Kinabukasan ay kinausap namin ang iba tungkol sa napagplanuhan namin ni Phoenix. Wala naman silang naging problema doon at pumayag sila na sila na muna ang mamahala dito kapag nasa Manila na kami.
Sinabi ko na sa susunod na mga araw na lang kami pupunta sa Manila dahil ayaw ko pang iwan ang café. Gusto ko maayos na lahat bago kami umalis.
"Ano po sa inyo, Tatay?" Nakangiting tanong ko sa matanda na palaging bumibili dito.
"Magkano ang isang box ng cake niyo, Iho?" Tanong nito habang nakatingin sa kulay pink na cake.
"Birthday po ba ng anak niyo?" Tanong ko.
"Ah hindi... Sa asawa ko. Pinag-iponan namin ng mga anak ko para makabili kami." Nakangiting sagot niya.
Nagulat naman ako ng biglang ibigay ni Phoenix ang isang box ng cake na tinitingnan ng matanda saka may isa pang box na cupcakes naman ang laman. "Take it po. No need to bayad na that. It's our gift. Save your money for your family." Saad nito habang nakatingin kay Manong na halatang nagulat rin. Napangiti na lang ako saka kinuha ang kamay ng matanda at inilagay roon ang box.
"Kunin niyo na ho. Regalo na namin 'yan sa inyo dahil palagi kayong bumibili rito." Saad ko.
"Pero ang dami mo ng ibinigay sa akin... Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabaitan niyo." Saad nito.
"Hindi po kami naghahanap ng kapalit. Mahalin niyo lang ang pamilya niyo." Sagot ko pa kaya napangiti naman ang matanda saka tumango.
"Sana bigyan kayo ng maraming biyaya dahil sa kabaitan niyo." Sambit nito at tuluyang nagpaalam at nagpasalamat dahil baka gabihin siya kapag nagtagal pa siya.
Ngumiti naman ako kay Phoenix dahil sa ginawa nito. "Bait naman ng future asawa ko." Saad ko dahilan para sumilay naman ang malapad na ngiti sa mukha nito.
"Edi dapat may halik ako, diba?" Saad niya at napahiyawan naman ang mga tao na nakikinig pala sa amin. Pinamulahan naman ako at napakamot ng ulo.
"Give your husband a kiss, Sir!" Sigaw ng isang babae na nasa pila at nakacollege uniform.
"Kyaaaa! Nakakakilig kayo!" Sigaw naman ng isa pa dahilan para lalo akong pamulahan.
Ito ang nagustuhan ko sa mga taong bumibisita dito sa café. Hindi sila nanghuhusga sa kung ano mang relasyon namin Phoenix. Mababait sila at suportado pa kami. Pero merong iilan na hindi rin nagagandahan sa nakikita at hindi na bumabalik pa dito. Well... Hindi naman lahat ng tao ay nakakaintindi nun.
Nagpatuloy na lang kami sa pagtatrabaho at hindi na inisip pa iyon. Masyadong maganda ang mood ko ngayon para masira lang.
"Three box of cherry pumpkin bread, Kuya Shun. Tsaka dalawang ube milk tea na large size." Order ni Ari. Inihanda muna namin iyon ng ilang sandali bago tuluyang ibigay sa kaniya at kunin ang bayad. Kumaway pa siya sa amin bago tuluyang umalis kaya kumaway rin ako at nagpatuloy na ulit sa pag-aasikaso sa mga costumers.
Nang magtaas ako ng tingin ay agad pa akong natigilan nang makita ang isang bulto ng tao na nakatingin sa akin mula sa kabilang kalsada. Hindi ko makita ang mukha nito pero halatang ako ang tinitingnan nito. Bahagya pang tumagilid ang ulo nito na para bang binabasa ang mukha ko. Kinabahan naman ako at hindi nagawang makakilos. Nakatingin lang ako sa taong iyon na hindi pa rin inaalis sa akin ang kaniyang paningin.
"... Shun."
Napakurap-kurap naman ako at napatingin kay Phoenix. "Ayos ka lang? Kanina pa kita tinatawag." Saad nito kaya agad naman akong tumango.
"A-Ayos lang ako." Sagot ko at nagpilit ng ngiti saka inilista na ang order ng babae na nasa harapan ko. Sumulyap pa ako sa labas at agad na natigilan ng makitang bigla na lang nawala doon ang taong nakatayo. Nagpalinga-
linga pa ako pero hindi ko na talaga siya nakita pa.Napabuntong-hininga na lang ako at finocus na lang ang atensiyon sa ginagawa. Agad naman akong nawili sa ginagawa kaya tuluyan ko ng nakalimotan ang lalaking iyon.
"Sa labas tayo kakain ngayon." Saad ni Phoenix matapos kaming pumasok sa may back door.
"Talaga?" Masayang tanong ko at tumango naman ito saka ngumiti.
"Yeah. Kunin mo na ang bag mo at aalis na tayo." Tumango naman ako at agad na kinuha ang bag ko at nagpaalam pa sa mga kasama namin saka bumalik sa kung saan si Phoenix.
Agad naman kaming lumabas at sumakay sa kotse niya. "Saan tayo kakain?" Tanong ko at sinuot ang seatbelt ko.
"Hm. It's a secret for now. Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo doon." Pabitin pa nito kaya napanguso naman lang ako pero agad din na nagulat ng halikan niya na lang ako bigla. Hinampas ko naman ang dibdib niya saka sinamaan siya ng tingin.
"Baka may makakita sa atin." Saad ko pero nagkibit-balikat lang naman siya.
"Wala akong dapat ikahiya. Mahal ko naman yung hinahalikan ko." Saad niya at pinaandar ang kotse. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi nito.
Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan naman kaming nakarating sa tinutukoy niya at napahanga na lang ako dahil mukhang yayamanin ang lugar. Nakapunta na ako dito ng nakaraan nung isama ako ni Ate Reh. Pero nakakahanga talaga ang kainan na ito. Pwede kang mamili kung saan mo gustong kumain. Japanese, Korean, Filipino, Italian at kung ano-ano pa. Bawat floor ay iba't-ibang klase ng kainan.
Napili namin na kumain sa Seventh Floor na Japanese Restaurant. Tumabi ako kay Phoenix dahil hindi ko alam ang ibang pagkain kaya tinuturuan naman ako nito kung anong pagkain ang mga nasa menu.
"Masarap kaya 'to?" Turo ko sa isang dish na mukhang masarap base sa picture.
"Yeah, it's good." Agad ko namang sinabi sa waiter na iyon ang akin at nagturo pa ako ng ilan pang pagkain na gusto ko. Si Phoenix ay umorder din. Pareho naman kaming naghintay ni Phoenix at nag-usap na lang kami sandali.
"Ang mahal ng mga benebenta dito." Saad ko.
"Pero mas mahal kita." Saad nito dahilan para matawa naman ako.
"Mga biro mo." Naiiling na sabi ko.
"Ano? Totoo naman ah." Sagot nito habang natatawa na rin.
Maya-maya ay dumating na ang pagkain namin kaya nagsimula naman kaming kumain pero nag-uusap pa rin at nagtatawanan.
"Phoenix?"
Pareho naman kaming napalingon sa taong nagmamay-ari ng boses na tumawag kay Phoenix. Napataas na lang ang tingin ko sa kaniya dahil sa taas nito.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 03) [COMPLETED]
RomanceThe persona of Rin Saito Jimenez has faded away, revealing the true identity of Shun Louisse Carreon. "As I sat in the café, my heart pounded with anxiety at the sight of him once again. His transformation into a more handsome and mature figure stru...