Chapter 12

2K 35 6
                                    

MAKING YOU MINE.

Tila bombang sumabog sa pandinig ni Aria ang sinabi ni Ravince at gumuho ang pag-asa niyang magiging maayos ang relasyon nila at matatanggap siya nito para sa ama nito.

How can he accept her for his father kung ang nais nito ay angkinin siya?

Pinanlamigan siya lalo nang bumababa ang mukha nito sa kanya. Iniwas niya mukha bago pa man nito maangkin muli ang mga labi niya.

"H-how could you say that, Ravince? H-how could you do this to me? How could you do that to your dad?" Hindi niya mapigilang mapahagulhol. She can no longer handle this man.

"Hush, baby.. I didn't mean to want you. Nagising na lang ako na hinahanap kita. Can you blame me? I have feelings too. Tao rin ako gaya niyo ni dad," kalmado pero mariin na sagot nito.

Hindi makapaniwalang hinarap niya ang mukha ng binata. Seryusung-seryuso ang mukha nito at matiim ang mga matang nakatitig sa kanya na mayroong emosyon na hindi niya mapangalanan.

"A-anong klasing reasoning yan, Ravince? Respeto, yun ang dapat. Respect your dad's relationship with me. Iyang pakiramdam na sinasabi mo, mali yan. Please stop this. Maraming ibang babae dyan. Huwag ako." Patuloy ang pagbuhos ng luha niya sa samut-saring emosyon.

Nag-igting ng mga panga nito at ang pagtalim ng mga mata nito. Natatakot na naman siya rito lalo na't bilanggo siya ng nito ngayon. She feels so helpless.

"Respect? Did dad even respect the memories of my mom? Did he?!"

"So this is all about your mom? Kaya ka galit sa dad mo at sa akin? Kaya ba gusto mo kaming guluhin? Kaya ba gusto mo angkinin ako dahil gusto mong saktan ang dad mo sa pamamagitan nun?! Ganun ba yun, Ravince?! So this is all about revenge?! Ganyan ba kabato ang puso mo?!" Bumuhos na lahat ng emotion ni Aria at hindi na niya napigilang sigawan ito sa pagmumukha nito.

Bakas ang pagkabigla sa mukha ng binata pero agad din itong nakabawi at ngumiti pa sa kanya ng matamis. Ang bilis magbago ng  expression nito na lalong nagpapatindi sa kaba niya.

"Hey, don't get me wrong. It's not about revenge, baby. I just want you.." Now he has a sly smirk on his face.

"Get lost." Hindi niya mapigilang sambit.

Natawa lang ito sa tinuran niya. He looks so amused and it's insulting her. Tinatawanan lang nito ang nararamdaman niya.

Hinapit siya nito sa baywang at ito mismo ang nagbangon sa kanya sa mula sa pagkakahiga sa ilalim nito. Nakaupo na sila ngayon sa kama at hindi parin siya nito binibitiwan. Gamit ang mga daliri ay pinunasan nito ang mga luha sa pisngi niya. Marahas niyang tinabing ang kamay nito.

"I'm sorry, baby. I know you're mad but let's stop this argument for now."

Saglit na natulala si Aria at nablangko siya. Ganun na lang yun? Sorry, tapos? Baliwala na lang ang nararamdaman niya sa ginagawa nito?

"You're ridiculous, Ravince. Ganun na lang ba--"

His lips stopped her words. It was quick but a tender kiss. Nayanig ang mundo ni Aria sa bilis ng pangyayari. Nakahalik na naman ito sa kanya. Ilang beses na?

"Let's get up. I'll cook breakfast." Mabilis itong umalis ng kama at lumabas ng silid nito. She was left dumbfounded.

Nag-uunahang tumulo na naman ang mga luha niya nang matauhan sa nangyari habang napapahawak sa mga labi niya. Galit din siya sa sarili niya dahil napakahina niya, napakatanga niya. Hindi man lang niya kayang pigilan ito sa advances nito.

Nagkulong si Aria sa kwarto nila ni Henry buong umaga. Kung hindi lang talaga kumakalam ang sikmura niya ay hindi siya lalabas ng kwarto.

Kinakabahan siya habang tinatahak ang daan pababa ng bahay. She has no choice but to face him. Nasa iisang bubong lang sila kaya kahit anong iwas niya ay magkikita parin sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trap Series 1: Seduced By My Step SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon