"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)OPPOSITE 4
SYREINE SOUTH CHAVEZ
"A-araay! Nay masakit!"
Naisigaw ko iyon dahil sa pag pingot niya ng tenga ko. Kakalabas lang namin ng guidance office, at agad niya akong piningot ng makalabas kami. Hawak-hawak ang tenga na sumusunod ako sa kanya dahil hila-hila niya ito. Nasa likod lang din namin ang kapatid ko.
"Talagang masasaktan ka sa'kin!" sigaw na sagot niya.
Napapikit ako dahil mas diniinan pa niya ang pag pingot sa tenga ko, marami ring nakatingin sa amin dahil naglalakad kami papuntang parking lot ng school. Tangina! Ang sakit puta!
"Nay! Bitawan mo na nga ako!" inis kong sigaw dahil pinagtitinginan talaga kami ng mga kapwa estudyante ko.
Huminto naman siya bigla kaya napahinto rin ako, marahas niyang binitawan ang tenga ko at masama akong tiningnan.
"Sa bahay tayo mag-uusap Syreine! Dalian mo!" nakadurong utos niya sa'kin kaya wala akong nagawa at hawak-hawak ang tengang naglakad papunta sa parking lot.
Tss, hindi na ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko, naiwan kasi sila doon sa loob ng guidance at yung babaeng tinulungan ko. Speaking of, pinaliwanag naman ng babae ang tungkol sa nangyari doon sa canteen tapos ito parin? Galit talaga siya? Ako na nga ang tumulong ako pa ang napasama.
Maraming mga mata ang nakasunod sa'kin, pero hindi ko na lang sila pinansin, mga letche! Wala ako sa hulog ngayon kaya wag nilang ipaparinig kung ano man ang ka-chismisan nila. Aba'y makakapatol na ako ng mga isdang kulang sa tubig alat. Tss.
Nang marating ko ang kotse ng kapatid ko ay agad akong pumasok sa loob, pumwesto ako sa likod. Pabagsak kong isinara ang pinto ng kotse at hinimas ulit ang tenga ko, si nanay naman yung kamay agad nakadapo sa tenga ko! Aish! Gusto ko magwala! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na naman iyon sa'kin.
Diba? Tumulong lang naman ako, hindi ba siya proud na yung ubod ng kagwapuhan na anak niya eh naging mabait at matulungin? Kung binigyan niya na lang sana ako ng premyo, baka ako pa maghuhugas ng mga plato mamaya.
"Bilisan mo gumalaw Ajax! Ng ma disiplina ko yang kapatid mo!"
Napahinto ako sa pag iisip ng marinig ang sigaw na iyon ni nanay. Nakaupo na siya sa shotgun seat at ini-start naman ng kapatid ko ang kotse. Tss. Pwede naman ibenta ang mga nanay diba? Bakit ba kapag galit na sila eh parang armalite na yung mga bibig nila? Pansin niyo rin ba? Feel niyo rin ba? Kung oo, saan niyo binenta nanay niyo ng magkapera naman ako?
Lalo akong sumimangot, naalala ko na naman kasi ang isang milyon ko na naging bato pa dahil sa kapatid ko. Nang sumagi siya sa isip ko ay agad akong tumingin sa rear mirror ng sasakyan niya. Diretso lang ang tingin nito sa daan at nakikinig sa nanay naming bomba ang bunganga.
"Tutulong na nga lang! Gumawa pa ng gulo! Aba Syreine hindi ka ba nagsasawa sa pakikipag-away ha?!" galit na sigaw ni nanay at lumingon sa'kin "Ano?! Ganyan na lang ba gusto mo sa buhay?!"
Imbes na patulan siya ay huminga na lang ako ng malalim at bumaling sa labas ng bintana. Kahit ano namang paliwanag ko sa nangyari ay useless lang, kung ano yung pinapaniwalaan niya yon ang idinidikdik niya. Eh mag sasayang na naman ako ng laway tulad kanina? Tss.
"Nay, wag mo na sigawan si Syreine. Kanina kapa sa school" narinig kong sabi ng kapatid ko.
"Kaya lumalaki ang ulo niyan dahil sayo Ajax!" lihim akong napairap dahil sa sinabi niya, nandamay pa "Sa kakaganyan mo eh tingnan mo ang nangyayari sa kanya!"

BINABASA MO ANG
OPPOSITE
RomanceHindi nila alam na ilang beses na silang pinagtagpo ng tadhana pero sa paraan kung saan ang isa sa kanila ay iba ang kasarian na ipinapakita nito. Sa mga lumipas na oras, araw at panahon, malalaman ni Syreine ang matagal nang itinatagong lihim ni Lu...