"Hey, stop hugging me muna." Natatawang saad ko pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya.
"I don't wanna. I really miss you. Bakit ba dito ka napadpad. Umabot pa ako sa ibang bansa para hanapin ka eh nandito ka lang pala." Saad nito at hinalikan ako sa pisngi.
Nagluluto kasi ako ngayon at nakayakap lang ito sa akin mula sa likod.
"You did that?" Gulat na tanong ko.
"Oo naman. Gagawin ko lahat para mahanap ka lang. Oh, bakit nga dito ka napadpad?"
"Dito ako dinala ng kapalaran ko eh. Alam kung dito hindi na ako masusundan ni Armando."
"Hm... masaya ka ba noong nakita mo ko ro'n sa labas ng café?" Tanong niya pa ulit kaya napatingin naman ako sandali sa kaniya.
"Oo naman. Halo-halo ang naramdaman ko nun. Natuwa na kinabahan na natatakot. Ewan, halo-halo na eh. Alam mo na, hindi maayos 'yung huling sandali na magsakama tayo noon. I thought that you are mad me kaya natatakot ako. Masaya ako dahil nakita kita ulit. Nalungkot ako dahil parang ibang tao ka na nun ng tingnan ako."
"I'm sorry. It just an act. Baka kasi hawak ka pa rin ni Armando ng mga oras na iyon kaya naninigurado lang kami."
"Hm... Let's eat. Luto na 'to." Nakangiting saad ko saka kumuha ng lalagyan at nilagay ang adobong niluto ko.
"Masarap ba 'yan?" Tanong niya kaya tumango naman ako.
"Oo naman. Tara na doon sa mesa." Pumunta na kami sa hapagkainan at naupo naman ito sa tabi ko at pinaglagyan pa ako ng pagkain sa plato.
"Wait here. Kukunin ko lang ang gamot mo." Saad nito at tumayo pero pinigilan ko lang siya.
"Mamaya na."
"No! Take care of yourself or else ako ang mag-aalaga sa'yo." Saad nito at kumindat pa bago tuluyang umalis. Natawa na lang ako saka tumayo na muna para kumuha ng tubig.
Maya-maya lang ay bumalik naman agad ito kaya nagsimula na kaming kumaing dalawa.
"You are really have a skills in cooking, huh?" Saad nito at sunod-sunod na sumubo ng kanin.
"Hinay-hinay lang baka mabulunan ka." Saad ko naman pero ngumuso lang ito.
"Masarap eh. Paborito ko na 'to ngayon."
"Ngayon lang?" Biro ko sa kaniya.
"Syempre habang buhay. Kasi hindi na kita hahayaang mawala pa sa tabi ko.
"Pft. Habang buhay talaga?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
"Oo naman. Bakit? Ayaw mo ba akong makasama forever?" Tanong niya naman.
"Gusto." Gustong-gusto...
Napatitig naman ito sa akin kaya natawa naman ako saka nagtanong. "May dumi ba sa mukha ko? You're looking at me for two minutes straight."
"No. You just.... didn't change at all. Maybe you look mature but no, ang cute mo pa rin. You're still my baby."
"Baby, huh?"
"Yeah, my baby."
Nailing na lang ako saka natawa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Maya-maya ay natapos na rin kaming dalawa at binuhat naman ako nito pabalik sa taas.
Hinayaan ko na lang kasi wala naman akong mapapala kapag humindi ako. Hindi magpapapigil ang isang 'to.
"Hindi ka ba nagsasawa na yakapin ako?"
"Nope. I miss doing this. Parang ayaw ko ng bumitaw." Saad nito dahilan para mapangiti na lang naman ako pero agad din na may naalala kinalaunan.
"Phoenix... I want to go back to the café. Gusto kung kamustahin iyon." Saad ko.
"Of course you can. Pero kapag gumaling ka na, okay? Sasamahan kita."
"Talaga? But, paano ang kompaniya mo?"
"Madami akong tauhan para asikasuhin 'yon. Don't worry about it. Mas importante ka kesa sa kompaniya ko."
"Psh. Ikaw 'tong hindi nagbago. You're still the same Phoenix that I know. You're still saying some corny lines."
"Corny lines? Ako? At sino 'yung nagsabi ng I love you bago umalis, huh?" Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na nag-iwas ng tingin.
"Hindi ko sinabi 'yon."
"Talaga?"
"Oo!"
"Talaga? Sandali, ulitin mo kaya? Parang ang sarap sa pandinig nun eh. I always heard to anyone but I want to hear it from you. Maybe this time, it will be authentic and rare kind of I love you. "
"W-Wala nga akong sinabi."
"Okay. Sige, akin na lang 'yon." Saad nito kaya sinamaan ko naman siya ng tingin pero dumukwang lang ito para halikan ako na agad ko namang tinugon.
"How's your chest? Hindi naman ba malubha 'yung naging tama mo?" Tanong ko at kinapa kung saan ko siya binaril dati.
"Ang galing nga eh. Nang tingnan ng doctor ang tama ko ay wala raw tinamaang ugat na pwede kung ikapahamak."
"Mabuti naman. Pero nakokonseniya pa rin ako..." Kahit saang tingnan ay kasalanan ko talaga iyon dahil ako ang mismong bumaril sa kaniya.
"Don't be, okay? Andito na ako sa harap mo, oh. Maayos na maayos."
"Hindi ka ba talaga galit sa akin?"
"Promise, hindi."
"Eh yung iba?" Tanong ko.
"Hindi rin. Gaya nga ng sinasabi ko ay hinahanap ka rin nila. Naiintindihan nila ang sitwasyon mo..."
"Pero nasaktan ko kayo..."
"Na hindi mo naman ginusto, diba?"
"Pero---"
"No pero pero. Mahal ka pa rin nila."
"Si Krenx... binaril ko rin si Krenx." Ako ang bumaril sa kaniya ng gabi bago mag bagong taon.
"He's fine. He's disappointed ng malaman na ikaw ang bumaril sa kaniya pero hindi siya galit sa'yo. Kung tutuusin ay andoon siya ngayon sa South Korea para hanapin ka. Hindi ko pa kasi nasasabi na nahanap na kita sa kanila kaya hindi pa nila alam at nagpapatuloy pa rin sila sa paghahanap."
"Sabihin mo na! Pinahihirapan mo sila sa paghahanap eh wala naman ako ro'n." Saad ko naman at hinampas pa ang tiyan nito.
"Hayaan mo sila. Alam mo kasi, wala pang mga asawa 'yung mga 'yon. Malay natin... pagbalik nila ay babae na ang kasama, diba?"
"Kahit isa sa kanila?"
"Meron naman. Si Fk. Nang nakaraan may sumugod na babaeng buntis sa mansion at sinabing si Fk daw 'yung tatay ng dinadala niya. Pero ang gago naman ay kinakaila at maski siya ay hindi kilala ang babae. Ayon at pinagdiskitahan ng iba 'yung gago.
"Si Fk? Isip bata 'yon eh."
"Tsh. Coming from you, huh?" Natatawang tanong nito kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.
"I'm not isip bata."
"Then kiss me." Hamon nito.
"Really, Phoenix?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya habang natatawa.
"What? You're not isip bata, right? Then kiss me."
Agad naman akong dumukwang at hinalikan siya sa pisngi saka ngumisi.
"Now, I'm not an isip bata, right?"
"Eh? Halik sa pisngi? Bata lang gumawa nun eh." Nakangusong saad nito kaya natawa naman ako at hinalikan siya sa labi.
"Ayos na ba 'yan?" Tanong ko.
Ngiting-ngiti naman ito saka tumango. "Ayos na ayos na ayos! Isa pa nga."
"Abusado ka na eh." Tumatawang saad ko at saka nahiga na ulit.
Agad naman ako nitong niyakap at bumulong ng kung ano-ano sa tenga ko.
I miss this...
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]
RomanceThe persona of Rin Saito Jimenez has faded away, revealing the true identity of Shun Louisse Carreon. "As I sat in the café, my heart pounded with anxiety at the sight of him once again. His transformation into a more handsome and mature figure stru...