Chapter 8: Ice Cream Treat

213 52 10
                                    

Naglalakad ako papuntang cafeteria, iniisip ko parin kung sino yung lalaking tumawag sakin kagabi.

Lintek ng yun binulabog yung gabi ko, hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kakaisip kung sino yun para kasing familiar eh.

Napahinto ako sa pagiisip ng biglang may umakbay sakin.

"Oy! Bebe Miles, namiss mo ba ako ?"

Tanong ni Sew . Habang tinataas baba yung kilay niya.

Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Pwede ba Sew! Wag mokong akbayan tyaka FYI hindi kita namiss at NEVER kitang mamimiss."

Sumimangot bigla yung mukha niya.

"Ang sakit mo naman magsalita bebe miles my love so sweet . Na hurt hurt ako!" Sabi niya habang nakahawak sa dibdib niya.

"Well, Truth hurts talaga!"

Sabi ko kay Sew at tuloy tuloy na sa paglalakad . Sigurado kanina pa ako hinihintay ng dalawa kong bestfriend.

Nang makarating ako sa cafeteria nakita ko naman agad sila kaya umupo na ako sa tabi nila.

"Hoy Miley! Balita ko sinapak mo raw si beech ha!" - Freen.

"Oo, nakakaasar kasi eh! Angkinin ba naman si Crash eh wala naman siyang titolo"

"Grabe ka talaga Miley napaka amazona mo!" sambit ni Matty.

"Hahahahaha. Im so proud of you Miley!" Tawang tawang sabi ni Freen.

napatawa na lang ako sa sinabi niya.

Napahinto ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses na siyang pumukaw sa puso at kalukuwa ko.

Inangat ko ang ulo ko at kumikinang ang mata ko na tumitig sa kanya.

"Hi! Pwedeng makishare sa table niyo?"

Napatulala at natural akong napanganga sa sinabi niya.

"Hoy Miley yung laway mo! Umaapaw nanaman." Bulong ni Freen sakin.

HIndi ko siya pinansin at nakatulala parin ako kay Crash.

Hinawakan ni Matty ang baba ko at isinara yung bibig ko .

"Ah eh kung ayaw niyo okay lang naman!" Malungkot na sabi ni Crash at hahakbang na sana paalis ng pigilan ko siya.

"Hindi. Sige upo ka!"

Napangiti siya sa sinabi kO at agad naumupo.

Feeling ko hihimatayin nako anytime makalaglag panty ang ngiti niya grabe.

"Youre Miley, right ?"

Nakatitig lang ako sakanya habang kumikinang ang mata ko.

Hindi ako nananaginip hindi ba ?

Kinausap niya ako tapos alam niya ang pangalan ko.

Agad nanlaki ang mata niya ng malakas kong sampalin ang sarili ko. Napa-aray ako ng ma-realize kong sobrang sakit pala ng ginawa kong pagsampal sa sarili ko.

"A-are you okay ?" Naguguluhang tanong niya.

Pinunasan ko muna ang laway ko na nagbabadya nanamang tutulo.tsaka ako tumango bilang sagot ko sakanya.

Awkward siyang ngumiti at napakamot sa ulo niya dahil sa kagagahan ko.

"Itigil mo yang kagagahan mo Miley! Mukha ka ng tanga mahiya ka naman." Bulong ni Matty sakin atsaka ngumiti kay Crash.

"Ah eh nga pala , paano mo nalaman ang pangalan ng kaibigan namin?" Tanong naman ni Freen.

" naririnig ko dun sa mga babaeng naguusap tungkol sa picture naming dalawa na kumalat sa university!".

"Ah. Eh bakit ka lumapit dito ?" Tanong nanaman ni Freen. Ang daldal talaga neto

"Naisip ko kasi si Miley kung okay lang ba siya? dah--"

"Wait!" Pigil ko sakanya.

nagtataka niya akong tinignan ng pahintuin ko siya.

"Naisip...mo...ako?" Nakangiting tanong ko habang may nakikitang pulang puso sa likuran niya.

"Uh, yes?" patanong na sagot niya.

Tinignan ko ang mga kasama ko na nagtatakang nakatingin din sakin. Bahagya akong lumapit kay Freen atsaka inilapit ang bibig ko sa tenga niya.

"Narecord mo ba yun?" Kinikilig at malanding bulong ko kay Freen.

Hindi niya ako sinagot , nakatitig lang siya sakin habang nakataas ang isang kilay niya!

"So naisip moko, and then ?" Tanong ko.

"Naalala ko kasi na ako ang dahilan kung bakit ka sinugod ni Beech at kaya ka namomroblema. So naisip ko na makakabawi ako kung ililibre kita ng icecream ! Okay lang ba ?" Eksplenasyon niya.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti ng sobra. Iiiiiiihhhhhhhhhhhhh~ kilig much!

"Oo nemen." Malanding sagot ko.

"So , see you later ?" Tanong niya atsaka tumayo at umalis.

"Kyaaaaaahhh!" Tili ko habang hinahampas si matty at freen.

"Ano ba Miley! Ang sakit!"

"Nakakaasar naman kayo! Bakit hindi niyo nirecord ?" Nagtatampong sambit ko.

"Nahihibang kana! Ililibre ka lang naman ng ice cream."

"Ang sweet kaya niya!"

"Ewan sayo! Halika na nga pumasok na tayo."

"Anong pumasok ?"

"5 minutes na lang miley mag start na ang klase."

"Eh hindi niyo ba narinig si Crash ? Sabi niya see you later so ibig sabihin hintayin natin siya!"

"Ewan sayo! Kung ayaw mong pumasok bahala ka!"

"Kelan ko ba matatanggap ang moral support niyo ha ?"

"Kapag pumasok na tayo!"

"Sige na nga!"

Wala na aKong nagawa kaya pumasok na ako.

~×~

Please click vote thankyouu!

Facebook : aMHAYziing
Twitter : @aMHAYziing
IG : @amhayziing_wp

When CRASH knew I exist (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon