09

1.1K 64 6
                                    

Napamulat ako at balak sanang bumangon pero agad kung naramdaman ang sakit ng buong katawan kaya napabalik sa pagkakahiga at napalinga-linga ako sa paligid.

Nasaan ako...

Napatingin ako sa kinahihigaan ko at malapad na kama iyon. Iba na ang suot kung damit at may bempo sa noo ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok bigla si Phoenix dahilan para bumangon agad ako pero agad ring natumba at parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit. "A-Aray."

"Bakit ka bumangon? Dammit!" Balak sana ako nitong buhatin pero itinulak ko lang siya palayo.

"Huwag mo 'kong hawakan!" Gusto kung sumigaw pero paos na paos ang boses ko.

Sinubukan kung tumayo ulit pero parang natumba na naman ako pero sinalo na niya ako pero itinulak ko lang ito ulit.

"Huwag kang lumapit." Saad ko na may halong pagbabanta.

"Don't force yourself! Baka mapano ka. Ang taas taas ng lagnat mo."

Hindi ako nakinig at pinilit ko ang sarili ko na humakbang at makaalis doon pero walang lakas ang paa ko. Hindi ako makalakad. Natutumba ako sa sahig.

"Huwag nga matigas ang ulo! Baka mapano ka. Hayaan mo ng tulungan kita at inumin mo na 'tong gamot mo." Wala na akong nagawa ng buhatin ako nito at ibalik sa kama. Buong katawan ko ay kumikirot at walang lakas lalo na ang mga paa ko.

"Inumin mo na ang gamot---"

Kinuha ko iyon at inihagis sa kung saan at sinamaan siya ng tingin.

"What the---ang tigas ng ulo mo! Baka mapano ka---"

"Eh ano naman? Ikaw naman ang dahilan bakit ako ganito ngayon, ah?! Dahil sa'yo ay parang mamamatay ako. Tapos ano 'to? Bait-baitan na naman? Ano? Nakokonsensiya ka na ba? Don't be. Dahil kapag nakaalis ako dito. Gagawin ko lahat para makalayo sa'yo. Wala na akong pakialam kung kunin mo ang lupa. Tangina! Sayo na. Pagod na akong sumunod sa'yo." Sigaw ko at sunod-sunod namang tumulo ang luha ko.

Bakit ba napaka-iyakin ko...

"I'm sorry... Huwag ka ng umiyak. Tahan na." Ipinahid nito ang mga luha ko pero pinigilan ko ang kamay niya at tinuyo ang sariling luha.

"Umalis ka na." Mahinang saad ko at iniiwas sa kaniya ang paningin.

"Pero hindi ka pa kumakain. Hindi ka pa umiinom ng gamot. Ang init-init mo rin---"

"Wala akong pakialam! Umalis ka rito. Ayaw kitang makita. Ayaw kitang maka-usap. Ayaw ko sa'yo!" Hindi na ikaw ang dating Phoenix na kilala ko. Sigaw ko at napadaing at napahawak sa ulo ko ng kumirot ito. Para sasabog ang ulo ko dahil sa sakit.

"Inumin mo na ang gamot mo. Hindi ka gagaling kung hindi mo iinumin iyon."

"Ayaw mo nun? Mawawala na ako. Mawawala na yung nanakit sayo." Sigaw ko at itinulak siya at balak na naman sanang tumayo pero naiyak na lang ako at sinuntok ang mga paa ng wala pa rin itong lakas at hindi makapaglakad.

"Hey, stop hurting yourself! Let me help you."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo--aray!" Napahiyaw ako ng kumirot ng kumirot ang tiyan ko.

"Damn this!" Bigla ako nitong binuhat pero agad naman akong nagpumiglas at pinagsusuntok siya ng natitirang lakas na meron ako para makawala pero walang epekto iyon sa kaniya dahil nagpatuloy lang siya sa pagbuhat sa akin.

"Arayyy!" Napasigaw na naman ako ulit at naiyak na naman dahil sa sakit ng tiyan ko. Parang kinukuha ang lahat ng lamang loob ko.

"Damn! Are you okay? Wait, pupunta na tayo sa ospital." Narinig kung saad pa nito at isinakay ako sa kotse pero agad rin akong nahilo at nawalan ng malay.

Nagising na lang ako at tumambad sa paningin ko ang nakakasilaw na ilaw kaya naitaas ko naman ang kamay ko at natabonan iyon pero agad na nakita ang mga nakaturok sa kamay ko na kung ano-ano. "Hindi pwede..."

Agad kung pinagkukuha ang lahat ng iyon pero biglang dumating si Phoenix at pinigilan ako pero nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng lahat ng iyon. "Bitawan mo'ko! Ayaw ko rito." Sigaw ko sa kaniya.

"Makakatulong 'to sayo para gumaling! Gagaling ka rito kaagad! Huwag ngang matigas---"

"Uuwi na ako." Saad ko at tumayo at pinilit na ilakad ang paa kung walang lakas.

"Dammit! Ang tigas tigas ng ulo mo!" Sigaw nito at hinawakan ako sa braso pero itinulak ko lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad pero bigla akong hinarang ng mga nurse.

"Calm down, Sir. Baka mawalan na naman kayo ng malay kapag pinilit niyo ang sarili niyo." Alalang saad ng isang nurse.

"Wala akong pakialam. Ayaw ko dito. Gusto ko ng umuwi." Sigaw ko at nagpumiglas pero biglang may itinurok sa balikat ko ang isang nurse.

"Pasensiya na Sir pero kailangan niyong kumalma." Saad nito kaya napailing na lang ako at agad ring naramdaman ang panghihina.

Hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Binuhat ako ni Phoenix pabalik sa kama ko at pinunasan ang mga luha ko. "Stay. You need to rest."

Nailing na lang ako at napatingin sa mga nurse na kinakabit ulit ang mga kung ano-ano sa kamay ko na kinuha ko kanina.

Gusto ko ng umalis dito...

"I'm sorry...this is my fault." Napatingin naman ako sa kaniya at napatulo na naman ang mga luha ko. "It's all just a prank...hindi ko akalain na aabot sa ganito..."

"Ngayon alam mo na. Masaya ka na ba?" Mahinang tanong ko at nakagat na lang ang labi ko at ipinikit na lang ang mga mata. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko pero hinayaan ko lang iyon.

Wala akong karapatan na sabihin 'to dahil ako mismo ay sinaktan rin siya. Pero hindi ko mapigilan...

Nasasaktan ako...

"Hindi. I'm guilty. I'm sorry."

"Hm."

"Pleased forgive me..."

"Hm."

"Do you hate me?"

"Hm."

"I'm sorry..."

"Hm."

"Answer me correctly."

"Hm."

"Alam kung galit ka sa'kin ngayon. Alam kung kasalanan ko ang lahat ng nangyayari sa'yo. And I'm sorry for that. H-Hindi ko sinasadya. Please, can you forgive me this time?"

Napamulat naman ako at tiningnan siya ng deritso sa mga mata. Naramdaman kung tumulo na naman ang luha ko pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya ng ilang sandali saka nabuksan ang bibig para magsalita. Nakagat ko naman iyon at tumulo na naman ang luha ko. "I hated you, Phoenix."  I loved you.

Pero ang sakit na talaga...

I think things won't work between us anymore...

THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon