MILEY's POV :Naglalakad ako palabas ng Kanto Thinyo papunta sa Far Far Away University para pumasok. Medyo maaga pa naman kaya mas pinili kong maglakad.
At kung mamalasin ka nga naman nakita ako ni Sew Pot [su-pot] yung lalaking mayabang , mayabang , myabang , mayabang at mayabang. Teka ! Nasabi ko na rin bang mayabang siya ?
Iiwas sana ako at iiba ng daan kaya lang huli na ang lahat ang bilis tumakbo ni Sew eh ! Asar
"Hello Bebe Miles! ∩__∩"
"Oh ! Sew andyan ka pala . Hehehehe "
"Do I look gwapo na ba bebe Miles ? Nag wax pa ako ng hair para sayo " sabi niya sa akin sabay kindat.
YUCK !! D to the U to the H . DUH !!!!
Kapal talaga ng mukha neto.
"Oh bebe Miles anong tingin mo sa porma ko ?" Ngiting ngiting sabi niya.
Lintek ng to eh. Miles ng Miles . Miley ang pangalan ko pinaaarte pa
"Uhm... alam mo ba yung kantang billionaire ?"
Napangiti siya sa tanong ko
"Oo, so mukha pala akong mayaman para sayo bebe miles ?" Saad niya with matching pataas taas pa ng kilay.
"Hindi ! ... SO FREAKING BAD !" Sigaw ko kay Sew. Napahinto naman siya sa sinabi ko kaya naglakad na ako palayo. Asar yung lalaking yun
Narinig ko pa siyang kinanta yung billionaire.
"I wanna be a billionaire SO-FREAKING-BAD !!"
Tsss. Stupid!
Nandito na ako sa tapat ng Far Far Away kaya pumasok na ako.
Bigla namang nag-ring yung phone ko kaya agad ko tong hinanap sa bag wala kasi sa bulsa ko eh.
Hinahalungkat ko yung bag ko habang naglalakad. Lintek naman kasi na cellphone to ang lalim ng pinagtatag----
"ARAY!!" Angal ko sabay hawak sa pwet ko. Lintek kong mamalasin ka nga naman talaga oh oh .
Sino ba naman kasi tong bumangga sakin ? Kumalat tuloy yung gamit ko.
"ANO BA HIN--" naputol nanaman yung sinabi ko ng makita ko kung sinong anghel ang nasa harapan ko na sobrang hot.
"Okay ka lang ba Miss ?"
Tanong ni Crash Saakin.
Ang gwapo naman niya talaga grabe! Lord please ipaubaya mo na ako sa lalaking to.
"Miss ! Hello ! Okay ka lang ?" Sabi niya habang kinakaway yung kamay niya sa harap ng mukha ko.
Napatulala na pala ako.
"Ha ? Ah eh o-oo o-okay lang a-ako" umiwas na ako ng tingin sakanya at pinulot ang mga gamit ko at mabilis na umalis! Hindi ko kayang tumagal sa harap ni Crash feeling ko hihimatayin ako anytime.
"Miss!" Dinig kong tawag saakin ni Crash. Pero hindi ako lumingon sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko at magmumukha lang akong tanga sa harap niya dahil hindi ako makakapagsalita at tititig lang ako sa mukha niya.
Tumakbo ako para mas mabilis akong makapunta ng room.
Haysss, grabe grabe tong puso ko sobrang lakas ng tibok , parang sasabog . Grabe ka talaga Crash Ice ang lakas ng epekto mo sakin.
~×~
Readers,Uso po mag-vote at Comment . Please vote niyo naman to. Dont be a silent reader . HUHUHUHUHU!
Nagmamakaawa Magandang Author,
aMHAYziing
BINABASA MO ANG
When CRASH knew I exist (Editing)
RandomOnce upon a time in a Far Far Away University there was a girl named MILEY BAG she's just a simple girl na patay na patay kay CRASH ICE na hearthtrob ng Far Far Away University. Want more? Well Read it.