"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)OPPOSITE 5
SYREINE SOUTH CHAVEZ
Nag iimpake na ako ng mga damit ko na dadalhin dahil ngayon na ang alis namin. Nakapag desisyon ako kagabi na sumama sa kapatid ko para doon mag-aral sa Manila. Wala naman na akong magagawa dahil desisyon na rin ng aking ina na doon ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko.
Kahit sabihin kong wala siyang karapatan pag desisyunan ang buhay ko ay wala akong magagawa sa ngayon, dahil hindi ko pa kaya tumayo sa sarili kong paa. Mag trabaho nga ay hindi ko pa kaya, mabuhay pa kayang mag-isa.
Nang matapos kong ilagay lahat ng mga dadalhin ko sa bag ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Habang naliligo ay napa-isip ako, sinabi ko dati sa sarili ko na hinding-hindi ako tutungtong sa lupain ng Manila. Ang buhay ko dito sa Pampanga ay maayos naman kaya walang rason na pumunta at mamuhay ako roon.
Dahil lang sa pangyayari kahapon ay biglang naging bago ang takbo ng buhay ko, ngayon na aalis na ako sa lugar na kinalakihan ko. Magiging maayos kaya ang pamumuhay ko roon? Maaayos ko kaya ang sarili ko roon? Maraming tanong na nabubuo sa utak ko at kahit isang sagot ay wala pa akong makukuha.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ay kinuha ko na ang bag sa kama ko, iginala ko ang mga mata sa loob ng kwarto ko. Dito na ako lumaki at nagmumukmok sa mga panahong pinapagalitan ako ng nanay ko kaya sobrang mamimiss ko ang lahat ng nandito. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa pinto para lumabas.
Ipinihit ko na ang siradora ng pinto ko para buksan ito. Pero hindi ko pa nabubuksan ng maigi ay narinig ko ang boses ng aking ina. Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
“Hindi niya dapat malaman Ajax, dapat hindi sila magkita”
Sino ang tinutukoy niya? Ako ba?
Napailing ako dahil sa isipang iyon, imposibleng ako ang tinutukoy niya. Huminga ulit ako ng dalawang beses tsaka lumabas ng tuluyan sa kwarto ko. Isiniwalang bahala ko nalang ang narinig, ng makita ako ni nanay ay agad siyang tumayo at pinasadahan ako ng tingin kaya napahinto ako.
“Ganyan kana lang?” sabi niya kaya napakunot-noo ako “Syreine anak, dalaga ka. Alam mo yun?” dagdag niya na ikinaismid ko.
Naglakad ako papunta sa pwesto nila at sumalampak ng upo sa kahoy naming upuan. Tumingin ako sa kapatid ko pero agad siyang umiwas ng tingin. Muntikan pa akong mapairap, hanggang ngayon ba iniisip parin niya ang sinabi ko kagabi sa kanya?
“Ajax, bilhan mo ng damit yang kapatid mo pagdating sa Maynila. Iyong pang dalaga at hindi yang maong tsaka kupas na damit na yan” sabi ni nanay sa kapatid ko na tumango lang. Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa kanya.
“Nay akala mo ba dalaga tong anak mo?” turo ko sa sarili ko, isang matalim na tingin lang ang pinukol niya sa akin “Binata to nay, wala nga lang lawit” dagdag ko na ikinasamaa ng tingin niya.
“Kahit kailan ka talagang bata ka!” inis na bulyaw niya sa'kin kaya tumawa ako ng mahina “Ikaw Syreine, sana naman mag-aaral ka na doon ng mabuti. Kung may kailangan ka, kasama mo naman ang kuya mo” habilin niya na ikinatango ko.
Sa totoo lang, maraming beses niya ng sinabi sa'kin yan. Kagabi, pagkatapos niya akong sermunan dahil sa pag-alis ko kahapon sa bahay ay pinaintindi niya sa akin kung bakit ganon daw siya sa'kin. Nag-iisang babaeng anak lang daw niya ako kaya nag-aalala lang siya.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE
RomanceHindi nila alam na ilang beses na silang pinagtagpo ng tadhana pero sa paraan kung saan ang isa sa kanila ay iba ang kasarian na ipinapakita nito. Sa mga lumipas na oras, araw at panahon, malalaman ni Syreine ang matagal nang itinatagong lihim ni Lu...