"Zaek, give this to table fourteen." I handed him the order and started to manage the counter.
Kulang kami sa tao ngayon dahil nagleave iyong dalawa naming kasama. Kaya medyo hassle lalo na at marami ang taong pumapasok.
"What's your order, Ma'am?" Tanong ko sa babaeng biglang lumapit.
"One double latte, please. And five rainbow buns also." Saad nito kaya dali-dali naman akong gumalaw at ginawa ang latte niya at kumuha ng buns saka bumalik at ibinigay sa kaniya ang mga iyon.
"Here's your one double latte and five rainbow buns." Nakangiting saad ko saka kinuha ang bayad nito.
"What's your order, Miss?" Tanong ko naman ng lumapit ang isang dalagita at itinuro ang donuts.
"One box of that then two cappuccino, Kuya pogi." Kumindat pa ito.
Natawa naman ako saka ginawa ang kape nito saka kumuha ng isang box at binigay sa kaniya iyon. "Here's your donuts and cappuccino, Miss." Nakangiting saad ko at kinuha ang bayad niya.
"Keep the change. By the way, puwede ba makuha number mo, Kuya?"
Ngumiti lang naman ako. "I'm sorry miss but we don't give personal information to our costumers."
Napanguso naman ito pero tumango pa rin. "Okay lang. Bibili kami ng bibili rito hanggang sa ibigay mo." Saad nito saka kumaway pa bago tuluyang lumabas.
Those kids...
Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Wala ng pahi-pahinga dahil walang papalit sa akin kapag nagpahinga ako.
Halos dalawang taon na rin simula ng magsimula ang café na ito at nagpapasalamat ako at pumatok naman kaagad sa mga tao.
Madaming pumapasok at nagse-stay dito kaya hanggang alas-sais na kami rito minsan kapag madalang naman ang costumer ay alas-singko pa lang ay nagsasara na kami.
"Three slice of apple pie and chocolate milktea, please."
"Just wait a second, Ma'am." Nakangiting saad ko saka kumuha ng tatlong slice ng apple pie saka inilagay sa paper bag saka sumunod na gumawa ng milktea at ng matapos ay bumalik na ako doon. "That will be 100 pesos in total, Ma'am." Inabot naman nito ang bayad saka umalis na.
Agad ko namang inasikaso ang sunod na nasa pila na umorder naman ng cape at nagpatuloy na iyon ng nagpatuloy.
Nang magtanghalian ay mas lalong dumami ang tao. Pero na madalang lang 'yung kumukuha pa ng table kaya nakasama ko na rin sa me counter si Zaek.
Siya ang gumagawa ng mga inomin at ako naman ang kumukuha ng mga order na tinapay at kung ano-ano pa.
Nang maubos ang costumer ay saka pa lang kami nakapagtanghalian. Kitang-kita ko ang panginginig ang kamay ni Zaek ng lapitan ito at ibinigay sa kaniya 'yung listahan.
"Magpahinga ka na kung hindi mo na kaya. I can handle this." Saad ko.
"Eh Sir, baka mamaya dumami bigla ang costumer. Ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala sa'kin. Ganito talaga 'yung kamay ko." Pagpapalusot pa nito.
"But if masyado ka ng pagod ay magpahinga ka, maliwanag? Binabayaran kita para magtrabaho at hindi magpasobra sa trabaho."
"Oo na. Oo na." Saad pa nito saka agad na bumalik sa me counter ng makitang may costumer.
Alam na alam nitong gumalaw roon t kabisado na ang paggawa ng nga inomin at pakikipag-usap sa mga tao. Dati na raw siyang nagtatrabaho sa restaurant kaya may alam na siya kahit papaano sa mga bagay-bagay dahil hindi naman nalalayo ang trabaho sa restaurant at café.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]
RomanceThe persona of Rin Saito Jimenez has faded away, revealing the true identity of Shun Louisse Carreon. "As I sat in the café, my heart pounded with anxiety at the sight of him once again. His transformation into a more handsome and mature figure stru...