OPPOSITE 3

127 11 0
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

OPPOSITE 3

SYREINE SOUTH CHAVEZ

Paglabas ko ng bahay ay nandoon na si Vape at hinihintay ako. Simula kasi kahapon hinatid na niya ako pauwi at ngayon ay sinusundo ako, sabi niya ihahatid at susunduin na niya ako. As Vape na kilala ko sobrang caring niya pagdating sa aming dalawa ni Violet. Ewan ko ba dito, before naman ay may mga kaibigan daw siya na katulad namin pero hindi siya ganito sa kanila. Siguro basehan ko na sa tagal na naming pagsasama ay sobrang malapit na kaming tatlo sa isa't-isa.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat kaya agad akong pumasok, naamoy ko naman agad ang pabango ni Violet kaya lumingon ako sa likod at nakita siyang dumudutdot sa cellphone nito. Inilagay ko muna ang seatbelt tsaka bumaling sa kanya ulit.

"Nandito ka pala?" tanong ko sa kanya na ikinatunghay niya, tumingin naman siya sa'kin saka bumusangot.

"May gusto kasi akong itanong sayo kaya nagpasundo na rin ako kay Vape" inilagay niya ang phone sa bag.

"Magkikita naman tayo sa school ah?" naramdaman kong minaneho na ni Vape ang sasakyan "Hindi ba yan makapaghintay?" sinalubong ko ang tingin niya, umirap ito at humalukipkip.

"Anong sinabi mo kay Ajax?" kunot-noong tanong niya sa'kin na ikinakunot ng noo ko.

“Anong sinabing pinagsasabi mo?” tanong ko rito at tumingin kay Vape na diretsong nakatingin lang sa daan.

“Ano nga sinabi mo sa kanya South?” tanong ulit niya kaya inis ko itong tiningnan.

“Eh wala nga akong alam!” sigaw ko sa kanya “Tsaka huling usap namin ay yung nasa kwarto ko, sinabi ko  sa kanya na pakasalan ka niya pero tuma—” napahinto ako at nanlaki ang matang bumaling sa kanya. “Sinabi na ba niyang papakasalan kana niya?!” buong galak na sabi ko tsaka dumukwang ng kaunti “Akin na isang milyon ko Lila! Naku! Mayaman na ako! Bwahaha—Ano ba!”

Inis kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko ng ilamukos niya ito. Matalim ko itong tiningnan na tinaasan niya lang ako ng kilay. Ano bang problema niya? Tss. Ang aga-aga pa pero timang na. Umayos na lang ako ng umupo at humalukipkip na tumingin sa labas ng kotse.

“Bakit mo naman sinabi yun?” narinig kong tanong niya

Eh kasi naman, gusto lang naman kitang ipakasal sa kapatid ko”

“Gusto mong ipakasal or yung isang milyon” rinig kong tanong ni Vape kaya napatingin ako sa taas. Napaisip sa tanong niya.

"Pwedeng both?" sabi ko at tumingin sa likod, masama naman ang tingin na ibinigay ni Violet sa'kin.

"South alam kong bobo ka pagdating sa ganito—"

"Grabe ka naman!"

"–Pero naman! Hindi mo na sana sinabi ang tungkol sa pera"

Narinig kong bumuntong-hininga na lang ito, ano magagawa ko? Eh kailangan ko rin ng pera. Two pesos na nga lang natira sa wallet ko, bumili kasi ako ng gum kahapon kaya naging dos ang lima. Putragis na yan, tapos sa bahay nanghingi ako sa kapatid ko pero ang walang hiya pinagdamutan ako.

"It's your fault anyway Lila"

Saan kaya ako mangungutang? Ng magkalaman itong wallet ko.

"Eh kasing yang tomboy na yan eh! Paano ko na lang haharapin si Ajax niyan?! Nakakahiya!"

Ay teka nga, matagal-tagal ko na rin pala siyang hindi nautangan. Tumagilid ako ng upo tsaka humarap sa driver seat.

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon