08

1.1K 75 7
                                    

"Ipagtimpla mo'ko ng kape." Utos nito nang pagkarating ko.

"S-Sige po, Sir." Saad ko saka nagsimulang magtimpla ng kape niya.

Pwede naman palang magtimpla  ng kape dito bakit pumupunta pa siya sa café?

Siguro ayaw ng magtrabaho kaya bumibili na lang.

Napabuntong-hininga na lang ako saka bumalik at ibinigay sa kaniya ang kape.

"Hm...good. Ngayon, gawin mo na 'yan." Turo sa mga nakatambak na papeles sa mesa.

"A-Anong...gagawin ko diyan?" Tanong ko.

"Read it."

"L-Lahat?" Tanong ko.

"Yes."

Ang dami...

"S-Sige."

Naupo na ako at minasahe muna ang ulo ng ilang sandali saka nagsimula ng basahin ang mga iyon.

"Are you okay? You look pale." Bigla naman akong umiwas ng balak sana ako nitong hawakan.

"I'm fine." Naisagot ko kaya bumalik naman ito sa kinauupuan niya.

Nagpatuloy na ako sa pagbabasa at minamasahe ang mata paminsan-minsan saka nagpapatuloy rin naman kaagad.

Maya-maya ay may kumatok naman sa pinto kaya tumayo muna ako para buksan at tingnan kung sino iyon. Nakita ko ang isang employee na may dala-dalang mataas na mga papel at ibinigay sa akin.

Iba ang pakiramdaman ko dito...

"Sir, saan ko po ilalagay?"

"Oh, 'yan? Kasama 'yan sa mga babasahin mo."

Sinasabi ko na eh.

"Okay." Iyon na lang ang nasabi ko at itinambak iyon sa mesa ko.

Walang pahi-pahingang binasa ko iyon mula umaga hanggang hapon. Gusto kung matapos na iyon kaagad kaya hindi na ako nagtanghalian pero bigo pa rin ako.

Hindi ko iyon natapos...

Nang alas siete ay doon lang ako kumain ng burger saka kape at nagpatuloy na naman.

Hanggang mamayang gabi pa raw ako dito. Sabi niya...

Gusto kung umuwi pero natatakot ako na baka bukas ay wala na ang café. Baka wala na akong balikan kaya mabuti pang sundin ko na lang lahat ng sinasabi niya.

At nang tuluyang makauwi ay agad na akong dumeritso sa kama at hindi na nakapag-ayos o nakakain. Ramdam na ramdam ko sa katawan ko ang lahat. Parang hindi ko na magalaw ang buong katawan ko.

Pero nang kinaumagahan ay bumangon pa rin ako para bumalik doon sa kompaniya. Hindi na ako nakakapunta ng café pero andoon naman ang tatlo at sila na muna ang bahala roon.

Papunta na naman ako ngayon sa opisina. Naligo lang ako at kumain ng almusal saka na dumeritso sa kompaniya at sinimulan na naman ang mga trabahong pinag-uutos niya.

"Bilhan mo nga ako ng pizza. Diyan sa Hades, masarap 'yung pizza diyan eh." Tumango lang naman ako saka tumalikod na at tahimik na naglakad paalis.

Bumaba na ulit ako saka naglakad na lang. Malapit lang naman. Nasa kabilang street lang iyon.

Makaraan ang labing limang minuto na paglalakad ay narating ko na rin 'yung Hades Pizza Maker. Pumasok na ako saka nag-order ng dalawang box at saka umalis na rin kaagad.

Nilakad ko na rin pabalik dahil mauubos ang pera ko kapag taxi ako ng taxi. Ang mahal pa naman ngayon ng pamasahe.

"Inutusan ka na naman ba, Sir?" Tanong sa akin ng guard. Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makapasok sa loob ng elevator ay napahawak ako sa pader ng nahilo ako bigla pero nawala rin kaya napabuntong-hininga na lang ako saka nagpatuloy na ng bumukas na ang pinto.

"Here." Lapag ko ng pizza sa table nito at tahimik na bumalik sa table ko at nagpatuloy na sa trabaho ko.

"Don't you want to eat?" Tanong nito pero hindi ako nagsalita.

Ang sakit ng lalamunan ko para magsalita ng magsalita.

Natapos ko ang unang mga papeles pero nasundan pa iyon ng may dumating na naman na mga panibago. Ramdam ko na parang maduduling na ako pero idinaan ko na lang sa pahinga ng ilang segundo saka nagpatuloy na rin.

At nagtuloy-tuloy na nga ang pagpunta ko sa kompaniya para magtrabaho hanggang sa gabi. Trabaho lang ng trabaho. Sunod sa utos niya. Papunta't parito at kung ano-ano pa.

At habang patagal ng patagal ay nararamdaman ko na ang pagod pero pinipili ko na lang manahimik at magpatuloy sa trabaho. Hindi ko na binalak pang magreklamo dahil alam ko naman na sa aming dalawa...siya ang may hawak ng desisyon.

Ginagawa ko 'to para sa café. Ayaw kung mawala ang café sa akin kaya gagawin ko lahat... Lahat lahat.

Tatlong cup na ng kape ang nauubos ko ngayon simula pa kaninang umaga at tanghali pa lang ngayon. Ramdam ko kasi na kapag hindi ako uminom ng kape ay pipikit ang mga mata ko.

Napabuntong-hininga ulit ako saka tumigil muna sa pag-ta-type ng ilang sandali at nahilot ang mga mata at ang sentido.

Maya-maya ay bumalik na rin ako sa pagtatrabaho dahil madami-dami pa akong tataposin ngayon. Bumili na rin ako ng tinapay para hindi na ako umalis dito.

Hindi ko na lang rin pinansin pa ang nasa paligid ko dahil matatagalan lang ako lalo sa pagtatrabaho.

May ine-edit ako ngayon dahil iyon ang pinatrabaho sa akin ni Phoenix. Mabilis akong natuto dahil tinuruan ako ng isang employee sa mga dapat gawin.

Halos alas diyes na ng gabi ng matapos ako sa lahat-lahat at inilapag iyon sa table ni Phoenix dahilan para mapatingin ito sa akin.

"Tapos na?" Tanong niya kaya tumango naman ako. "Nice." Nakangiting saad nito.

"Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko.

"Hm...sige. Pero may sasabihin ako sayo."

"Ano 'yon?" Deritsong tanong ko.

"I'm sorry pero  I'm starting to get bored of you. Hindi ko na-enjoy 'yung mga sandali na naging alipin kita. Kaya napag-isipan ko na ituloy na lang ang pagbili ko ro'n sa lupa. Alam mo...mahalaga kasi sa akin 'yon eh dahil balak ko sanang patayuan ng building. Alam kung mahalaga rin sa iyo 'yung café mo pero negosyante din ako. By the way, salamat sa paggawa ng lahat ng 'yan, ah? Ang galing mo. Natapos mo lahat ng 'yan na dapat buong kompaniya na ang gumagawa. Akalain mo 'yon?" Natatawang saad nito.

Parang nabingi ako at ramdam na ramdam ang panlulumo. Parang ngayon ko na lang tuluyang naramdaman ang lahat ng pagod at sakit na iniinda ko. Bigla na lang akong nahilo at hindi na namalayang natumba at nandilim ang paningin...

I'm tired...

I think I'm gonna die...

THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon