Tumambay muna kami nila Freen at Matty sa Court. Practice kasi ngayon nila Crash para sa tournament nextweek laban sa Near University.
Ang pogi pogi talaga ni Crash at ang hot pa. Ang ganda ng mga mata niya para akong inaakit tapos yung mga labi niya ang sarap halikan.
Feeling ko nag slow-motion ang paligid at kaming dalawa lang ni Crash ang nageexist sa Mundo.
Tumigil yung basketball team sa pagpa-practice at nagpahinga.
Gusto ko sanang lumapit kay Crash at punasan ang pawis niya. Swerte nung pawis.
Kinuha ni Crash yung bote ng tubig at ininom ito sa napaka seksi na paraan.
Kumikinang ang mga mata ko habang pinapanuod siya na slowmong idinidikit ang bibig ng bote sa mapupulang labi niya at dahan dahan doong lumagok ng tubig . Tang-na nung bote ang swerte.
Kung ang existence ko bilang dyosa walang talab sa kanya. Wag na kayong magtaka kung willing akong maging bote alang-alang kay Crash.
"Miley ! Ano ba ? Yung laway mo!" Sita sakin ni Freen.
"Ay Sorry !" Sagot ko at kinuha yung panyo ko at sinubukang punasan yung laway ko na umaapaw sa sahig.
Nagulat ako ng biglang may lumapit na janitor sa tabi ko at agad nag-mop. Nagtataka pa itong tumingin samin.
"May natapon bang isang baldeng tubig dito ? Saan nanggaling ang tubig nato?" Nagtatakang tanong ng janitor at di kalaunan natapos ng magmop at umalis narin.
Grabeng janitor yun. Hangang sa badketball court nakakarating. Abay napaka-sipag.
Napa-balik ang atensyon ko kay Matty at Freen.
"Hoy Matty! Nasaan na yung contact number nung genie ?" Tanong ko kay Matty.
"Ewan sayo Miley! Wag mo akong idamay sa mga kabaliwan mo." Saad ni Matty at halatang naiinis.
Napahawak ako sa dibdib ko at umastang nao-ofend sa sinabi niya.
"Masama bang umibig ? Masama bang mangarap ? Masama bang minahal ko siya ? Hindi ko naman ginusto to e, kusa ko lang tong naramdaman. Kung pwede ko lang sanang pigilan to edi sana ginawa ko na. kaya lang, hindi eh! Hindi ko kaya. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Hindi mo alam ang bawat hirap at bawat sakit na tinitiis ko. Hindi mo alam." Atsaka ko kinuha yung bote ng tubig sa tabi ko at pinatakan yung mga mata ko para magsilbing mga luha matapos kong patakan ang mga mata ko binalik ko na ulit yung bote sa dating pwesto nito. Pinunasan ko na parang best actress yung tubig na nagsisilbing mga luha ko.
Napatingin ako kay Matty na ngayon ay nakanganga. Dahan dahan niya namang sinara ang mga bibig niya at malakas na pumalakpak.
"Ang galing mo Miley! Kinabog mo yung mga artista na napapanood ko sa teleserye tuwing gabi. Grabe!" Manghang manghang saad ni Matty.
Ngumiti ako sa kanya. "Sa tingin mo, matatanggap na ako nito sa audition para sa drama club ?"
"Oo naman Miley. Ikaw pa! E, daig mo pa nga si Vilma Santos at Maricel Soriano kung umarte e."
Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"Kaya mahal na mahal kita Matty e. Napaka Supportive mo talagang bestfriend."
"Syempre! Ako pa ba ? Supportive talaga ako."
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya at tinitigan siya ng seryoso.
"Pero Matty ayoko na palang maging straw."
Napangiti siya sa sinabi ko.
"Buti naman at natauhan ka na sa katangahan mo."
"Gusto ko na kasing maging bote."
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Nababaliw ka na ba ? Ano nanaman yang kalokohang pinagsasabi mo? Gusto mo bang mapunta sa mental hospital ha ?!" inis at mangiyak ngiyak na sigaw sakin ni Matty.
"Anong kalokohan ka diyan ? Nagpapakatotoo lang naman ako ah." Galit na sagot ko.
"Nagpapakatotoo ? Eh ano nanaman yang pinagsasabi mo? Maging isang bote ?! Nung nakaraan STRAW ngayon naman BOTE ?"
Napahawak ako sa dibdib ko at umastang naoofend nanaman sa sinabi niya.
"Bakit hindi ko ba pwedeng pangarapin maging bote ha ?! Akala ko pa naman napaka supportive mong bestfriend pero hindi pala katulad ka lang din pala nila paasa at manloloko. Akala ko iba ka. Akala ko hindi mo ako sasaktan katulad ng mga ginawa nila pero nagkamali ako. Parepareho lang pala kayo."
Binatukan ako ni Matty.
"Osige, Hugutan mo pa! Hindi mo pa nga binabaon hinugot mo na. Tyaka nagpapatawa ka ba Miley ?" Sigaw niya.
"Mukha ba akong nagbibiro ?" Inis na tanong ko at saka binalikan ang ala-ala habang umiinom ng tubig sa bote si Crash!
---
Comment kayo diyan oy! Hahahah.
Add me on Facebook.
J-Mhay Yap
BINABASA MO ANG
When CRASH knew I exist (Editing)
De TodoOnce upon a time in a Far Far Away University there was a girl named MILEY BAG she's just a simple girl na patay na patay kay CRASH ICE na hearthtrob ng Far Far Away University. Want more? Well Read it.