"Are you mad?" Narinig kung tanong nito pero nanatili lang akong tahimik. "I'm sorry for what I've said. Did I shock you?"
Unti-unti ko namang itong sinilip at agad na nakita na guilty ito dahil sa sinabi kanina. Nakapagpalit na rin ito ng damit kaya hindi na siya basa.
"Lumabas ka na." Saad ko.
"Pero--"
"Magbibihis ako kaya lumabas ka na." Mahinang saad ko.
"Aren't you mad?"
"I'm more than embarrassed than mad." Saad ko habang nakatingin sa kung saan. Pero nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin ng bahagya. Siguro para hindi masagi iyong braso ko na may sugat.
"I thought that you are mad at me... I'm sorry, hindi ko na napigilan ang bibig ko." Napangiti naman ako saka kumawala sa pagkakayakap nito.
"You're forgiven..."
"Tulungan na kitang suotin 'yung damit mo. Hindi ka pa makakagalaw ng maayos dahil diyan sa mga sugat mo. I promise, I won't do anything." Itinaas pa nito ang kamay kaya natawa na lang ako.
"You're acting like just before." Natatawang saad ko at napatingin sa daliri nito. Parang kumabog ng matindi ang puso ko ng makita ang singsing na andodoon pa rin.
"What?" Tanong niya ng mahalatang nakatitig lang ako sa kamay niya.
"The ring... suot mo pa rin." Saad ko at inilabas rin ang kamay ko na andodoon rin ang singsing.
He gave it to me...
"Oh...yeah. Hindi ko tinatanggal sa daliri ko. Hindi ko rin pinalitan. Ganiyan lang. Hindi naman kasi sumikip o ano. It's still the same. I feel the same. Tsaka para isipin ng iba na taken na ako. I don't want to flirt to anyone except yo anyway."
"Pft. That's too much for my ears." Natatawang saad ko pero napatingin pa rin doon. "But I have the same reason too. Habang mag-isa ako, ito lang 'yung kasama ko. Pero masaya na rin ako kahit papaano kasi naiisip kita kapag tinitingnan ko 'to."
"So you didn't have an relationship back then?" Masayang tanong nito.
"Wala eh." Natatawang saad ko naman ng makitang ngiting-ngiti ito.
"I'm too glad to hear that. Sandali, kukuhaan kita ng damit. Baka lamigin ka." Saad nito at tumayo at pumunta sa cabinet at kumuha ng damit. Maya-maya lang ay bumalik na ito na may dalang pantulog.
"Nabasa ko ata 'yung comforter. Dahil siguro sa basang buhok ko..." Saad ko.
"It's okay. Madami pa naman kaming panibago. For now, magbihis ka na muna. Malamig na, baka siponin ka."
"I'm not a kid, Phoenix."
"But we still need to take care of ourselves, okay?"
"Oo na." Sagot ko naman.
"Kunin muna natin 'yang comforter para masuot ko sayo 'to." Saad niya kaya nakagat ko naman ang labi ko saka humigpit ang kapit doon. "Shy? Alam mo na lahat ng nasa katawan mo ay meron rin ako. But for you...sige, ipipikit ko na ang mga mata ko para hindi ka na mailang."
"S-Sorry. Hindi ko kasi naranasang magbihis ng may nakatingin kaya hindi ako komportable." Mahinang saad ko.
"It's okay." Nakangiting saad nito at pumikit na saka kinuha ang pangtaas na pangtulog saka balak sanang isuot sa akin pero namamali ito dahil nga hindi ako makita.
"B-Buksan mo na lang ang mga mata mo. Mahihirapan at matatagalan tayo kapag nakapikit ka..." Saad ko.
"Pero hindi ka komportable---"
"Ayos lang. Wala namang mawawala sa akin eh." Natatawang saad ko kunwari. Idinaan ko na lang sa tawa 'yung hiyang nararamdaman ko.
"Okay. Don't worry, I won't do anything." Nakangiting asik niya saka dahan-dahan ng isinuot sa akin iyong pang-itaas na damit saka siya rin 'yung nagbutones niyon.
Habang ako naman ay tahimik lang at nakatingin sa kaniya. Nakagat ko na lang ang labi ko ng kunin nito ang comforter na nakatabing sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko pero matapos nun ay isinuot niya lang sa akin iyong pajama saka tinulungan akong humiga ng maayos at hinalikan sa noo.
"Kukuha lang ako ng bagong comforter." Saad nito at tumayo at balak na sanang umalis pero pinigilan ko siya.
"S-Salamat..."
"Hm. I'll be back in just a minute." Saad nito at tuluyan ng umalis.
Niyakap ko naman ang tuhod ko pero agad ring napadaing ng sumakit 'yung sugat ko sa tiyan kaya umayos na lang ako ulit ng higa.
Ngayon ko na lang naramdaman ang lamig. Siguro dahil sa aircon at sa malamig na hangin rin. Nasabi kasi sa balita na baka umulan ngayong gabi...
Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko at napangiti.
Ito 'yung isa sa mga nagbibigay sa akin ng pag-asang mabuhay noong panahong mag-isa na lang ako...
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Phoenix na dala ang isang comforter.
"Here. Use this." Ikinumot nito sa akin ang dalang comforter saka naupo sa gilid ng kama.
"Ayaw mo pa bang matulog?" Tanong ko.
"Gusto kung katabi kang matulog eh. I don't want to be alone at my room." Nakangusong saad nito kaya natawa naman ako saka pinagpag ang tabi ko.
"Come here." Saad ko kaya ngumiti naman ito at dahan-dahang nahiga sa tabi ko at niyakap ako.
"You're fluffy and mabango." Sininghot-singhot pa nito ang balikat ko kaya natawa na lang ako ulit.
"Anong naamoy mo sa'kin?" Tanong ko.
"My favorite scent of yours... Berries. But blueberry is the one that stands out. Amoy blueberry ka talaga." Sagot nito.
Blueberry, huh?
"That's my favorite flavors and scents. Pero hindi ko naman maamoy ang sarili ko. Parang wala naman akong naaamoy." Asik ko at sininghot pa ang sarili.
"Okay lang 'yan. Naaamoy naman kita. Matulog na tayo. Bawal sayo ang magpuyat lalo na ngayon." Napangiti na lang ako saka tumango.
"Okay." Sagot ko saka ipinikit ang mata at sinimulang suklayin ang buhok nito.
"I really want this." Narinig ko pang saad niya at niyakap ako lalo at isiniksik sa leeg ko ang mukha. "Goodnight."
"Night." Sagot ko naman.
"Where's my kiss?" Tanong niya kaya napamulat naman ang isang mata ko pero nasa leeg ko pa rin ang mukha nito. Ipinikit ko ulit ang mata ko saka nagsalita.
"Ako dapat magsasabi niyan eh." Natatawang saad ko.
"Here's your kiss. Goodnight." Hinalikan nga ako nito sa pisngi saka nahiga na ulit sa tabi ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
Napangiti na lang ako saka tuluyan ng maramdaman ang antok at tuluyan nakatulog.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]
RomanceThe persona of Rin Saito Jimenez has faded away, revealing the true identity of Shun Louisse Carreon. "As I sat in the café, my heart pounded with anxiety at the sight of him once again. His transformation into a more handsome and mature figure stru...