Habang nakatingin kaniya na mahimbing ng natutulog ngayon ay kumakalma ang pagkatao ko pero kapag nakikita ko ang pasa at mga marka ng kagaguhan ng mga lalaking 'yon ay nagagalit na naman ako.
Gusto kung patayin ang mga gagong 'yun dahil sa ginawa nila kay Shun pero ayaw kung magalit sa akin si Shun kapag napatay ko ang mga 'yon dahil lang sa galit ko.
Hindi ko maiwasang hindi maikuyom ang mga kamao ng maalala ang nangyari kanina. Nanggaling ako ng convenient store dahil bumili nga ako ng makakain naming dalawa pero hindi ko inaasahan 'yung madaratnan ko.
Kitang-kita ko kung paano sampalin ng gagong lalaking 'yun si Shun. Nakita ko kung paano bumalatay ang sakit sa mukha niya at napaupo na lang sa sahig dahil siguro sa panghihina. Kung paano tumulo ang luha niya. Nandilim na ang paningin ko sa oras na iyon at pinagsusuntok sila at pinagtatadyakan ng walang humpay dahil sa sobrang galit. Pero nang narinig ang boses niya ay doon lang ako nakabalik at nahimasmasan.
Para akong sinasaksak tuweng nakikita siyang nasasaktan at umiiyak. Kung pwede lang na sa akin na lang iyon mapunta ay gagawin ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at hinalikan pa siya sa noo at tuluyan ng umalis doon at bumaba. Sinuot ko ang coat at agad na lumabas at dumeritso sa police station kung saan dinala ang tatlong gago.
Hindi ko sila palalampasin.
Hindi ko hahayaan na makita pa ulit sila ni Shun. Alam kung matatakot na naman siya.
Habang nasa biyahe ay tutok lang ang paningin ko sa cellphone ko. Hindi ko inalis ang paningin ko roon hanggang sa hindi tumitigil ang sinasakyan ko.
Pagkarating sa police station ay agad kung nakita ang tatlong gago na kinakausap ng police.
"Bakit hindi pa nakukulong ang tatlong gago na 'to, huh?!" Galit na tanong ko sa police habang nakaduro sa mga gago.
"Sir kumalma muna kayo."
"Then explain why they are still here. Dahil kapag hindi mo nagawa 'yun ay isasama kita sa kanila sa loob ng kulungan.." Mahinahon pero seryusong saad ko saka naupo sa kabilang upuan.
"A-Ano kasi...sira ang cctv camera banda doon kaya hindi nakuhaan ang mga nangyari---"
"I see it with my two fucking eyes, okay? They are trying to raped Shun. They hurt him. Pwede siyang magkatrauma dahil sa ginawa ng mga gagong 'to." Saad ko pero ang pagkakunot ng noo ay hindi na nawala.
"Pero Sir... base na rin sa sinabi mo ay lalaki siya. Bakit siya..."
"Oo nga naman." Biglang sawsaw sa isa sa mga lalaki. "At bakit namin gagahasain iyon eh lalaki niya, diba? Ayosin mo naman kasi ang palusot mo. Masyadong hindi kapani-paniwala----"
"Tapos na kayo?" Tanong ko sa kanila dahilan para matigilan naman ang mga ito.
Kinuha ko ang cellphone saka nagpipipindot doon at ibinigay sa police na gunggong.
Porket lalaki hindi na pwedeng marape? Anong klaseng pag-uutak ang meron ang lintek na 'to.
Simula nang umalis kami ay pinalagyan ko na ng maliliit na cctv camera ang bawat paligid ng kwarto ni Shun para alamin kung may nagpupupunta doon na kalaban. Kaya nakuhaan lahat ng ginawa ng mga gago.
"Dumating na ang abogado ko. Siya na ang bahalang magsampa ng mga kaso sa inyo. Sampung kaso siguro ay sapat na para hindi na ulit kayo makatapak sa labas." Saad ko saka tumayo na at senenyasan ang kakarating lang na abogado ko na siya na ang bahala.
Narinig ko pang sumigaw ang mga gago at nagmamakaawa pero hindi ko na sila pinakinggan pa at tuluyan ng umalis doon.
Dumeritso ako sa bahay at pagkarating ay dumeritso na ako ng kusina at nagsimulang magluto ng makakain ni Shun.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdaman ko ngayong alam kung hindi na ulit makakalapit ang mga taong 'yon sa kaniya.
Naghintay pa ako ng ilang sandali bago tuluyang maluto ang niluto kung pagkain. Iniisa-isa ko ng nilagyan ang mga plato at bowl ng pagkain at saka inilagay sa dalawang tray. Para sa akin at para kay Shun. Dapat ay may lakas ako para ipagtanggol siya lagi tuweng kailangan niya ng tulong. Kaya kailangan ko ring kumain.
Umakyat na ako sa taas saka mahinang binuksan ang pintuan at lumapit sa gilid ng kama nito at naupo. Inilagay ko na muna ang tray sa mesa saka marahang hinaplos ang pisngi niya.
"Hey baby, wake up." Saad ko habang patuloy sa paghimas sa pisngi niya na bahagyang namumula. Ngumiti naman ako nang makitang nagmulat na siya.
"Kanina ka pa ba?" Tanong niya habang kinukusot ang mata. Gawain niya 'yun mula pa noon. It so cute for me.
Tinulungan ko naman siyang umupo at nilagyan ang likod ng unan para hindi siya mahirapan.
"Hindi naman. Let's eat. Luto na 'yung niluto ko." Saad ko at kinuha ang tray at ibinigay sa kaniya ang isa. "Masakit pa ba yung mga sugat mo?"
"Hindi na. Gumaling na ata dahil magaling din yung nag-alaga sa akin. Salamat." Nakangiting saad niya at dumukwang para halikan ako sa labi na ikinagulat ko pero agad ring napangiti at tiningnan na lang siya habang kumakain. "Kain ka na. Hindi ka mabubusog sa pagtitig sa akin."
"Okay. Okay. But eat alot, okay? You need that para bumalik ang lakas mo." Saad ko at nagsimula ng kumain ng niluto ko.
Mas masarap pa rin ang luto niya...
"Bumalik na yung lakas ko. Gusto mo bang patunayan ko pa sayo, hm?" Bulong nito sa mismong tenga ko dahilan para mapalunok naman ako at napabuntong-hininga.
"Don't seduce me, Shun. Magpagaling ka at magpahinga." Saad ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.
I don't want to deny his offer but he is still weak. Wala pa siyang lakas at masyado pang mahina ang katawan niya.
But he is really fucking sexy. His voice, body, face and all. Hinding-hindi ko tatanggihan ang mga pang-aakit niya kung hindi lang talaga siya nanghihina ngayon.
"Ang sarap naman nito. Ikaw talaga nagluto nito? Baka si Krenx nagluto nito ng palihim, ah?" Tanong niya kaya natawa naman ako at umiling.
"Ako ang nagluto niyan. Mabuti at nagustuhan mo." Nakangiting saad ko.
Nawala na iyong mabigat na pakiramdam sa puso ko kanina. Siya lang talaga ang makakagawa nun. Siya lang talaga ang kayang bumura ng galit at inis na nararamdaman ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/273405469-288-k441237.jpg)
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]
RomanceThe persona of Rin Saito Jimenez has faded away, revealing the true identity of Shun Louisse Carreon. "As I sat in the café, my heart pounded with anxiety at the sight of him once again. His transformation into a more handsome and mature figure stru...