Hindi ako pinansin ni Crash at agad siyang naglakad sa loob ng cafeteria.
Ugh! Bakit ganon ? Hindi ba siya aware na kumalat yung picture naming dalawa sa Campus ?
Tss. O baka naman aware na siya, sadyang wala lang talaga siyang paki alam sa existence ko
KYAAAAHHH! HUHUHUHUHU
Dumiretso na lang ako sa locker ko. Pagbukas ko nito ay may nalaglag na sobre.
Pinulot ko yun at binuksan.
Nakasulat dito kung gaano siya kasaya kapag nakikita niya ako, kung gaano niya winiwish na sana makasalubong niya ako sa hallway at sinabi niya pang nalove at first sight siya sakin.
Walang nakalagay na pangalan kung kanino yun nanggaling pero hindi ko na lang pinansin yun at tinapon na lang ito sa malapit na basurahan.
Pakiramdam ko kasi lolokohin ko si Crash kung itatago ko pa yung sulat. Masyado akong loyal kay Crash at ayoko siyang lokohin.
Napagpasyahan ko munang magun-wind . Pupunta akong Mall.
Papasok palang ako ng makita ko yung guard na magchecheck ng bag.
"Hay nako aleng guard akin na yang stick mo ako na magchecheck sa bag ko tutal tinutusok niyo lang naman eh."
Tyaka ko inagaw yung stick ni aleng guard at tinusok tusok ko yung bag ko.
Atsaka ako pumasok sa loob at dumiretso sa starbucks gagamitin ko muna yung allowance ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang umorder na agad ako ng favorite ko.
"One big coffee jelly Please"
"Ano pong ilalagay kong pangalan ?"
"Uhmm. Crash!"
"Ano mam Crush niyo po ako ?"
Napatingin ako dun sa lalaking nasa harap ko at natural na napanganga.
"Are you deaf ? Ang sabi ko Crash ! C-R-A-S-H. Yan yung pangalan na sabi kong ilagay mo kaya please lang pakikuha na yung order ko bago ako mawalan ng gana at umalis sa coffee shop nato!" Inis na sabi ko.
"Sorry mam"
After a while naisipan ko ng maglakad lakad habang dala dala ko ang coffee jelly ko.
Ay, oo nga pala tetext ko si Matty at Freen na nandito ako ngayon sa Mall.
Habang nagtatype ako. Hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako at namalayan ko nalang ng may babaeng nagsisisigaw sa harap ko.
"Oh my gosh ! My beautiful dress" mangiyak ngiyak na sabi nung babae sa harap ko.
"Haist. Yung coffee jelly ko sayang!" Panghihinayang na sabi ko.
"STUPID UGLY BITCH!" Galit na sabi nung babae.
"Sorr--" naputol yung sinabi ko ng bigla siyang nagsalita.
" SORRY ? MAY MAGAGAWA BA YANG SORRY MO ? MALILINIS BA NIYAN YUNG DAMIT KO ?" Sigaw niya na halos maglabasan na lahat ng ugat niya sa leeg.
"Siguro, testing mo!" Walang gana kong sagot.
"YOU BITCH! HINDI MO BA KILALA KUNG SINONG NASA HARAPAN MO HA ?!"
"Bakit kailangan ba kilala kita?" Mataray kong tanong
"Well kahit hindi mo naman sabihin! Alam ko naman gusto mokong makilala eh! Let me intoduce myself Im Mallan!"
Atsaka niya inabot yung kamay niya. Tinitigan ko lang yun.
"Oh! I see. Let me guess your surname its Dy right ? Youre Mallan Dy ! HAHAHA"
Aakmang sasampalin niya ako pero naunahan ko siya at sinuntok ko agad. Sabi ko nga hindi sapat ang sampal para sa mga bitch.
Napahiga siya sa lakas ng suntok ko.
"Hindi ka kasi natanggap ng sorry eh! kaya ayan nadumihan na yang damit mo nadumihan pa yang mukha mo. Tapos ang arte mo pa!"
Bumaba ako para magkapantay na kaming dalawa nilagay ko rin sa gilid niya yung coffee jelly ko.
"Oh sayo na nga lang to nakakaawa ka eh !" And i give her my sweet smile.
Tumayo nako at naglakad palayo.
"Good bye Mallan Dy ." Sigaw ko habang kinakaway yung kamay ko.
At dahil nawalan na ko ng gana umuwi na lang ako para makapagpahinga masyadong marami ang nagyari ngayon araw biruin niyo dalawang bitch ang nasuntok ko ngayon.
Nang patulog na ako biglang nagring yung phone ko.
Unknown number ? Sino naman kaya to at nambubulabog.
"Hello? Hello?" Ayaw nagsalita nung nasa kabilang line.
Kaya nagsalita ulit ako.
"Hello ? Uy! Sino ba to ? Wala ka bang magawa sa buhay mo at nangtitrip ka ha ?" Inis na sabi ko.
"Good night!"
*Toot*toot*toot*
[A/N : sorry mahina ako sa sound effects!"]
Aba! Bastos yun ah. sa dami kong sinabi goodnight lang ang sagot. Lakas ng trip.
Pero sino naman kaya yun ? Sounds familiar yung boses niya.
BINABASA MO ANG
When CRASH knew I exist (Editing)
De TodoOnce upon a time in a Far Far Away University there was a girl named MILEY BAG she's just a simple girl na patay na patay kay CRASH ICE na hearthtrob ng Far Far Away University. Want more? Well Read it.