Chapter 9

6.2K 63 18
                                    

"Gusto kong maligo. Tulungan mo ako." Iyon agad ang sabi ni Ravince pagkarating ni Aria galing sa trabaho. Naabutan nya ito sa sala habang nanonood ng palabas.


Natigilan si Aria. Tulungan kamo itong maligo? Sasama siya sa loob ng banyo at papaliguan ito?


"A-ano?" Gulat na bulalas niya.


"Bakit ganyan mukha mo? What are you thinking? Ihatid mo lang ako sa banyo ko. I'll manage myself." Natatawa pa ito sa kanya.


Pakiramdam ni Aria nag-init ang mukha niya. Iba naman kasi ang dating ng sinabi nito sa kanya!


"Klaruhin mo nang di ko ma misinterpret. " Nagsalubong ang mga kilay niya.


"No, masama ka lang mag-isip." Ngumisi ito ng nakakaloko at biglang gusto niya itong kalmutin.


"Magpapalit muna ako ng damit." Deretso siyang umakyat sa kwarto nila ni Henry at nagpalit ng pambahay pagkatapos ay lumabas din agad siya.


Halos mapasigaw at mawalan ng balanse si Aria sa gulat nang paglabas ay nasa tapat ng pinto si Ravince. Tila nag-aabang ito sa kanya.


"Oh sorry, nagulat ba kita?" patay-malisya nitong tanong. "Tayo na sa loob ng kwarto ko." Nauna itong naglakad at wala siyang magawa kundi ang sundan ito.


Sumikbo ang kaba at pangamba sa dibdib ni Aria. Sana ay wala itong masamang balak sa kanya. Siguro ay kahit papaano ay nabawasan ang takot at hinanakit niya rito but she can't fully trust him.


Nang nasa tapat na siya ng silid nito ay pumawala muna siya ng malalim na hininga. She slowly walked inside his room. 


Hindi alam ni Aria ang gagawin. Nakatayo lang siya sa loob ng kwarto nito. Lumabas mula sa walk-in closet si Ravince at may dalang tuwalya. Sinundan niya lang ito ng tingin nang umupo ito sa kama. Inilapag nito ang tuwalya.


"Can you help me? Nahihirapan ako." Nakahawak ito ngayon sa laylayan ng t-shirt nito. Ibig sabihin nagpapatulong ito sa paghubad ng damit.


Halos mabato siya sa kinatatayuan. Lalakasan na lamang niya ang loob. Lumapit siya rito at tumabi rito ng upo sa kama. Nag-aalangan pa siya pero kailangan niya itong tabihan.


He changed position and he's facing her now. He's not saying a thing and his face is emotionless.


Lalong kinabahan si Aria. Ang lapit nito at nakatitig sa kanya.


Sinimulan niyang i-angat ang suot nitong t-shirt. Halos papikit niyang ginawa iyon.


Unang bumungad sa paningin niya ang abs nito. Tila ang tigas ng mga iyon. Hindi maiwasan ni Aria na bilangin kung ilan iyon. Six packs.


Tila nanuyo bigla ang lalamunan ni Aria at halos manginig ang mga kamay niya nang may inangat pa niya ang damit nito. He automatically raised his arms kaya nahubad niya agad ang damit nito.

Trap Series 1: Seduced By My Step SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon