Nandito kami ngayon ng mga walang kwenta kong kaibigan sa court ng school may practice kasi ang basketball team at bukas na ang laban nila sa Near University.
"Okay team 5 minutes water break!"
Sigaw nung captain nila.
Tumayo naman agad ako at kinuha yung towel sa bag ko.
"Hoy Miley! San ka pupunta ?" Tanong ni Matty sakin.
"Kay Crash!" Mabilis na sagot ko.
"So ganern ? Pumi-feeling close kana porket nilibre ka lang ng ice cream!" Sabat naman ni Freen.
"Pwede ba! Kung wala kayong magandang sasabihin isarado niyo na yang bunganga niyo , nakakadagdag lang kayo sa pollution sa Pilipinas eh." Sagot ko habang nakahawak sa ilong ko at umaarteng nababahuan sa hininga nila.
"Hoy grabe ka Nagtoothbrush kaya kami tyaka nagmouthwash pa kaya ako!" Depensa ni Freen habang binubugahan ng hininga yung palad niya at inaamoy.
Hahahahaha Nakakatawa yung mukha niya.
"We ? Bakit parang hindi naman ?"
Pangiinis ko sakanila.
"Bwisit ka Miley pumunta ka na nga dun sa Crash mo na yun 3 minutes na lang ang natitira sayo para punasan yung pawis niya!" Sigaw ni Freen.
Ay, oo nga pala no! Pupunasan ko pa siya bwisit kasi tong mga walang kwenta kong kaibigan eh.
Agad-agad naman akong pumunta sa team nila.
Nagulat ako ng biglang humarang sa harap ko si Sew at pawis na pawis.
Ay, oo nga pala kasali din to sa team! bwisit.
"Oh ! Bebe Miles . Grabe nag-abala ka pa talaga magdala ng towel para punasan yung mga pawis ko. I appreciate it bebe Miles!"
Atyaka niya hinubad yung damit niya sa tapat ng mga kateam mates niya. Nakita ko namang napatingin din sa direksyon namin si Crash! Oh my.
"So ano na bebe Miles ? Ang hot ko no ? Punasan mo na ang six pack abs ko!" Pagmamayabang niya habang nakataas ang dalawang kamay niya.
Napairap ako sa ginawa niya.
"Ew! Feeling mo naman ang gwapo mo pagka nakatopless ka ! Yuck lang Sew , Ang dugyot mo lang tignan at hindi ka hot , mukha kang basang sisiw hahahaha. Hindi mo ba naisip na ang dirty dirty tignan kung ang isang mala-dyosang babae na katulad ko ang makitang nagpupunas lang ng pinagmamalaki mong abs. Ew ka talaga! Chacka neto. Tabi nga!" Atsaka ko siya tinulak.
Nakita kong wala na si Crash sa inuupuan niya kanina.
Kaya inikot ko yung mata ko pero wala siya.
"Hoy Kuya ! Alam mo ba kung nasaan si Crash ?" Tanong ko sa lalaking malapit sakin at kasali rin sa team.
"Sino ka ba ?" Maangas na tanong niya.
Wow as in wow lang ha!
"Ako lang naman ang totoong nanay mo! Anak matagal na kitang hinahanap ! Miss na miss nakita!" Sagot ko habang umaarte na naeexcite habang kunyaring naiyak.
"Stop the drama Hindi ganyan ang itsura ng nanay ko. So sino ka nga at anong kailangan mo sakanya ? Bakit mo siya hinahanap ? "
Napataas ang isang kilay ko sa dami ng tanong niya.
"Wow kuya! Quiz bee ? Daming tanong. Bwiset! Ayaw na lang sagutin yung taong ko. Kelan pa naging sagot sa tanong ang tanong din ? Bwiset nato napaka daldal . Bakla ka yata eh ! Bakla ka no ? "
BINABASA MO ANG
When CRASH knew I exist (Editing)
SonstigesOnce upon a time in a Far Far Away University there was a girl named MILEY BAG she's just a simple girl na patay na patay kay CRASH ICE na hearthtrob ng Far Far Away University. Want more? Well Read it.