OPPOSITE 1

178 14 0
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

OPPOSITE 1

SYREINE SOUTH CHAVEZ

Nagising ako dahil sa tunog na naririnig mula sa ilalim ng unan ko, kahit inaantok pa ay kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag na ganito ka aga. Nagkakamot ng ulo na umupo ako at bagot na sinagot ang tawag niya. Aga aga naman kasi nang-iistorbo ng tulog ang lalaking to.

"Napatawag ka?" bagot na tanong ko sa kabilang linya, narinig ko naman ang malalim na pag buntong-hininga niya.

"It's time to school"

Pagkasabi niya nun ay agad kong tiningnan ang orasan na nakasabit sa taas ng pintuan ko. Mag aala-syete pa lang kaya ng umaga. Tangina talaga nitong lalaking to.

"Ala-syete palang ng umaga, patulu—"

"Nandito ako sa labas ng bahay niyo" putol nito sa akin kaya nanlaki agad ang mata ko.

'hayop! bakit hindi niya agad sinabi?!'

Dali-dali akong tumayo at naglakad palapit sa bintana, at agad ko naman itong nakita na nakalapat ang likod nito sa kotse niya at magka-cross ang mga paa nito. Nasa isang tenga ang kamay kung saan hawak niya ang cellphone nito at ang isa ay nakapamulsa.

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya umangat ang mga tingin nito sa bintana ko. Agad niya akong binigyan ng tipid na ngiti at ibinaba ang kamay na may cellphone tsaka pinatay ang tawag. Binalik niya ulit ang tingin sa akin tsaka niya itinaas ang kamay para kumaway. Binigyan ko naman ito ng isang irap bago umalis sa bintana at dumiretso sa banyo.

Tss, kahit kailan talaga yon. Hindi muna ipaalam na pupunta sa bahay ko, kaya nagugulat na lang ako kapag sinabi na niya. Binilisan ko na lang ang pag kilos ko para hindi na maghintay ang lalaki sa baba. Nang matapos ay agad akong lumabas ng kwarto ko, sakto lang ang bahay namin. Hindi naman ako mayaman, isang palapag lang at kapag papasok ka sa pinto ng bahay ay agad mong makikita ang sala tsaka hapagkainan, studio type ba.

Sakto namang lumabas ang nanay ko galing sa kusina, pinagawa ng kapatid ko ang pinto para mahati iyon at gawing kusina. Mabuti na lang at may pera yon, kailan kaya bibisita yon? At ng mahuthutan na naman ng pera. Napatingin naman si nanay sa akin kaya binigyan ko siya ng ngiti.

"Hindi na ho ako kakain dito nay" naglakad ako palapit sa kanya at nagmano "Alis na ho ako"

"Ikaw South ha! Wag mag basag-ulo ngayon! Darating ang kapatid mo mamaya" nilagay niya ang mga pagkain sa lamesa tsaka namewang sa harap ko "Tsaka bakit ka ba nagmamadali? Sabihin mo nga.." napakamot ako sa ulo dahil nag-uumpisa na naman ang bunganga niya.

"Ano na naman ba yun nay? Kainis naman oh!" naglakad ako paalis sa harap niya at kinuha ang bag ko sa sala.

"Ikaw ba'y may nobyo na ha Syreine South?" agad naman akong napatingin sa kanya.

"Nay naman! Bad words yan!" inis ko itong tiningnan at huminga ng malalim "Lalaki tong anak mo oh?!" umikot pa ako na para bang siga sa kanto namin.

Dinuro naman niya ako "Tumigil ka South! Nasaan na ba ang hanger ko?" naglakad ito papunta sa pwesto ko kaya agad akong naglakad ng mabilis palabas ng bahay "Bumalik ka ditong bata ka!"

Nagkakamot ng ulong lumabas ako bahay, doon nadatnan ko siya na ganoon parin ang pwesto niya. Naglakad ako papalapit dito kaya agad itong umayos ng tayo ng makalapit ako sa kanya. Yumuko naman ito para humalik sa pisngi ko tsaka tiningnan ako ng maigi.

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon