10

1.2K 70 18
                                    

"Saan ka pupunta?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Uuwi!" Sagot ko.

"Hindi ka pa magaling. Magagalit na naman ang mga doctor mo kapag nalaman nila 'to!"

"I don't care. I want to go home---"

"I won't let you. Dito ka lang!" Matigas na saad nito at pinahiga ako. "Hindi mo rin iniinom ang gamot na ibinigay sa'yo? Akala mo hindi ko malalaman?"

"Pakialam mo ba?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Ako ang dahilan bakit ka nagkaganito kaya ako ang gagawa ng paraan para gumaling ka." Seryusong saad nito.

"Bahala ka." Saad ko at tumalikod na lang sa kaniya.

"Ayaw mo bang kumain? May dala akong pagkain dito."

"Ayaw ko." Sagot ko.

"Shun, you need to eat! Kailangan iyon ng katawan mo. Hindi ka umiinom ng gamot at hindi ka rin kumakain, paano ka gagaling?"

"Malay ko."

"Don't be sarcastic! Kapag ako napikon iuuwi kita sa bahay at ikukulong doon hanggang sa gumaling ka." Nanlaki naman ang mata ko at nagugulat na napatingin sa kaniya.

"Don't you dare!"

"Kainin mo na 'to o tututohanin ko ang sinabi ko."

"Ayaw ko." Pagmamatigas ko pa ulit.

"Isa!"

"Lima!" Pang-iinis ko pa sa kaniya.

"Dalawa."

"Sampu! Hoy! Ibaba mo'ko!" Nagulat ako ng bigla ako nitong binuhat at kinuha ang tubo ng oxygen na nasa ilong ko.

"Nurse kunin mo ang 'yang mga nasa kamay niya. Uuwi na kami." Utos nito sa nurse na sinunod naman siya kaagad kaya agad naman akong nagpumiglas pero wala pa rin akong lakas.

"Ano ba? Ibaba mo'ko!" Sigaw ko.

"Binalaan kita pero ayaw mong makinig. Akala mo nagbibiro ako? Well, hell no!" Sagot nito at lumabas ng room namin at dumeritso sa mga nurse na nandodoon at nagbayad ng bills.

"Tulungan niyo ko! Hindi ko kilala 'to. Nurse, tulong!" Hingi ko ng tulong sa nurse pero nagsialisan lang sila. "Ano ba bitawan mo'ko! Sisigaw ako kapag hindi mo ako ibinaba!"

"Aangkinin ko 'yang labi mo bago ka pa makasigaw." Seryusong saad nito dahilan para matahimik ako at matabonan ang bibig. "Good. Better shut up there before I do something to you."

Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi nito.

Biglang may pumaradang kotse sa harapan at bumukas ang pintuan at isinakay akon roon.

"Plano mo 'to..."

"Yes! Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sagot nito at sinamaan pa ako ng tingin. "Alam mo bang pwede kang mapahamak dahil sa hindi pagkain at pag-inom ng gamot?"

"Bakit? Kasalanan ko bang maging slave mo at danasin 'to dahil sa mga putanginang utos mo?!" Sigaw ko sa kaniya at napadaing ng sumakit na naman ang lalamunan ko.

"Stop shouting. Ano ba? Gusto mo ba talagang patayin 'yang sarili mo?" Singhal nito.

"Kung gusto mo pwede kung gawin 'yon, Sir." Sagot ko kaya tumalim naman ang titig nito.

"Don't call me that!"

"Why? I feel like calling you that."

"Try to say it again...hindi ko na pakakawalan 'yang labi mo gamit ang labi ko." Bulong nito dahilan para matahimik naman ako.

THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon