OPPOSITE 8

67 10 0
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

OPPOSITE 8

SYREINE SOUTH CHAVEZ

Dahil sa nangyari kanina ay hindi na ako bumalik sa canteen kaya hindi na ako nakakain ng tanghalian. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko na para hindi lang masuntok ang kuya nung kasama ko kanina. Halata naman kasing nang-aasar lang ang lalaking iyon, siya yung lalaking sinabihan ako kanina na jongoloids. At hindi ko alam ang ibig sabihin ng sinabi niya, at talagang sinadya niya pang itulak ang kapatid niya.

'walang kwentang estudyante!'

Inis akong umupo sa ilalim ng puno na nakita ko rito sa gilid kung saan nakaharap sa field. Kaya kitang-kita ko ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer sa kabilang side, at ang malapit sa gawi ko na mga estudyanteng nag babasketball. Huminga ako ng malalim at humalukipkip na pumikit, isinandal ko ang ulo at likod ko sa katawan ng puno para makomportable ako sa posisyon ko.

Sa mga nangyari kanina sa akin ay parang sinasabi ng totoo ang mga kutob ko na hindi maganda ang pag-aaral ko rito sa paaralang ito, ibang-iba sa dati at sa probinsya. Kahit maliit ang paaralan doon ay hindi ganito ang mga estudyante, oo may mga basag-ulo pero yung wala kang ginagawa tapos pag titripan ka? Aba, iba na ata yan. O ako lang talaga ang nakakaramdam ng ganoon? Bumuntong-hininga na lang ako at plano na sanang matulog ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Syreine?" kumunot ang noo ko dahil sa pamilyar na boses nito. "Sy? Are you asleep?" imbis na magmulat ay hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na nakapikit. "Paupo ah" naramdaman ko namang umupo siya sa harap ko. "Pagpasensyahan mo na pala ang ginawa nung tatlo sayo" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya "Hindi ko alam na ganito ang gagawin nila sayo, hindi naman kasi ganun ang mga yun eh. Kahit ako hindi—" hindi niya natapos ang sasabihin ng magmulat ako.

Diretso ko itong tiningnan sa mga mata, inaalala ko kung saan ko siya unang nakita dahil sa tanong niya kanina sa canteen. Kumunot ang noo at sumakit lang ang ulo ko dahil sa pilit kong inaalala pero wala akong mahita. Tss, imposible namang hindi ko pa ito nakita eh kilala niya ako. Ganito kasi ako, kapag hindi naman importante na nangyayari sa buhay ko ay makakalimutan ko talaga ang mga iyon, pwera na lang kung ipaalala mo.

"Paano mo ako nakilala?" tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.

"H-ha?" nakamaang na sagot niya kaya huminga ako ng malalim at umayos ng pagkakaupo.

"Paano mo ako nakilala?" ulit na tanong ko na ikinagulat niya ulit.

'peste! ano ba ang nakakagulat sa tanong ko?'

"H-ha?"

"Paano mo ako nakilala?" walang emosyong tanong ko na ulit sa kanya.

"A-ah hehehe" nagkamot siya ng ulo tsaka umayos rin ng upo at inayos ang buhok. "Nakilala kita sa Pampanga, remember mo yung babaeng pumasok sa room niyo at sinabing para sa exchange students ang pinunta niya roon?" tanong niya sa'kin dahilan ng pagsalubong ng kilay ko.

Meron bang babaeng pumunta nun sa school? Tss! Sumakit lalo ang ulo ko dahil sa tanong niya.

"Kailan yon?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Last week lang, Friday" sabi niya habang binubuksan ang wrapper ng sandwich na binili niya kanina sa canteen.

Friday?

Ah, siya pala yung babaeng kasama ng teacher namin non. Napatingin ako sa kanya habang inaalala ang mukha niya nung araw na iyon. Malayong malayo kasi ang pag-uugali niya nung araw na iyon. Mahinhin at palangiti ang babaeng iyon pero ang kaharap ko ngayon ay makulit pero palangiti rin. Kaya hindi ko agad naalala na siya pala ang babaeng yon, nakabase kasi ako sa personality.

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon