Chapter 4

11.2K 91 4
                                    


"Oh my God! Aria! Ravince, what happened?!" takot at tarantang bungad ni Henry nang makita nito si Aria bisig ni Ravince. Puno ng luha ang magandang mukha ng dalaga habang nahihirapan ito sa paghininga.

"S-she just dropped the glass and got wounded---" Hindi agad nakasagot si Ravince dahil sa halu-halo nararamdaman niya sa mga oras na ito. At mas nangingibabaw dito ang takot. Nabablangko ang kanyang isip!

"What?!" Lalong gumuhit ang matinding takot sa mukha ng kanyang ama nang makita ang sugat ni Aria sa binti na patuloy na dumudugo ito.

"Oh God, Ravince! She has a hemophobia!"

Namanhid ang katawan ng binata sa narinig mula sa ama at lalo siyang nilukob ng matinding takot.

"S-shit! Shit! T-this is all my fvcking fault!" Mabilis niyang binuhat ang dalaga at tinakbo sa sasakyan niya. Sumunod agad ang ama niya at tinakbo nila ang dalaga sa ospital.


Wala nang pakialam si Ravince kung makasuhan siya ng overspending sabilis ng pagmamaneho niya. Ang mahalaga ay madala niya sa hospital si Aria sa pinakamaikling oras.


Pagkarating ay sinalubong agad sila ng ilang hospital stuffs.


Naitulos na lang si Ravince sa kinatatayuan niya. Nanghina ang buong katawan niya habang nakikita ang paghihirap ng dalaga na ngayon ay tinatakbo sa emergency room ng hospital.


"Calm down. Please.. Breathe, Aria! Breath, please!" He could see his dad in panic habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ng dalaga.


He's feeling it again. Iyong naramdaman niya nang noo'y makita ang kanyang inang unti-unting namamatay sa harapan niya. He doesn't know why he has to, but he's so fvckin' damn terrified at this moment!


"Hanggang dito na lang po kayo, sir. Kami na po ang bahala," sabi ng doktor bago tuluyang ipinasok sa emergency room si Aria at isinarado ang pinto ng silid. Naiwan siyang tulala at ang ama na nanlulumo.


"Fvck! Shit!" Halos mapasabunot siya sa sarili niya bago walang paalam na iniwan ang ama at lumabas ng hospital at pinaharurot ang sasakyan.


Habang namamaneho siya nagfaflash ang nahihirapan at umiiyak na imahe ni Aria sa isipan niya. May kung anong sumasakal sa dibdib niya kaya bigla niyang nahigit ang preno ng kanyang sasakyan dahilan para sumagitsit ito bago tuluyang tumigil sa gilid ng kalsada.


"Why the fvck am I feeling this?! Fvck it!" Pinaghahampas niya ang manibela ng kanyang sasakyan habang nagsisigaw. He's damn bothered of what he's feeling right now. Bakit ganito? Bakit ganito na lang ang pag-aalala niya para sa dalaga? It must be guilt. Right. Guilt lang itong nararamdaman niya.


"Yeah. I am just guilty. Yun lang yun. Yun lang," he's trying to convince himself. He stilled for minutes bago nagdesisyong umuwi na lang ng condo niya.


Kailangan niya ng pampakalma.


NAGISING si Aria sa isang puting kapaligiran.


"Hon? Thank God.. Finally, you're awake."


"Henry.." Namutawi ang ngiti sa kanyang mga labi nang masilayan ang kasintahan sa tabi niya.


"How are you feeling?" Alalang tanong nito.

"O-okay na ako. I'm sorry kung pinag-alala na naman kita. Hindi ako naging maingat."

"Don't say sorry, Hon. It was an accident. Walang may gusto nun." He caressed her cheek. Pasimpleng inilibot ni Arian ang tingin sa silid na iyon. She felt relieved nang hindi niya nakita ni anino ng lalaking ayaw na ayaw niyang makita.


"Maiwan muna kita, hon. I'll just call the doctor to check you up.." Ginawaran siya nito ng halik sa noo na ikinangiti niya.


May ilang examination pa ang ginawa ng doctor sa kanya. Sabi ng doctor maaari na raw siyang idischarge kinabukasan.


"Hon, uuwi muna ako sa bahay para kumuha ng ilang gamit mo. Magpahinga ka na para mas bumuti ang pakiramdam mo."


"Okay, hon.." ngiting tango niya. Ginawaran siya nito ng halik sa noo bago tuluyang linisan ang silid.


Bigla namang naalala niya ang nangyari kanina. At bigla ring nanumbalik ang takot sa dibdib niya lalo na't nag-iisa na lamang siya sa hospital room na iyon.


She's praying he won't show up dahil hindi niya na talaga alam ang gagawin niya pag lumapit ulit ito sa kanya. She feels so scared and helpless even with just the thought.


Muli na rin niyang ipinikit ang mga mata sa kabila ng kaba at takot. Pero marahil ay dala ng mga gamot na pinainom sa kanya ng doctor ay kalaunan ay nahimbing na ulit ang tulog niya.


MARAHANG pinihit ni Ravince pabukas ang pinto sa hospital room kung nasaan si Aria. Sinilip niya ito pagkabukas niya at naabutan niya itong mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito.


He stared at her beautiful and innocent face. Tila isa itong anghel sa ganda nito. A breath-taking angel.


Bumalik naman sa isipan niya ang luhaang mukha nito kanina. Ang paghihirap nito. And he's feeling it again. The feeling of guilt as how he names it.

"I'm sorry. I didn't know." He tried to touch her cheek pero binawi niya rin agad ang mga kamay niya. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatang hawakan ulit ni hibla ng buhok nito simula nang napahamak ito sa mga kamay niya kanina. And he fvckin' hates the feeling.

Mapait siyang napangiti. "You should be the one to feel guilty because of ruining my relationship with my dad, but here I am feeling it instead."

He just stares at her for minutes at ang dami na niyang naiisip. "Can I really make your life a living hell? 'Cause right now, it's me who's starting to feel like hell because of your existence."

"Hmm..." Natauhan si Ravince nang umungol ang dalaga na tila nagigising na sa tulog nito. Ang isang parte ng utak niya sinasabing lisanin niya na ang silid at huwag magpakita rito, but the other side of his brain orders him to stay and face her.


Tuluyan nang nagmulat ng mga mata ang dalaga and their eyes met.

At halos mapamura si Ravince nang makita sa mga mata ng dalaga ang matinding takot. Takot para sa kanya.


Tiim-bagang niyang tinalikuran ang dalaga at lumabas sa silid na iyon ng walang salita.


Nalamukos niya ang sariling dibdib.


He's fvcked up. Like hell.

Trap Series 1: Seduced By My Step SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon