Napangiti ako sa kawalan ng maalala ko yung conversation namin ni Ash kagabi. Grabe ang lakas ng trip niya.
Flashback.
Nakauwi na ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nagbihis muna ako at humiga sa kama ko nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko agad kong kinuha yun at lumabas sa screen ang pangalan ni Ash.
Jeje Ash Calling ...
"Bakit ka tumawag ?"
["Ganyan mo ba ituring ang bago mong kaibigan wala man lang hello hello. Diretso tanong agad. Tss."]
"Eh, ano ba kasi kailangan mo ?"
["May tatanong lang naman kasi ako."]
"Ano ba yun ?"
["Araw ka ba ?"]
"Hindi." Mabilis na sagot ko. Hindi lang pala Jejemon tong si Ash shunga din pala to. Tatanungin pa kung araw ako. Tss. Edi nasunog dapat siya kanina kung araw ako.
["Naman eh. Sabihin mo Bakit !"] Angal niya. Parang bata to.
"Bakit ko naman sasabihin yun ? Kelan ba naging sagot sa tanong ang tanong din. Shunga lang ?"
["Hays. Pick up line kasi yun. Nakakaasar ka sinisira mo yung banat ko. Sabihin mo na lang Bakit!"]
Ah. Pumipick up line pala siya. Hahaha!
"Hindi mo kasi sinabi agad na pick up line pala yun. O sige, Bakit ?"
["Sayo kasi umiikot ang mundo ko eh!"]
"Ang korni. Eh ikaw libro ka ba ?"
["Uy. Bumanat din siya! Sige, bakit ?"]
"KAPAL MO KASI EH !"
["Sungit naman nito! Sana kandila ka na lang..."]
"Bakit ?"
["Para pwede kitang itirik sa puso kong patay na patay sayo."]
"Ikaw din. Sana kandila ka na lang yung pang birthday cake."
["Ayiie. Bakit ?"]
"Para habang pinapatay kita pumapalakpak sila."
["Aww. Sama naman. Wait! I dont know your name."]
"We? Tagal na nating naguusap hindi mo pa din pala alam ang pangalan ko."
["Oo nga eh. Can I call you mine ?"]
"Sus. Ayan ka nanaman!"
["Di mo kailangang libutin ang buong mundo para mahanap ang true love mo. May address naman kasi ako, gusto mo bigay ko sayo ?"]
"O sige, bigay mo ! Papasabugin ko yang bahay niyo nang mamatay ka na at matigil na yang kacornyhan mo!"
["Hard mo sakin ah! Anong una mong naisip nung nakita mo ako ?"]
"Uhm. Epal!"
["Grabe naman. Alam mo ba yung una kitang nakita, una kong naisip ang candies."]
"Bakit naman Candies ?"
["Candies be love ?"]
"Corny mo talaga !"
["Gwapo naman!"]
"Yabang!"
Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa din nagsasalita si Ash.
"Uy. Bakit tumigil ka ?"
["May iniisip lang ako. Bakit miss mo na agad ako no ?"] Pangaasar niya.
BINABASA MO ANG
When CRASH knew I exist (Editing)
RandomOnce upon a time in a Far Far Away University there was a girl named MILEY BAG she's just a simple girl na patay na patay kay CRASH ICE na hearthtrob ng Far Far Away University. Want more? Well Read it.