Chapter 17: New Tourism Student

248 32 18
                                    

Katashi Bob Uy "Ash" on the side.

--

Miley's POV:

Walang gana Akong naglalakad papunta sa department ko.

Ewan ko ba...Pero ang lungkot lungkot ko. Siguro, masyado lang talaga akong nasaktan sa bestfriend thingy na yun.

Ang gulo ko. Sabi ko na nga ba dapat hindi ako mainlove kasi masasaktan lang ako dapat hanggang crush lang. Kaya lang hindi ko namalayan na love na pala ang nararamdaman ko sakanya.

Pagpasok ko ng room ay dumating na ang Professor namin. Ang aga niya ata. Pero nawiwirduhan ako sakanya. Nakangiti kasi siya sakin pati yung mga classmate ko. Anong Meron ?

"B-bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Excuse."

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil may nagsalita sa likuran ko at parang kilala ko yung boses na yun. Humarap ako. At nagulat ako sa nakita ko.

"A-ash ?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumisi lang siya at nilagpasan ako. So, siya pala yung nginingitian ni Prof. At nung mga classmate ko. Akala ko ako eh. Assuming ko talaga kahit kailan kaya ako nasasaktan eh!

"Miss Bag, maupo ka na!" Utos ni Mrs. Dimakatarungan habang ang lapad parin ng ngiti.

Tss. Nagpapacute nanaman siya. Nakakasuka. Ang tanda tanda na eh. Nako, talanders talaga!

Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila ang lapad parin ng ngiti at yung iba nagpapacute pa. Lalo na yung mga kaibigan ko. Tss. Basta talaga pag gwapo Malandi sila.

"Okay, Mr. Uy, introduce your self." Utos ni Mrs.Dimakatarungan kay Ash.

"Im Katashi Bob Uy. Hope we can all be friends." Saad niya at ngumiti kaya ayan tuloy halos mahimatay na yung mga kaklase ko. Susmaryosep.

"Okay." Nakangiting sagot ni Mrs.Dimakatarungan at humarap sa class "Class, siya ang bagong classmate niyo. Nagtransfer siya dito. He's from Georgia Wells University sa States." Sabi ni Mrs.Dimakatarungan sabay tingin kay Ash at ang lapad parin ng ngiti.

"Thankyou!" Saad ni Ash.

"Okay, you may go to your seat now." Utos ni Mrs.Dimakatarungan kay Ash.

Sa Right side ko na lang may empty seat dahil sa left side ko naka upo si Matty.

Umupo na si Ash sa tabi ko. Hindi ako makagalaw ng maayos sa inuupuan ko. Feeling ko kasi nakatingin siya sakin. Pilit akong nagcoconcentrate sa pakikinig kay Mrs.Dimakatarungan na nagdidiscuss sa harap pero kahit anong gawin ko walang napasok sa utak ko.

Si Ash lang ang nasa isip ko at naiirita ako dahil kanina ko pa siya napapansin na nakaharap sakin at hindi kay Prof. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko at hinarap sa kanya.

"Youre blushing. Hahahaha!" Bulong niya at tuloy parin sa pagtawa.

Tusukin ko kaya yung ngalangala nito ng ballpen para tumigil sa pagtawa.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at ibinalik ang tingin ko sa harap. Pinilit kong huwag siyang pansinin at magfocus na lang sa dinidiscuss ni Mrs.Dimakatarungan. Pero dahil sa sobrang pagiisip ko nawalan na ako ng interes na makinig.

"Okay, get one whole sheet of paper." Nagulat ako ng magsalita ulit si Mrs.Dimakatarungan. hala ! Potek. Bakit biglang quiz naman ata. Nako. Paano na ako neto hindi pa naman ako nakinig.

Kinukuha ko yung One whole sa bag ko ng bigla akong kalbitin ng classmate ko. Sa harap ko siya nakaupo. Sa gulat ko nabitawan ko yung ballpen ko. Peste. Nahulog pa. Hinawi ko yung buhok ko at hinanap ang ballpen ko.

When CRASH knew I exist (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon