma: The Superstar" or not even "James Ledesma: The Heartthrob." For me, he is James Ledesma, the man with a fragile heart. He is the man who loves his family more than anything in the world. He is someone who can sing, dance, play instruments, act and do anything straight from the heart. He is the kind of man who is willing to sacrifice anything for the one he loves.

Yes, ganoon katindi magmahal si James. Hindi man niya ako maituturing na kaibigan pero sa tagal ko na siyang sinusubaybayan  at sinuportahan eh nakilala ko na rin siya. Kaya nga lalo ko siyang minamahal eh. I may sound pathetic dahil nga para sa iba eh "fan" lang naman ako. Pero sa totoo lang ay mahalaga talaga si James sa akin. Siguro nga hindi na tama ito dahil nga hindi niya naman ako mapapansin. Pero hindi ko alam kung bakit okay lang yun sa akin. Ang alam ko lang, James has a special place in my heart.

Haaaayyy.. buhay fangirl nga naman... Maraming nagjujudge sa akin dahil dito sa pagiging fangirl ko. Lagi nga akong tinatawanan ng best friend kong si Matthew eh, kesyo wala naman daw akong mapapala. Hindi ko nga rin alam kung pano ako umabot sa ganito. Hindi naman ako mahilig sa celebrities dati. Ang alam ko lang, nagsimula lang lahat ng ito nung na-amaze ako sa pagkanta ng isang James Ledesma.

Where They Belong...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon