Chapter 18: Im sorry

203 26 8
                                    

Matapos kong mag walkout sa nga kaibigan ko , dito ako dumiretso sa likod ng building.

Sa tuwing iniisip ko yung nangyari kanina naiinis talaga ako. Nakakaasar si Prof at si Ash. Idamay niyo na rin pati ang mga classmates ko. Sinabihan pa akong malandi. Anong tingin nila sa akin , kagaya nila? Ugh! Naiinis talaga ako.

Pinunasan ko yung luha kong kanina pang umaagos sa pisngi ko. Nakakaasar talaga. Napaiyak ako sa sobrang inis.

"Oh!" Nilingon ko yung nagsalita.

"Panyo ?" Nagtatakang tanong ko.

"Ay. Hindi hindi. Bato yan bato. Ipokpok mo sa ulo mo para tumalino ka naman kahit kaunti at gumana yung common sense mo!" Sarkastikong saad niya.

"Hoy ikaw ! Kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka na! Kapag ako nainis----"

"Ano kapag nainis ka ?"

"Kapag ako nainis malapit na akong maasar."

"Whatever."

"Whatever whatever mo mukha mo! Bwisit ka. Dahil sayo kaya ako napahiya kanina eh."

"Ako?" Tinuro niya yung sarili niya. "Anong ginawa ko ?" Painosenteng tanong niya.

"Painosente ka pa. Bwisit ka!" Tumayo ako at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"Bakit nanaman ba ha ?!" Galit na sigaw ko. Nakakapikon na to ah.

"May sasabihin ako. Makinig ka minsan ko lang tong sabihin." Seryosong saad niya.

"Ano ba yun ?" Galit at medyo naiinis na tanong ko.

"Uhm...Ano.." Pinagpapawisan siya at halatang medyo kinakabahan. Mukhang hindi yata siya sanay sa sasabihin niya.

"Ano nga ?!" Atat na atat na tanong ko.

"Teka lang naman." Inis na saad niya.

"Kung magpapabebe ka lang diyan tumigil ka na. Sinasayang mo lang yung oras ko eh." Inis na sambit ko at naglakad na palayo pero pinigilan niya nanaman ako.

"Im sorry." Mahina niyang sabi.

"Ano ? hindi ko narinig yung sinabi mo." Naiinis kong tugon.

"Ugh! Sinabi ko na e. bakit pinapaulit mo pa ? Bingi ka ba ?"
Iritado niyang sagot.

"Wow! E, ang hina kaya ng boses mo. Bahala ka nga diyan!"

"Ugh! Okay fine." Tumingin siya sa akin ng seryoso at halata na mukha niya ang labis na pagkainis. "Im so sorry."

Napatigil ako sa kinatatayuan ko at literal na napanganga. We ? Nagsosorry ba talaga tong ulagang to ? For real or for fake ? Well, pasensya na lang sakanya hindi porket nag-sorry siya patatawarin ko agad siya. Ano siya siniswerte ? Pagtitripan ko muna siya.

"Ulitin mo nga!" Saad ko.

"Tss. Nakakaasar ka naman eh! Narinig mo na ipapa-ulit mo pa." Sagot niya habang kinakamot yung ulo niya.

Gusto ko sanang matawa sa itsura niya pero mamaya na kapag wala na siya, baka kasi bigla akong batukan nito eh.

"Bahala ka nga diyan" tumalikod na ako at naglakad na palayo.

"Fine. Oo na. Sige na! Uulitin ko na." Lihim akong napangiti sa narinig ko. "Im sorry. Im sorry kung dahil sa akin napahiya ka. Im sorry kung dahil sa akin napagalitan ka ni Mrs. Dimakatarungan. And Im sorry kung dahil sa akin nasabihan ka na malandi ng mga kaklase natin. Oh ano? Okay na ba?"

Humarap ako sakanya. " teka! Paanong. Paano mo nalamang y-yun?"

"Narinig ko. Pero wag kang mag-alala, Sinabihan ko sila na wag na wag ka nilang sasabihan ng ganun. Dahil ako ang makakalaban nila." Saad niya.

When CRASH knew I exist (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon