25

906 51 2
                                    

Nang magtanghalian ay agad kung hinanap si Phoenix dahil luto na ang steak na niluto ko para sa kaniya. Pero makakaraan ang halos kalahating oras na paglilibot ko ay hindi ko siya nakita.

"Hx nakita mo ba si Phoenix na umalis?" Tanong ko.

"Hindi eh. Pero hindi ko rin siya nakita mula kanina ng matapos tayong kumain." Napatango na lang ako saka nagpatuloy na lang sa paghahanap sa kaniya.

Pumunta ako sa second floor at doon naghanap sa kaniya dahil baka tumatambay lang ito sa kung saan.

"Ang laki pa naman ng bahay." Naibulong ko na lang saka napabuntong-hininga at nagpatuloy na lang sa paghahanap sa kaniya.

Pero makaraan ang ilang sandali pang paghahanap ay wala pa rin akong nakitang Phoenix.

"Hey baby, may hinahanap ka ba? Kanina ka pa ikot ng ikot sa buong bahay. Ako nahihilo sayo." Saad ni Mommy Mexx kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Nakita niyo po ba si Phoenix? Kanina ko pa kasi hinahanap eh."

"Hindi baby eh. Why not call him?" Suhestiyon nito kaya napatango naman ako at kinapa ang bulsa pero wala ang cellphone ko doon.

Naiwan ko sa kwarto...

"Hindi ko dala 'yung cellphone ko eh." Saad ko naman at nakamot na lang ang sariling noo.

"Use mine." Bigay nito ng hawak na cellphone kaya ngumiti naman ako saka agad na idinial ang numero ni Phoenix.

Pero nagriring lang iyon at walang sumasagot. Sinubukan ko pa ulit sa pangalawa, pangatlo at pang- apat na beses pero wala talaga. Nagriring lang talaga iyon.

"Hahanapin ko na lang siya. Baka hindi niya dala ang cellphone niya eh." Saad ko na lang at ibinalik ang cellphone nito.

"Do you want me to help you?" Tanong niya pero ngumiti lang ako saka umiling.

"You rest, Mom." Saad ko saka nagpaalam na saka hinanap na ulit si Phoenix sa third floor dahil baka andodoon siya at naglalaro ng billiards pero si Krenx at 'yung iba lang 'yung naabotan ko dun.

Panghuli ko ng pinuntahan ay 'yung itaas mismo. Sa bubong kung nasaan may swimming pool. Baka andoon siya at lumalangoy kahit na alam kung sa baba siya palaging nagswi-swimming dahil may swimming din doon. Pero wala pa rin siya doon kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Bahala ka." Singhal ko saka nagpapapadyak na bumaba at dumeritso sa kwarto.

Maliligo na muna ako dahil ang lagkit-laglit ko na dahil sa pawis. Pero pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kung naabotan si Phoenix na nakatayo sa harapan ko at basa 'yung buhok.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag?" Galit na tanong ko sa kaniya.

"Galing akong banyo." Dahilan niya.

"Hindi mo ba alam na nilibot ko 'yung buong mansion para lang hanapin ka? Kung tungkol doon sa kanina kung bakit ka nagkakaganiyan, nagbibiro lang ako. Hindi ako galit sayo pero ngayon oo, galit na ako. Punyetang 'yan. Naghanap ako sa hangin, andito ka lang pala." Sigaw ko dahil sa labis na inis.

"Kasalanan ko ba? Hindi ko naman sinabing hanapin mo'ko eh." Malamig na saad nito.

Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata saka napatango-tango. "Ganon ba? Sige, bahala ka sa buhay mo! Huwag na huwag mong kakainin ang mga niluto ko. Dahil ipapasuka ko lahat 'yun sayo kapag nalaman kung kinain mo! Gago ka! Gago!" Galit na sigaw ko saka agad na dumeritso sa banyo at inilock iyon.

Siya pa ba ang may balak na magalit? Tangina niya. Bahala siya diyan.

Nanatili lang ako sa loob ng banyo ng mahigit sa isang oras bago tuluyang lumabas.

Napaubo naman ako saka habang tinutuyo ang buhok ko. Parang nilalamig ako. Bwesit na 'yan.

Agad akong kumuha ng jacket saka idinoble iyon sa suot ko saka agad na pumunta sa kama at binalot ng kumot ang buo kung sarili. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dahil siguro sa pagod...

Pero nagising ako ng maramdamang may gumagalaw sa tabi ko at nakita si Phoenix na alalang-alala na nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko at agad napaubo.

"I'm sorry... I'm sorry for what I did. Baby, I'm sorry. I'm just so jealous kanina ng makita kang masaya habang kausap si Pharex. Tapos...biglang sinabi sa akin ni Mommy na hinanap mo nga raw ako sa buong bahay at nilutuan pa ng tanghalian. Baby, Sorry."

Kaya pala ganoon ang trato niya kanina sa akin...

"Gago ka. Isa kang malaking gago." Saad ko pa at napaubo na naman.

Ano bang nangyayari sa akin...

Kinuha ko naman ang kumot saka balak sanang uminom ng tubig pero agad ring napabalik ng bigla akong lamigin ng matindi.

"May kailangan ka ba? Ako na kukuha. May lagnat ka, baby. Kaya kailangan mong magpahinga. Ako ang may kasalanan nito eh." Saad niya habang nakayakap sa akin.

Kahit kailan talaga ay masyado akong sakitin. Tsk.

"Gago ka." Saad ko pa rin.

"Yeah. Yeah. Gago nga ako siguro dahil sa ginawa ko. I'm sorry, baby. I'm sorry. Sandali, kukuha ako ng gamot at tubig. Para gumaling ka na agad." Balak sana nitong tumayo pero pinigilan ko agad siya.

"Stay here o matutulog ka sa labas." Pagbabanta ko sa kaniya.

"But you need to drink some medicine , baby. Para gumaling ka na. Ayaw ko ng ganito na may sakit ka lalo na at ako 'yung may kasalanan."

"But I need you the most rightnow. Nilalamig ako kailangan kita." Mahinang sambit ko.

Unti-unti namang yumakap sa akin ang maiinit nitong braso kaya napapikit na lang ako. "Then I'll stay here."

"Don't do that again. You're hurting me when you're mad at me. I don't want that." Saad ko.

"I'm sorry. I love you, okay? I'm sorry. I won't do that again." Saad nito at hinalikan ang noo kung nakalabas mula sa kumot.

"Gago ka pa rin." Saad ko.

"Yeah. I'm a gago." Pag-amin naman nito kaya napangiti na lang ako ng bahagya at mas lalong yumakap sa kaniya.

Ang init-init niya. Pakiramdam ko ay nanunuot sa katawan ko ang init na nagmumula sa kaniya. Nawawala ang lamig na nararamdaman ko...

THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon