SIMULA

311 14 3
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

SIMULA

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse at bagot na bagot na. Kanina pa kami umalis pero ang bagal ng byahe, nakasakay ako ngayon sa kotse ng kaklase ko. Nagpasama kasi ako sa kanya pumunta ng bar, eh sa hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito.

Ayaw ko naman magpasama sa asungot kong kapatid, paniguradong sermon ang abot ko pag nagkataon. Bumuntong-hininga na lang ako at binalingan ang driver ng kaklase ko.

"Matagal pa ba ang byahe?" bagot kung tanong rito, sumulyap naman siya sa rear view mirror tsaka sumagot.

"Malapit na tayo hija" nakangiting saad niya kaya umismid ako.

"Ganon ka ba ka takaw sa alak at nagmamadali ka pumunta sa bar Syreine?" napabaling naman ako sa katabi ko ng magsalita ito.

"Wag mo nga banggitin ng buo ang pangalan ko Lurian!" inis na saad ko rito na ikinatawa niya lang.

"Eh kasi naman..."

Hindi ko na lang ito pinansin at binalik ang tingin sa labas ng bintana, kumusta na kaya sila Vape at Gill? Putragis naman kasi ang mga yon! Akala ko sasamahan nila ako dito sa manila pero ang mga tukmol, nagpapakasaya ang buhay ng wala ako.

"Di ba Sy?" narinig kong sambit ni Lurian kaya bumaling ako sa kanya at tumango.

"Oo" kahit hindi ko narinig ay tumango na lang ako, madaldal kasi ito at iyon ang ayaw ko sa mga kasama ko. Naiirita ako kapag sobrang ingay. Wala lang akong choice dahil nagpasama ako sa kanya.

"Nandito na ho tayo Ma'am Lurian"

Agad akong napabaling sa labas, agad kong nakita ang isang bar dahil sa kapansin-pansin ang pag-iiba ng mga kulay na palamuti nito sa labas. Binuksan ko na agad ang pinto ng kotse at lumabas.

"Sala-at bakit ikaw?" nagtatakang sambit ko kay Lurian ng bumaba ito ng kotse at tumabi sa akin tsaka pinulupot ang braso niya sa braso ko. "Oh bitaw" agad kong tinapik ang mga iyon na ikinabusangot niya.

"Eto naman parang hindi tayo friend" muntik na akong mapairap dahil sa huling sinabi niya, friend? Kailan pa? Hindi ko alam yon. "Tara na! Let's party!" biglang sigaw niya kaya sinuway ko ito.

"Hoy! Hoy! Sino nag sabing sumama ka sa loob?" hinablot ko ang braso nito na akmang maglalakad na patungo sa bar. Nagtataka naman niya akong tiningnan at tinuro ang sarili.

"Myself why?"

"Hindi, bumalik ka doon sa kotse at umuwi kana" sabi ko rito ay hinila siya pabalik sa loob ng kotse niya kaya nagdadakdak na naman.

"Si Sy naman! Minsan na nga lang akong pumunta at may magyaya sa akin pipigilan mo pa ako! Malaki na kaya ako! 15 na ako Sy!"

"Minor ka tanga" bagot na sagot ko at tinulak siya papasok ng kotse pero ang talipandas, nagwala.

"Eh kilala naman na ako dito! Tsaka ano ka ba? Pagkatapos kita samahan dito, ginaganyan mo na ako? You hurt my feelings Sy! Friend tayo diba? Tinulungan pa nga kita sa assignment mo-ay hindi! Ako ang sumagot, kaya dapa-"

"Punyeta ka, tara na nga!" napa suklay na lang ako sa sariling buhok dahil sa mga sinasabi niya. Nanumbat ba ang walang hiya.

"Hehehe"

Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad nalang patungo sa bar. Kung nandito lang ang dalawa paniguradong pagtatawanan ako ng mga iyon, alam pa naman nilang ayaw ko sa mga makakati ang dila. Tss.

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon