"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)OPPOSITE 7
LUTHOR JAVIER
Good morning monday!
Nagising ang diwa ko dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana na nandito sa kwarto ko, I inhale and I exhale with a smile posture in my lips. I slowly open my two beautiful eyes and look at to ceiling.
'what a wonderful dream!'
Lumapad ang ngiti ko nang maalala ang aking panaginip, isa daw akong babae na binayayaan ng boyfriend na walang kasing-tulad sa gwapong pagmumukha at super hot na body pa. Isang taon daw akong naging pabebe rito na niligawan at nauwi kami sa kasalan. Napahawak ako sa magkabilaang pisngi dahil sa masarap na idinulot sa pakiramdam ko.
"Oweeemmgiii! Hahahaha" tumatawang tumili ako dahil sa kilig at parang may paru-paro sa tiyan para makiliti ako ng ganito.
Masaya at malapad ang ngiting bumangon ako at nag-ayos ng sarili dahil may pasok at makikita ko na naman ang ultimate feelanga ko! Siya lang ang nagpapasaya sa'kin kahit na hindi niya alam itong nararamdaman ko. Basta mahawakan at makausap ko lang siya ay okay na okay na ako.
*Translation: Crush*
Nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili at sinigurado kong wala na ako nakalimutan ay agad akong bumaba para mag breakfast na. Dumiretso ako sa dining area namin at nandoon na lahat ng pamilya ko. Tumikhim muna ako at inayos ang paglalakad ko tsaka malapad na ngumiti sa kanila.
"Good morning everyone!" nakangiting sigaw ko sa kanila at isa-isa silang hinalikan sa pisngi. "Good morning mom!" humalik ako sa pisngi niya at ganon rin siya "Good morning dad!" sinuklian niya ko ng tipid na ngiti at nakipag-beso sa akin. Ganon rin ako sa kapatid ko na kumindat pa tsaka ipinagpatuloy niya ang pagkain.
"Good morning rin baby!" nakangiting bati naman ng mommy ko "Masaya ata ang gising ng baby ko?" malapad akong ngumiti sa kanya at mabilis na tumango.
"Oo naman yes!" masayang sagot ko rito at binalingan ang kapatid ko "Nakauwi kana pala?" tanong ko dito na ikinatango niya.
"Kuya nakikita mo naman diba? Duh!" umirap siya at tumingin ulit sa'kin "I just arrived yesterday and you're not here, asan ka na naman ba kahapon?!" mataray na tanong nito.
'gosh!'
Gusto ko siyang taasan ng kilay pero hindi ko magawa dahil nararamdaman kong pasulyap-sulyap si daddy sa aming magkapatid. Hindi ko magawa sa kanya ang ginagawa ko kapag wala ang parents namin at nagagawa naman niya ang hindi niya magawa kapag wala ang parents namin.
"Sa apartment ko, tch! At ano naman pakialam mo kung saan ako? Eh sa pagkakaalam ko wala kang pakialam sa mga lakad ko?" pinilit kong huminahon sa pakikipag-usap sa kanya.
"I just want to ask duh!" umirap siya at hindi na ulit ako pinansin.
Gigil akong tumingin sa gilid ko at nag make-face, tch! Ano akala niya? Porket nandirito na naman ako sa bahay eh gaganyanin na lang niya ako? Aba! Humanda talaga siya sa akin mamaya. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kinakain ko pero napahinto rin ng makitang nakatitig sa'kin si daddy. Pilit na ngiti ang pinakita ko rito, at nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na ito nagsalita pa.
'nalurky akembang!'
*Translation: Natakot ako!*
Ipapakilala ko pala sa inyo kung saan ako nagmana ng kagandahan, my one and only supportive mudrakels! Rian Javier. She knows who really I am, I mean my personality. Alam niyang isa akong princess and not a prince, first year highschool ako nung malaman niyang isa akong gurlalo! Syempre umiyak siya at sinabing bakit daw ako naging bakla, at sa maniwala kayo sa'kin o hindi. Kahit sarili ko ay hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito.

BINABASA MO ANG
OPPOSITE
RomanceHindi nila alam na ilang beses na silang pinagtagpo ng tadhana pero sa paraan kung saan ang isa sa kanila ay iba ang kasarian na ipinapakita nito. Sa mga lumipas na oras, araw at panahon, malalaman ni Syreine ang matagal nang itinatagong lihim ni Lu...