Chapter 16: Bestfriend

193 37 11
                                    

"Ay. Wait lang Crash ha! Sasagutin ko lang to." Asar naman istorbo.

Lumayo muna ako ng konti sa pwesto namin ni Crash at sinagot yung tawag ng hindi tinitignan yung screen.

"Oh, Bakit?" Hindi uso sakin hello eh.

["Nandiyan ba si Ralph yung asawa ko ?"]

Nagulat ako kaya tinignan ko yung screen. Unknown number pala.

"Ha? Sinong Ralph ? Wala akong kilalang ganun."

["Ay. Sorry! Wrong number."]

Atsaka ko na pinatay. Peste. Wrong number pala. Istorbo. Bakit ba hindi muna nila icheck yung number ng tinatawagan nila kung tama bago tawagan. Nakakaistorbo.

Bumalik na ako sa pwesto namin ni Crash at umupo sa tabi niya.

"So, what's your favor ?" Napayuko ako. Hala, eto na! Sasabihin niya ng gusto niya akong maging girlfriend.

*LUB*DUB*LUB*DUB*

He beamed to me and leaned to me closer. "Be my bestfriend."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"B-bestfriend ?" Tanong ko.

Ang sakit parang may kumirot sa puso ko. Parang tinusok ng isang libong karayom.

Rule #1 : Wag ASSUMING para hindi masaktan. Always Remember "Expecting doesnt hurt too much. Assuming does."

"Oo!" Saad niya at ngumiti ng napaka lapad.

"B-bakit ako ? Napaka dami n-namang iba diyan."

"Eh kasi kilala na kita. Alam ko yung ugali at personality mo. Natutuwa talaga ako sayo. Tuwing nakikita kita natutuwa ako sayo kasi masiyahin ka. Sa totoo lang gustong gusto kitang laging kausap. Natutuwa ako sayo, ang sarap mong kausapin. It feels like im so comfortable with you. Ikaw nga lang ang gusto kong kausap eh."

Napangiti ako ng pilit sa narinig ko.

"Gusto kita Miley " Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at napangiti ng wagas pero agad din namang nawala ang ngiti kong iyon sa sunod na sinabi niya. "... bilang bestfriend. So, ano ? Bestfriends ?" Tanong niya atsaka inabot sakin ang right hand niya.

Tinanggap ko naman iyon at nakipag shakehands.

Ngumiti ako ng pilit. "Aba, okay yun sakin. Gustong gusto ko nga yun eh!" Sarkastikong sabi ko at ngumiti sakanya.

Ang plastic ko. Masisisi niyo ba ako ? Eh ang sakit eh. Alangan namang sabihin kong ayaw ko siyang maging bestfriend dahil gusto ko siyang maging boyfriend. Aba hindi naman pwede yun baka lumayo siya sa akin.

Ngumiti rin siya sakin. "Masaya ako kasi nakilala kita at tinanggap mo ako bilang bestfriend mo." Ginulo niya ang buhok ko at umakbay sakin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Bestfriend. Friendzone. Okay na yun at least hindi lang ordinary friend diba ? Okay na yun.

Ngumiti ulit ako. "Ang saya bestfriend na tayo." Sagot ko at kung may anong tumulo sa pisngi ko.

Pinunasan ko naman agad yun dahil baka makita niya pa.

Mukhang wala na talaga ako magagawa. Kaya from now on, I declare myself as Crash's bestfriend. Grabe ang sakit isipin.

"Tara Cookies! Ice cream tayo. Libre kita" Aya niya.

Ngumiti ako sakanya. "Thank you pero n-next time nalang siguro. m-may gagawin pa k-kasi ako eh. Sige. Bye!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at tumakbo na ako ng marinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.

"Miley!"

Napahinto ako sa pagtakbo at nilingon siya.

"G-goodbye! Ingat ka."

Ngumiti na lang ako bilang sagot sakanya at tumakbo na ulit.

Sa totoo lang wala naman talaga akong gagawin eh gusto ko lang talagang mag-isa. Dahil nasaktan lang ako sa sinabi niya.

"B-bestfriend ?" Tanong ko sa kawalan sabay punas ng luha ko.

"Hahaha. Okay na yun Miley! Atleast hindi ka lang isa ordinaryong kaibigan. Bestfriend ka niya bestfriend. Bestfriend ka lang niya!" At may kung ano nanamang tumulo sa pisngi ko.

Nandito ako ngayon sa likod ng building. Walang masyadong nadaan dito kaya dito ko naisipang maglabas ng nararamdaman. Dahil wala namang makakarinig sakin dito eh pero nagkamali ako.

"Mas lalo kang napangit tuwing naiyak ka. Panget ka na nga tapos naiyak ka pa. Hindi ka ba naaawa sa mukha mo." Nakangising saad niya.

"Bakit ka nandito ? Umalis ka!"

"Bakit bawal ba ako dito ? Sa pagkakaalam ko ako ang anak ng may ari nito. Kaya pwede akong pumunta dito kahit ilang beses ko gustuhin. Eh ikaw ? Anong ginagawa mo dito ha ?!"

Bakit ba kasi naging anak to ng may-ari ng school eh. Peste.

"Tss. It's none of your monkey business!" I rolled my eyes to him at nagsimula ng maglakad palayo. Nang bigla niyang hablutin ang braso ko.

"Alam mo ang sungit mo!" Saad niya.

"Alam mo ang pangit mong pakialamero ka!" Sagot ko.

"Sinong pangit ? Ako ? Hahaha" sarkastikong tawa niya.

"Ay. Hindi hindi yung nasa likod mo! Hiyang hiya naman ako sayo no!" Sarkastikong saad ko.

"Ah. Akala ko ako eh!"

"Tss." Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana palayo ng hablutin nanaman niya yung braso ko. Ang hilig nitong manghablot ah.

"Ano nanaman ba ha ?!" Napipikon na ako sa lalaking to. Kahit anak to ng may ari ng school papatulan ko na to.

"Let's be friends!"

Literal akong napanganga sa sinabi niya.

"Hoy! Sabi ko, lets be friends. Ano bang tinutunganga mo diyan ? Alam kong gwapo ako per--"

Pinutol ko na yung sinasabi niya puro kayabangan na eh. tss. Tyaka Friends nanaman. Naiirita na ako sa salitang yan.

"Tse! Ayaw kitang maging Friend." Mataray kong sagot.

"Bakit ? Kasi gusto mo akong maging boyfriend ?" Nakangising saad niya.

"Kapal."

"Edi wag! Akala mo naman ang ganda ganda." Medo mahina yung last part ng sinabi niya pero sapat parin para marinig ko.

"Anong sinabi mo ha ?"

"Wala." Matigas na sagot niya at naglakad na palayo.

Tingnan mo yun. Sira ulo talaga! Pagkatapos akong hablutin ng dalawang beses iiwan lang ako.

~~â؅â؅
please click vote and leave some comments.

IG : @amhayziing_wp
FB ACC: J-Mhay Yap
FB PAGE : AMhayziing
TWITTER : @aMHAYziing

Crash and Miley twitter acc :

Twitter.com/MileyCOOKIESxxx

Twitter.com/CrashCREAMxxx

When CRASH knew I exist (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon