Chapter 8

6.4K 63 6
                                    

Buti na lang at hindi nakalock ang kwarto ni Ravince sa bahay kaya napasok niya. Dahil kung hindi, manghihiram na lang siya sa mga damit ni Henry para sa anak nito.


Ngayon lang siya makakapasok sa kwarto nito. Nang nasa loob na siya ay una niyang napansin ang black and white na combinasyon ng kulay ng kwarto nito maging sa kagamitan doon na halatang mamahalin. He has a good taste, she must say.


Kumuha agad siya ng iilang damit sa walk-in closet nito at inilagay sa bakanteng bag na nandoon, pagkatapos kuhanin ang lahat ng kailangan ay bumalik agad si Aria ng hospital. Tulog na si Ravince nang nakabalik siya. Ihahatid niya lang ang ilang gamit na nakuha at umuwi agad dahil lumalalim na ang gabi at may oras pala kung hanggang kailan lang pwede ang bisita sa pasyente.


Tinitigan niya ito na mahimbing na natutulong. Napakaamo nito tingnan pag tulog. Animo'y anghel. Pero pag gising ito, malademonyo. Nakakatakot at nakakapanlumo.


Inilagay niya ang bag na may ilang gamit nito at inilagay sa lagayan ng gamit sa gilid ng kama. Tinapunan niya ng tingin ang binata bago tuluyang umalis. Babalik na lamang siya bukas ng umaga bago siya pupunta sa trabaho.


Kinabukasan maaga pumuta ng hospital si Aria. Dinalhan niya ito ng pagkain dahil baka 'di nito kainin ang rasyon. Baka kasi ay mapili ito sa pagkain. Hindi nga siya sigurado kung kakainin nito ang niloto niya.


Pumawala siya ng malalim na hininga at inihanda ang sarili bago tuluyang pumasok sa room ni Ravince. She will try her best to control her fear and to act like nothing happened.


Natagpuan niya itong nakatingin sa labas ng bintana. Pansin niyang nasa bedside table na ang rasyon ngunit hindi iyon nagalaw.


"Bakit hindi ka pa kumakain?"


Bumaling ito sa kanya. May kung anung kislap ang nakita niya sa mga mata nito pero agad ding nawala at napalitan ng blangkong expresyon. Marahil ay namalikmata lang siya.


"I can't. Masakit ang braso ko," sagot nito. But he still have an uninjured arm. Mabigat ba ang kutsara para mabinat ito?


"Feed me. Gutom na ako," walang emosyong saad nito.


Ang isiping siya ang susubo sa pagkain nito tila gusto na niyang umatras. Pero hindi. She has to do this. Kailangan niya itong tulungan sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya.


"I don't like their food here. I wanna eat something else."

"May dala akong pagkain." Inilapag niya sa table ang dalang plastic bag ng pagkain.


"You bought that?"


"Niluto ko," tipid niyang sagot. Inilabas niya ang mga pagkaing dala na nakalagay sa Tupperwares . Sapat lang ito para pang-agahan.


Umupo siya sa upuan sa gilid ng kama. "Tikman mo muna. Kung 'di mo magustuhan, ibibili na lang kita ng iba."


Blangko parin ang mukha ng binata. Hindi maiwasan ni Aria na kabahan. Ano kaya ang iniisip nito? The atmosphere is quite heavy between them.

Trap Series 1: Seduced By My Step SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon