OPPOSITE 6

65 11 0
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

OPPOSITE 6

SYREINE SOUTH CHAVEZ

Nakita kong nasa kabilang kalsada na ang kapatid ko at nakapamulsang naglalakad habang nakasabit ang bag ko sa balikat niya. Inis kong kinamot ang ulo ko dahil sa iniisip na maghahanap kami ngayon ng uupahan ko.

Kakasabi ko lang kanina habang papunta kami rito na hindi ko kaya kung mag-isa lang akong mamumumuhay sa siyudad na hindi ko kinagisnan at ngayon ay nangyayari na. Hindi ko alam kong nagkataon lang o sadya talaga eh.

Nakakainis!

Ipinagpatuloy ko ulit ang paglalakad para makatawid na sa kabilang kalsada pero nang tangkain kong humakbang ulit ay napahinto ako dahil sa biglang may bumusina ng malakas. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko roon ang paparating na kotse. Napanganga ako dahil sa ganda nun at ngayon lang ako nakakita ng ganitong kotse.

Napaatras ako at napakurap ng ilang beses nang huminto ito sa harap ko. Bumilog ang mata ko ng husto dahil nakita ko na ito ng malapitan. Naglakad ako papunta sa gilid, likod at sa gilid nito ulit. Tsaka ako bumalik sa harap ng mapagmasdan ko na ng buo ang kotse.

'ang gara naman nito! yayamanin!'

“Hey you!”

Nalipat ang tingin ko sa nagsalita, mula sa kotse may lumabas na isang lalaki na nakahawak sa pinto nito at masama ang tingin sa akin. Pabagsak niyang sinarado ang pinto ng magarang kotse niya at naglakad papunta sa pwesto ko.

Doon ko napagmasdan ang postura at sarili niya. Maayos ang buhok niyang naka thin curtains haircut, maganda ang pagkakurba ng kanyang makapal na kilay, meron ring mahahabang pilik-mata, biniyayaan rin siya ng matangos na ilong at korteng puso na labi.

“Naririnig mo ba ako?!”

Napakurap-kurap ako ng marinig ulit ang boses niya. Nakapamewang na siya sa harap ako at matalim na ang tingin sa akin. Nagsasalita pala siya? Nasobrahan ata ang pagkomento ko sa sarili niya, pogi nga masungit naman. Mabuti pa ako’t sobrang gwapo na eh sobrang mabait pa.

“I said, why don't you even step to the side of the road?! Are you out of your mind?!” sigaw nito na ikinangiwi ko. Ang lapit-lapit lang niya pero kung makasigaw parang malayo ang kausap niya. Aning rin to eh.

“So ako pa may kasalanan ngayon? Eh diba dapat ikaw ang mag sorry sa'kin?” mahinahong tanong ko sa kanya pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

“And why?” masungit na pagtatanong niya kaya huminga ako ng malalim.

“Bobohan lang manong?” diretsong tanong ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya “First of all, tatawid lang ako para sundan ang kapatid ko pero ikaw at yang magarang kotse mo–” tinuro ko ang kotse niya na sinundan naman niya ng tingin, taas kilay na ibinalik niya ang tingin sa akin “eh muntikan na akong banggain! Pangalawa, wag mo akong sigawan dahil baka ipapulis kita! At pangatlo, madali naman akong kausap manong” inilahad ko agad ang isang kamay ko sa kanya at taas noong sinalubong ang nagtataka na niyang tingin.

“And what is that?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin at turo-turo ang nakalahad kong kamay.

“Kamay yan manong, hand in english” sagot ko at nilapit sa kanya ang kamay ko. “Akin na ang pera” dagdag ko na ikinalingon niya

“What?!” gulat niyang sigaw at masama akong tiningnan “Are you a scammer?!” durong tanong niya.

“Hoy manong! So—”

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon